Chapter 55

10.1K 208 0
                                    

Nakita kong lumamlam ang mga mata ni Justin. I couldn't bare to see him like this. And I know pareho rin sila ni Nicole nang nararamdaman ngayon.

Tumikhim muna siya bago magsalita.

"I was a jerk to her,Lea." simula niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Sa halip na magtanong ay hinintay ko na lang na magsalita siya ulit.

Huminga muna siya nang malalim at tumingin sa napakalinis na tubig sa pool.

"I couldn't stand her jealous side kaya nasigawan at nagalit ako sa kanya. Nakapagsalita ako nang hindi magaganda sa kanya. Hell! I even told her that I am going to break up with her if she continue to be childish but then nagsisi ako kung bakit ko pa yun sinabi. Huli na ang lahat at siya na mismo ang nakipag-break sa akin." ma-emosyonal niyang sabi.

Napatakip ako sa aking bibig. My heart is hurting for them.

"I don't know how to bring everything back,Lea. She left me. She left mad at me and hindi niya sinasagot lahat nang tawag ko.I love her so much na hindi ko alam kung makakaya kong di siya makita."

Nakita ko ang pagtulo nang luha niya habang sinasabi iyon. Nilapitan ko siya at inalo.

"Just,be strong. Kaya mo yan. Siguro nagpapalamig lang si Nicole sa Paris. Babalik din siya."

" I don't know anymore,Lea."napapailing niyang sabi.

Hindi ko rin talaga alam kung paano tulungan ang dalawa. Gusto kong tawagan si Dave para hingin ang tulong niyang magkaayos ang dalawa. I coudn't stand seeing Justin this way. This is the first time na nakita ko siyang ganito eversince. Alam kong mahal nila ang isa't-isa.

"I am thinking of going to Paris to see her." biglang sabi niya.

"Paano ang trabaho mo rito?"

"I don't know,Lea. Ang gulo nang isip ko ngayon. If hindi ko siya susundan sa Paris baka wala na talaga kaming pag-asang magkabalikan. She's so stubborn. But I love her."

Kung sino pa ang hilig maglaro nang babae noon ay siya pang sobra kung magmahal. Alam kong ganito rin ang lahat nang mga kaibigan kong lalaki. Gaya rin sila nina Dave at Justin kung magmahal.


Iniwan ko si Justin para makapag-bihis na ako at nang makapunta na ako sa trabaho. Late na ako and panigurado nagtataka na si Tita kung nasaan na ako.

Gaya nang nakagawian ko na ay inuna ko muna ang trabaho ko sa opisina. Lunch time na nang natapos ako sa pagre-review nang mga documents. Nagba-browse lang ako sa net nang tumunog ang cellphone ko. Si Dave ang tumatawag.

"Babe.." bungad ko.

"Baby,did you eat lunch yet?"

Naririnig ko pa ang maingay na background niya. Saan kaya ito?

"Not yet babe,but I'll go down para maglunch mamaya.Ikaw? Teka,ba't ang ingay nang background mo dyan?"

"Oh not yet. Andito ako sa isang site na tinatrabaho nang firm. It's the machines here na ginagamit nang mga workers."

Kaya naman pala.

"Oh okay. Mag-lunch ka na babe..and what time ka pupunta sa school? I think,I can come to watch your game later.After kong bisitahin mamaya ang kitchen ay wala na akong trabaho."

"That's good para may inspirasyon naman ako doon." natatawang sabi niya.

"Yeah babe..sure...basta don't skip your lunch,okay? I love you babe..I'll see you later."

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon