Prologue
Pearl's Pov
"Hi, ang g'wapo talaga ni Dwight, bagay kami,"
"Oo nga eh, siguro mabango 'yan,"
"Baby Dwight, akin ka na lang,"
Sigawan iyan ng mga babae na kinikilig kay Dwight.
Totoo naman kasi, g'wapo na matangkad pa tapos sikat pa.
Pero hindi ko lang kasi alam kung mabait ba ang lalaki na 'yan, lahat naman kasi ng babae na lumalapit sa kanya ini-ignore niya.
4 year's ko na rin na crush si Dwight. Grade 7 pa lang ako noon, crush ko na siya. Until now na grade 10 na ako, siya pa rin. Senior high school na si Dwight kaya hindi ko siya kaklase. Madalas ko lang siya na makita kapag nasa labas na kami ng classroom or kapag nasa gym siya o kapag nasa cafeteria naman siya. Basketball player at captain ng grupo nila si Dwight kaya kapag nag-pa-praktis siya roon, madalas siya na pag-pantasyahan ng mga babae na tumitili kapag nakikita siya.
"Hoy, Pearl Rian Samonte... gumagawa ka na naman ba ng love letter para kay Dwight? Hindi rin naman niya 'yan babasahin, at sa basura lang ang bagsak niyan." nag-pout pa ako sa kanya. Si Whiskey naman ang malambot ko na kaibigan. Ayaw niyan na nasasaktan ako kasi love na love niya ako.
Totoo naman kasi, nakikita ko minsan si Dwight na itinatapon lang ang mga bigay ng mga babae sa kanya.
At hindi ko rin alam kung pati ba mga letters ko ay tinatapon niya lang, pero iyon kasi ang sabi ng mga janitress na naglilinis minsan ng room nila. Madalas raw love letter ang laman ng basura nila.
Hindi siya marunong maka-appreciate.
"Oo, na, gumagawa ako pero last na talaga 'to... promise!"
"Nako Pearl, pang ilang beses mo na ba na sinabi sa amin 'yan?" si Bianca naman, ang bestfriend ko na palaging concern sa akin.
"Sorry na mga best, last na talaga ito,"
Palagi akong nag-susulat ng letter for him. Pero hindi ko nga lang alam kung binabasa niya ba o baka naman basura ang nakikinabang.
"Ano pa nga ba ang magagawa namin," Napabuntong hininga si Whiskey habang sinasabi iyon.
"Crush mo eh, pero kapag talaga sinaktan ka ng lalaking 'yon, makakatikim siya sa akin ng malutong na sampal!" sabi ni Bianca.
"Sadista ka talagang babae ka," si Whiskey na natatawa sa sinabi ni Bianca.
Mula elementary days, kasama ko na ang dalawang 'to. Sila na talaga ang real best friend ko at hindi rin sila plastic kagaya ng mga ibang tao sa paligid ko.
"Basta last mo na 'yan ah," paalala sa akin ni Whiskey.
Support naman sila sa mga gusto ko, kaso nga lang kasi, hindi ko sila makumbinsi na i-support nila ako kay Dwight, ang hirap talaga kapag inlavey ka, nakakatanga, sobra!
By the way, ako nga pala si Pearl Rian Samonte, 17 years of age, no boyfriend since birth pero may isang ultimate crush na pinagpapantasyahan.
At iyon ay si Dwight Cheon, and this is my---our story!
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Roman pour AdolescentsMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
