Chapter 18

10.7K 274 4
                                    

*PAAAAKKK*

Nasapo ko ang aking pisngi nang maramdaman ang pagtama ng mga palad ni Mama sa aking mukha.

"Hindi kita pinalaking ganyan Azalea!" galit nitong sabi sa akin. "Kailangan ka pa natutong uminom? Kailan ka pa natutong magsinungaling ha?"bulyaw pa nito. " "At ang lakas ng loob mong magsama ng lalaki para ihatid ka dito?Hindi ako bulag at bingi para hindi marinig ang usap-usapan ng mga kapitbahay natin.Wala ka na bang kahihiyan? 

Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil napahikbi na lang ako.Magkahalong gulat at pagka-guilty ang naramdaman ko.

Kanina ay sa waiting shed lang ulit ako nagpahatid kay Dave. Gusto niya sanang ihatid ako sa bahay pero tumanggi ako. Nagulat na lang ako nang makitang nakaabang na pala si Mama sa bakuran. Nang makita niya ako'y agad niya akong kinaladkad papasok sa bahay.

"Nakakahiya ka Azalea! Hindi kita pinalaking ganito!" sabi niya na parang nandidiri pa sa akin.

"Ma" tinangka ko siyang hawakan pero tinabig lang niya ang kamay ko.Napahikbi ulit ako sa isang tabi.

"Boyfriend mo na ba yong sinasabi nilang naghahatid sayo dito?" 

There's no sense of lying. Ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko kay Mama.

"O-opo."

Matapos kong sabihin iyon ay agad niya akong nilapitan at pinagsasampal ulit.

"Iyan ba? Iyan ba ang ginagawa mo sa eskwelahan? Azalea,kakasimula pa lang ng klase at may ganyan na?"

Sabi niya na walang humpay pa rin sa pagbigwas sa akin. Pinilit kong sanggain lahat ng mga sampal ni Mama sa akin.

"Mas mabuti pang huminto ka na lang sa pag-aaral kong iyan lang din ang aatupagin mo!" sabi pa niya.

Doon na ako nakaramdam ng matinding takot. Ngayon lang ako napagalitan at napagbuhatan ng kamay ni Mama. Masakit ang lahat-lahat sa akin. Katawan ko at lalong-lalo na ang puso ko.

"Ma,patawarin niyo po ako..." sumisinghot kong pakiusap sa kanya. "Hindi na po mauulit,Ma."

"Talagang hindi na mauulit Azalea. Mula ngayon ay diretso ka nang umuwi sa bahay galing ng eskwelahan. Hindi ka na din papasok sa tindahan ni Aling Sabel.Uutusan ko si Mang Kanor na ihatid at sundo ka. At hiwalayan mo na rin kung sinuman yang lalaking kinababaliwan mo!"

"Ma,mahal ko po si Dave!" hindi ko na napigilang sambit.

"Mahal? Paano ka nakakasigurong mahal ka nga niya? Hindi mo pa lubusang kilala yung tao Azalea. Kakakakilala niyo pa lang at ngayon sinasabi mong mahal mo siya?Wag kang tanga Azalea!" paasik na sabi nito."Kung hindi mo magawa yan ay papakiusapan ko ang ina ni Lotlot na dalhin ka sa Maynila." banta pa nito.

Napahagulgol ulit ako. Ang sakit sakit na nang dibdib ko. Iniisip ko pa lang na hiwalayan si Dave ay hindi ko na kaya. 

"Nangako kang pag-aaral mo ang aatupagin mo Azalea.Nangako kang tutuparin mo ang pangarap namin ng Papa mo para sayo pero ngayon pa lang ay binigo mo na kami." dismayado ang tinig ni Mama.

Hindi ko na kayang marinig pa ang sasabihin ni Mama.Napadangoyngoy na lang ako.

Nagkulong ako buong araw sa kwarto. Hindi pa rin matigil ang paghikbi ko.Ni hindi na ako kinikibo ni Mama pagkatapos ng komprontasyon namin. Naririnig kong tumutunog ang telepono sa baba,alam kong si Dave iyon. Bago kami naghiwalay kanina ay sinabi niyang tatawagan niya ako para kumustahin.


Kinabukasan ay mugto pa ang mga mata ko nang pumunta ako sa school. Nangyari nga ang sinabi ni Mama na pababantayan niya ako kay Mang Kanor. Sinadya kong agahan ang pagpasok dahil alam kong hindi pa darating sina Dave. Habang naghihintay sa klase ay nakatitig lang ako sa kawalan.Nagsipatakan ulit ang mga luha ko. Buti na lang at wala pa ang mga kaklase ko. 

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon