Sorry na agad sa matagal na update!
Enjoy reading mga mahal kong taga-suporta!
______________________________________
Chapter 55: Necklace, Food, and Handkerchief.
Pearl's Pov
Simula kagabi pa lang ay marami na akong iniisip. Pati tuloy sa school nadala ko pa ang mga iniisip ko.
Nasa library ako ngayon. Wala iyong dalawa, ewan ko ba kung nasaan ang mga iyon.
Ramdam ko na parang may naka-tingin sa akin kaya luminga linga ako sa paligid. Wala namang tao na naka-tingin sa akin. Heto na naman ang weird feelings, minsan, iniisip ko na lang na baka minumulto na ako. Baka naeengkanto na ako ng hindi ko man lang namamalayan!
Nag-ring ang phone ko kaya roon ko itinuon ang atensyon ko bago ilapag ang librong binabasa ko.
From Xander;
Saan ka?!
To Xander;
Nasa library.
Ilang araw ko na nga rin palang hindi nakakasama ang isang 'to. Busy siguro sa mga school works niya, magpaparamdam nama iyon eh kung hindi siya busy.
From Xander;
Wait mo ako, sunduin kita!
To Xander;
Sige!
Nang makapag-reply ako sa kaniya'y tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.
Pagka-labas ko nang library, kita ko na ang Xander na malapad ang ngiti na naghihintay sa akin.
"Magandang Pearl..." bati niya.
Never na niyang nakalimutan ang endearment niyang iyon sa akin.
"Uy Xander, kumusta?" bahagya kong tanong sa kaniya nang maka-lapit na ako sa kaniya.
"Okay lang! Akin na 'yang mga hawak mong libro!" wow, first time 'to ah!
"Sure ka? Mabigat ang mga ito!" paniniguro ko kung kaya niya ba talagang buhatin ang limang librong dala ko.
Mahina siyang natawa. "Kaya mo nga 'di ba, tapos ako hindi kakayanin? Hindi naman ako mahinang nilalang Pearl!" aniya habang umiiling iling pa.
"Nga pala, nabalitaan mo na ba iyong nangyari?" nakatingalang tanong ko sa kaniya.
"Huh? Anong nangyari?" halatang wala talaga siyang alam. Hindi ba't close sila ni Jaynie? Kung close sila, eh 'di dapat alam niya ang nangyari kahapon.
"Ah... Bago ko ikwento sayo, libre mo muna ako nang ice cream!" nag-ke-crave ako sa ice cream kaya parang feel kong kumain.
"Sige ba, basta kwento mo sa akin huh!" saad niya bago namin tinungo ang cafeteria.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Roman pour AdolescentsMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
