Nagpatuloy sa pagiging malamig sa akin si Mama. Kami na nga lang dalawa sa bahay ay parang hindi pa kami magkakilala. Sa tuwing nagtatangka akong kausapin siya ay iniiwasan niya ako. Kung dati ay magkatabi kami sa higaan,ngayon ay sa sahig na ako natutulog. Hindi ako nagreklamo tungkol doon. Okay na sa akin ang ganun kaysa sa ipagtabuyan niya ako.Umaasa pa rin akong magkakaayos din kami ni Mama. Sa dami nang napagdaanan namin sa buhay alam kong hindi maitatwa ang pagmamahal namin sa isa't-isa.
Nagsimula na rin kaming mag-lie low ni Dave. Noong una ay labis akong nahirapan. Patago kami kong magkita. Kung noon ay halos buong araw kaming nagkikita at nagkakasama,ngayon ay halos isa o dalawang oras na lang. Iniiwasan kong may makakita sa amin na maaaring magkapag-sumbong kay Mama. I don't want to hurt her more but I don't want to give up Dave either.
Alam kong inoobserbahan ni Mama ang mga kilos ko sa tuwing lalabas at uuwi ko sa bahay. Para na kaming nagkaroon ng wall sa isa't-isa.Ilang beses ko iyong palihim na iniyakan. Kung maaari ko lang ibalik ang panahon para maitama ko ang lahat ay ginawa ko na.
"A-attend ka ba ng acquaintance party?" tanong sa akin ni Nicole ng nasa library kami.
Hindi ko pa pala nasabihan si Mama about sa acquaintance party namin sa susunod na biyernes. Dahil sa dami ng iniisip ko ay nakaligtaan kong malapit na pala ang party. Pero ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Maaaring payagan niya ako o pipigilan niya akong umattend.
"Hindi ko pa sigurado." ani ko.
"Pag di ka niya payagan pwede ka na namang tulungan namin para ipagpaalam ka." nag salita si Alyssa na kagagaling lang sa may shelf na may bitbit na libro.
"Kakausapin ko si Mama mamaya."
"Papayag yun Lea. At saka mandatory sa ating lahat na umattend." si Jasmine namana ngayon ang nagsalita.
"OMG!" bulalas ni Chesca.
Napalingon sila sa gawi nito. Parang may kung ano itong nakita na kaaya-aya sa cellphone nito.
"What?" sabi ng nagtatakang si Nicole.
Ipinakita nito ang cellphone niya kay Nicole na para bang may kung ano doon. Pati sina Jasmine at Alyssa ay dumungaw na din.Halos manlaki ang mata ng mga ito.
"Martina is pregnant?" halos sabay-sabay na bulalas ng mga ito.
Napahinto ako sa pagsusulat at umawang ang labi. Buntis si Martina? Sino ang ama? Si Dave? Bigla siyang kinabahan. Si Dave lang kasi ang nakikita kong pinagkakainteresan nito bago naging kami. Hindi pa nga niya nakalimutan ang ginawang pambububully nito sa kanya.
"I-browse mo...."ani Nicole.
"Te-teka paano niyo nalaman?" sabi ko.
"it's all over the newsfeed sa facebook." ani Chesca na tutok pa rin sa cellphone nito.
"Don't worry it's not my brother's Lea...." nabasa siguro ni Nicole ang may pag-aalalang mukha ko kaya inunahan na ako.
Napansin siguro niya ang may pag-aalala kong mukha.
"Mostly sa comments eh sinasabing taga ibang school daw ang nakabuntis sa kanya so hindi talaga si Dave mo yun,Lea...."
"Kaya pala di na natin siya nakikitang pumapasok sa school."
"Baka naman dahil sa kahihiyan..."
Martina was mean to me pero inaamin kong medyo nakaramdam ako ng awa.Paano na ang future niya? Paano na ang mga pangarap niya?
"Girls let's go,nag text na si Kuya,nasa tambayan na daw sila." anunsyo ni Nicole at nagsitayuan na kaming lahat para lumabas sa library.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."