Chapter 3

26 8 10
                                    

Chapter 3: The Deal Winner

Pearl's Pov

Natahimik ako saglit at napagtanto na ang lalaking nasa likod ni Dwight ay si,  "Xander?!" medyo napalakas pa yata ang pagtawag ko sa pangalan ni Xander kaya pati si Dwight ay napatingin sa akin.

Nang bahagyang makalapit sa akin si Xander na nakangiti ay sumunod naman sa kanya si Dwight. Bale nasa likuran lang ni Xander si Dwight.

Ghad, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Babe," iyan naman ang ibinungad sa akin ni Xander.

Loko talaga ang isang 'to.

Naririnig ko naman ang mga bulungan na tila'y nagtatanong rin sila kung sino ang kasama ni Dwight.

Mukhang may mga bagong kakikiligan na naman ang mga babae rito sa school ah. And take note, including my friends na 'yan ha.

"Loko ka talaga Xander, 'di ba---"
hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ito.

"I mean, Ms. Bookworm. Ano na? Magandang Pearl?"

"Ah eh, okay lang, ahm, nagkita na naman tayo 'no." maging ako'y hindi naintindihan ang sarili kong winika. Paano ba naman kasi'y nakatitig lang naman sa akin ngayon ang lalaking hindi man lang ako mabalingan ng kahit isang segundong tingin.

"Ah oo nga eh, hehe, kaibigan ko nga pala si Dwight."

Oh ghad, kaibigan niya si Dwight? Paano? Kailan?

"Ah, hello," bati ko kay Dwight kaso umiwas siya ng tingin. Nakakahiya naman, nadedma lang ako!

"Hayaan mo na 'yan magandang Pearl, ako na lang pansinin mo kasi lagi naman kitang papansinin eh." hay loko talaga.

Napatingin naman ako sa dalawa kong kaibigan at nakita na parang kinikilig pa sila. Kalog talaga!

Kinuha ko ang aking libro at kinuha roon ang letter na ginawa ko para kay Dwight. This time, ibibigay ko na talaga sa kanya at hindi na ako mahihiya, bahala na si tadhana haha.

Nginitian ko na lang si Xander at ibinaling kay Dwight ang aking tingin.

"Dwight? Para sayo!" Inabot ko sa kanya iyong letter.

Siguro umabot ng 10 seconds ang oras bago niya tinanggap iyon.

And ang nakakakilig pa'y binasa niya iyong nasa harapan ng letter.

Wah, kinikilig talaga ako kaya napapangiti na lang ako ng patago.

"Patingin, kung ayaw mo akin na lang," pilit na inaagaw ni Xander kay Dwight iyong letter na bigay ko.

Ayaw naman ibigay ni Dwight kay Xander kaya namilog ang mga mata ko.

Wahhh, huwag niyang sabihin na nagustuhan niya iyon?

Napansin ni Dwight na napatingin ako sa kanila. Nagtama naman ang tingin naming dalawa kaya nagwawala na ang mga paruparo sa aking tiyan dahil sa kilig at halos mahulog na ang puso ko dahil sa sobrang kaba.

"Yours na!" binigay niya kay Xander ang letter na bigay ko tsaka umiwas ng tingin tsaka naglakad paalis.

Grabe naman, pinaghirapan ko kaya 'yon 'no.

Habol lang ang tingin ko kay Dwight na naglalakad papuntang table na napili nila. Grabe naman ang tilian ng mga babae roon kasi nakalapit si Dwight sa kanila.

"Magandang Pearl, promise aalagaan ko 'to." sabi ni Xander bago naglakad patungo kay Dwight.

Buti pa si Xander na-apprecite niya. Hayaan na nga lang...

Umupo na ulit ako sa upuan ko kanina.

"I am the winner," sabi ko sa kanila habang naka-ngiti ng malapad.

"Oo na, pero best? Saan mo nakilala iyong Xander? Ang g'wapo niya." si Whiskey na halata mo sa mukha na kinikilig siya.

"True, ship ko na ba sila?" si Bianca naman.

