Kumusta kayo?
Hope you are doing well PINKFAM<3
Chapter 35: Pearl's feelings
Pearl's Pov
"Pwede ba akong mag-tanong sayo?" i asked on him.
"You're already asking!" tugon naman niya habang nagbabasa ng kung ano.
Bookworm rin pala siya?
"Ilang taon ka na sa pagiging leader ng gang ninyo?" sana'y masagot niya para hindi na ako ma-curious pa.
Kanina pa kasi ako na-cu-curious, ngayon lang ako magkakaroon ng chance para tanungin siya.
Naka-higa na kami pareho, nasa couch ako at nasa kama naman siya.
Well, alangan naman kasi na ako ang mahiga sa kama niya 'no, saan naman ako nakakuha ng swerte ko? Mansyon niya kaya 'to!
"Matagal na ang DCG!" saad niya ngunit hindi pa rin sa akin ang tuon ng kaniyang mga mata.
"DCG?" naka-kunot noo na tanong ko sa kaniya.
"Yeah, Dwight Cheon Group!" sagot niya tsaka isinandal ang likuran sa headboard ng kaniyang kama. Talagang ipinangalan pa sa kaniya ang pangalan ng grupo nila. Ipinangalandakan lang niya na siya ang lider ng mga kasamahan niya.
Ang astig ng name...parang siya lang. Pero kung talagang astig siya, bakit siya binugbog ng limang lalaki? Lima naman nga sila, mas malakas talaga ang mga iyon, compared naman sa kaniya na mag-isa lang. Mabuti sana kung kaya kong makipag-sabayan sa kaniya.
"Ang astig...pero teka nga lang, eh kung member ka pala ng gang, bakit hindi ka napapa-talsik sa pagiging SSG president mo?" iyon kasi ang sabi ni Kier, kaya natanong ko.
"And how did you know about that fvcking rule?" naka-poker face na tanong niya sa akin.
"Bawal mag-mura..." saway ko sa kaniya.
"Tell me, sino ang nag-sabi sayo niyan?" This time, parang bababa na siya sa kama niya para sakalin ako. Kaunting bagay lang, nagagalit na siya. Mabuti na lang at hindi na ako nasasaktan kapag ganito siya sa akin.
"Kier..." sagot ko sa kaniya.
"That man, napaka-daldal. Parang hindi lalaki kung umasta." he whispered pero sapat na ang lakas para marinig ko iyon.
"Bakit ano ba ang mayroon sa rule na iyon at ayaw mong sabihin sa akin?" naniningkit pa ang aking mga mata habang nagtatanong sa kaniya.
"Nothing!" inis na saad niya bago tumalikod sa akin.
"Sabi kasi ni Kier, may valid reason daw rapat para hindi ka mapa-talsik sa pwesto mo sa SSG, iyan daw ang rule ninyo. Kaya ka siguro hindi napapa-talsik kasi may valid reason ka." hindi na niya ako kinibo kaya akala ko'y tulog na siya.
"Kailan ka kaya nag-umpisang sumali sa gang? Anong grade ka at bakit ka kaya sumali? Siguro napaka-imporatante ng rason mo kung bakit ka nag-join. Marami pa sana akong gustong itanong sayo, kaso mukhang hindi mo na masasagot iyon kasi tulog ka na, good night Dwight!" Sarili ko na lamang ang inabala kong kausapin kasi mukhang tulog na nga yata talaga siya.
Akma na akong tatalikod at hihilahin ang kumot para makumutan ko ang aking sarili nang bigla siyang mag-salita at napa-tigil naman ako sa aking ginagawa.
"I started to join gang group when i was in grade 9, member pa lang ako noon, hindi ako iyong rating leader, may mas nauna pa sa akin, and that leader is a fvcking traitor so, pinalitan ko siya sa kaniyang pwesto...and now, kalaban ko na ang grupo ng gagong iyon, i joined because i have a mission, may isang tao na nangangailangan ng proteksyon ko. And that person is very important to me. I am willing to sacrifice my own happiness just to save that person. And lastly, i love that person kahit na hindi kami okay sa isa't isa."
So hindi DCG ang rating pangalan ng group nila? Pero wala na ako ro'n, at sumali siya dahil sa isang tao? Siguro siya iyong si Jaynie, mahalaga nga talaga ang babaeng iyon sa kaniya. Mahal niya ngang talaga ang babaeng iyon. And no one can replace her in Dwight's heart, even me, i can't replace Jaynie at all. Sino nga lang naman ako, ako'y isang hamak na marupok na may gusto sa isang lalaki na hindi naman ako gusto. Minahal niya si Jaynie...compared sa akin na ako lang ang nagbibigay ng pagamamahal para sa aming dalawa.
Tumayo ako at tinungo ang higaan niya. Nakita ko na mahimbing na ang tulog niya kaya umupo ako sa kaniyang tabi. Lumayo lang ako ng kaunti para hindi ko siya magising. Baka mag-ala-tigre na naman kung hindi ma-kompleto ang tulog niya.
"That girl...si Jaynie, importante nga talaga siya sayo. Ang swerte niya kasi mayroon ka, kita mo nga oh, sumali ka pa talaga sa gang para lang ma-protektahan siya. Ikaw ang pinapangarap ko na lalaki, kaso iba naman ang hangad mo, kailan kaya mag-tatagpo ang ating mga puso? Kasi sa panaginip ko lang madalas na maramdaman iyon. You are the man of my dreams, and i can't replace Jaynie in your heart. After ng gabing ito, pangako, titigilan na kita, and actually that's my original plan kahit na hindi nangyari ang gabing ito. Mahal kita pero hindi ko na kaya, mahal mo si Jaynie kaya pagbibigyan kita. Malaya ka na Dwight, wala ng Pearl na maghahabol sayo!" after that long said, hinalikan ko ang isang pisngi niya. Hindi naman siya nagising kaya sandali ko munang tinitigan ang kaniyang maamong mukha. "Ang g'wapo mo talaga, kaya ka nagustuhan ni Miss Jaynie kasi ang amo ng mukha mo. Ngayo'y tinatapos ko na ang four years na pagpapantasya ko sayo. This will be the last time na ako mismo ang lalapit sayo. I love you Dwight, kahit na hindi mo naman ako mahal!" Niyakap ko siya ng bahagya, ngunit sandali lang iyon dahil gumalaw siya. Nang mapag-tanto ko na baka magising ko siya...bumalik na ako sa couch at nahiga roon.
Tumalikod ako sa kaniya kaya hindi ko na makita ang kaniyang maamong mukha. Hindi rin naman kasi malayo ang pwesto niya sa akin, bukod roon, nasisinagan rin ng maliwanag na buwan ang kaniyang g'wapo at maamong mukha.
"I love you Dwight kahit na si Jaynie naman ang love mo!" wika ko habang kusa na lang bumabagsak ang talukap at luha ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Fiksi RemajaMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