"Kanina lang, nagbabasa ako sa may field tapos nakiupo siya sa katabi kong bench . Tapos ayon, nakipag-kaibigan na ang loko." paliwanag ko sa kanila.

"Pero infairness ah, na-appreciate niya iyong sulat mo." si Whiskey.

"Oo nga eh, mabuti pa siya. Pero hindi ako susuko, mai-inlove rin sa akin ang Dwight na iyan. Basta tutulungan niyo naman ako 'di ba?" mahinang sabi ko sa kanila.

"Oo na, tutulong na kami sayo... iyon ang deal eh." si Bianca.

"And mas maganda nga ngayon ang scene eh, kasi may Xander ka pa. Ship wars na ba?" si Whiskey. Ang rami niyang alam.

"Mga baliw!" wika ko sa kanila kasi hanggang ngayon, kinikilig pa rin ang dalawa.

"Wow, kami pa ang baliw?" si Bianca na natatawa na.

"Kaya nga, ikaw kaya 'yon. Insane sa lalaki haha." si Whiskey naman na pinipigilan ang malakas na tawa kasi maraming tao rito sa cafeteria.

Pumasok na kami sa kanya kanya naming room dahil tapos na ang lunch break.

"Ang g'wapo talaga ni Xander... siya na lang kaya piliin mo?" si Whiskey na parang tanga. Paulit ulit na kaya siyang ganiyan simula kanina pa nang makita niya si Xander.

"Crush mo siya?" tanong ko naman sa kanya.

Kami lang dalawa ni Whiskey dahil nag-paalam si  Bianca sa amin na mag-c-cr daw muna siya.

Kami ang pinauna para kapag na-late siya may tagapag-tanggol ang loka.

"Hindi ah. Kayo ang bagay at hindi kami!" pabalang na sagot niya sa tanong ko.

Napailing iling na lang ako.

Ang sarap rin palang magkaroon ng mga kaibigan, madalas ay nauuwi sa kalokohan pero palagian namang saya ang laging dala nila. Kung ang tingin nila sa mga barkada ay isang malaking bad influence, ang opinyon ko naman sa bagay na iyan ay hindi lahat, nasayo 'yan kung marunong kang pumili ng kakaibiganin mo o hindi. Para sa akin, hindi lang kaibigan ang turing ko kila Bianca at Whiskey, bagkus ay kapatid na ang turing ko sa kanila.
Madalas naman, salot ang tingin nila sa mga katulad ni Whiskey, pero para sa akin, isa siyang source ng kasiyahan. Ang sarap kaya sa pakiramdam na magkaroon ng friend clown. Siya 'yong laging nagpapagaan ng loob mo kapag may problema ka.

"Kapag ba nanligaw sayo iyong dalawa, sino ang pipiliin mo?" seryosong tanong niya. Desidido talaga ang isang 'to na i-ship kami ni Xander.

"Si Dwight... magkaibigan lang naman kasi talaga kami ni Xander tapos magkaibigan rin silang dalawa. Baka isipin pa ng iba na sinusulot ko ang magkaibigan na 'yon."

"Which is mali, kasi wala ka namang kasalanan kung magkagusto silang dalawa sayo. Ang problema mo lang ay ang ganda problem kapag nagkataon na nangyari nga 'yon. Basta nandito lang kami ni Bianca, tutulungan ka na namin kay Dwight. Huwag kang makikinig sa mga marites riyan, kami lang ang pakinggan mo!"

Napa-ngiti naman ako dahil sa sinabi ni Whiskey. Siguro nga napagtanto talaga niya na gusto ko talaga si Dwight.

"Thank you best!" pumulupot naman ako sa kanyang braso.

"Basta para sayo best namin na dyosa." eika niya tsaka pinitik ang buhok niya na panlalaki ang ayos.

I smiled at him kasi sa wakas, support na nila ako pagdating kay Dwight.

Humanda ka Dwight Cheon, mai-inlove ka rin sa akin, tandaan mo 'yan!

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon