Fb: Cristal Dela Cruz (Official Account)
Chapter 25: The SSG Office
Pearl's Pov
"Miss Pearl? Pinapatawag po kayo ni President Cheon!" Sambit nang babae na biglaan na lang lumitaw sa harap namin nila Whiskey.
Tinignan ko naman ang dalawa para malaman kung okay lang ba sila na iwanan ko muna nang panandalian.
"Go lang!" Si Whiskey.
"Baka importante!" Si Bianca naman na hinawakan pa ang aking palapulsuhan.
"Sige, see you na lang mamaya!" Wika ko sa kanila bago nag-lakad paalis at sundan ang babae na sa tansta ko'y nasa senior na rin siya.
"Ah, Miss Samonte, congrats nga po pala!" Naka-ngiting sambit niya.
"Thank you! Nga pala, don't mind me if I'm asking kung ano ang posisyon mo sa SSG?" Wala naman kasi akong alam tungkol sa mga officers sa SSG. Wala kasi akong ibang ginagawa rito sa school kung 'di ang mag-aral, at wala nang iba!
"Treasurer po ako Miss!" Mukhang mabait naman ang babaeng 'to.
Nginitian ko lang siya kaya nag-patuloy na ulit kami sa paglalakad.
"Ano raw ba ang gagawin ko rito?" Tanong kong muli sa kaniya nang makarating na kami sa pintuan ng SSG office.
Mabuti na lang at hindi naiinis ang babaeng 'to sa akin. Ang rami ko naman kasing tanong!
"Ewan ko po, pinapunta niya lang ako eh. Knowing him po, ang sungit, ayaw nang matanong na tao." Mukhang tama nga naman siya, nasa ugali nga ni President Cheon iyon.
"Sige thank you ah, salamat sa pag-sagot sa lahat ng katanungan ko."
"My pleasure po Miss Pearl!" Mas astig talaga kung first name ko ang sinasambit sa tuwing kausap nila ako, kaysa naman sa last name ko ang laging nababanggit.
"Ahm, ano pala ang pangalan mo?" Tanong ko na naman sa kaniya.
Madaldal na rin ako ngayon, sana aware kayo!
"Ahm, Jane po Miss Pearl. Sige po, roon na kayo sa loob, baka mapagalitan pa po kayo ni President Cheon." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinatid pa niya ako sa loob.
Ang ganda rin palang kasama nang Jane na 'yon. Maagan na ang loob ko sa kaniya.
"Sige," Nginitian ko siya tsaka naman siya lumabas nang office.
Bumungad naman sa akin si President Cheon na as usual ay naka-upo na naman sa kaniyang swivel chair.
Pa-chill chill lang eh 'no!
"President Cheon, narito na po ako!" Ang pormal naman yata ng pakikipag-usap ko sa kaniya. Pero mukhang ayos lang naman sa kaniya, okay lang, at least may manners!
Hindi naman siya kumibo kaya nag-tanong akong muli. "President Cheon? Ano po palang gagawin natin rito?" Naka-poker face pa rin siya. Actually, iyon naman talaga ang ekspresyon ng mukha niya eh, kailan pa ba ngumiti iyan?!
"Tour..." Malamig na sambit niya bago tumayo sa kaniyang kinauupuan.
Pansin ko rin ang pag-hilot niya sa kaniyang sintido. Huwag niyang sabihin na sumasakit na naman ang kaniyang ulo dahil sa akin.
I slowyly nodded. "But before that, hindi ka ba mag-co-complain? Okay lang ba sayo ang pinasok mo?" Bahagya niyang tanong sa akin.
"Hindi po! Tinatanggap ko po ang obligasyon na ipinapataw ninyo sa akin!" Confident na wika ko sa kaniya.
"Good!" Tumango lang ako. Umurong ang dila kong madaldal kanina, hindi naman ako ganito kay Jane kanina, baka nahihiya lang kay President Cheon.
Pero infairness huh, hindi na siya nagagalit kapag tinatawag ko siyang President Cheon.
"...as you can see, ang mga table na iyan ay table nang mga SSG officers. Naroon iyong sayo sa tabi ko kasi ikaw ang secretary." Lumakas naman ang kabog ng aking dibdib. Loko lang? Alam naman siguro niya na gusto ko siya 'no? Paano pa ako makakapag-concentrate niyan kung makakatabi ko siya!
Inhale, Exhale, ikalma mo lang Pearl, baka mapatili ka ng wala sa oras dahil sa kilig na nadarama. Baka mapahiya ka pa!
"Opo!" Saglit lang siyang tumingin sa akin.
"Ito naman ang banyo natin. May sariling banyo ang girls at boys, kaya hindi mo na kailangan pang lumabas ng office para mag rest room." Dagdag niya pa.
Tahimik lang ako kaya napansin ko na kapag may pagkakataon, nahuhuli ko siyang naka-tingin sa akin.
"May problema ka ba? Kanina ka pa kasi tahimik? Oh by the way, lahat ng ito ay isang favor lamang, no special treatment! Okay?!" Naiintindihan ko naman na ang lahat, hindi na kailangan pang ipangalandakan.
Hindi mo na kailangan na ipamukha sa akin.
"Naiintindihan ko ang lahat!" Sambit ko habang naka-yuko.
"Nevermind," Wika niya bago nag-lakad. Ako nama'y panay lamang ang sunod sa kaniya.
"Rito naman ang kitchen natin," Wow huh, may sariling kitchen? Ang astig naman pala ng SSG office.
Naka-punta na ako rito rati, kaso hindi pa ako nakakarating sa kabuuan nito. Noong huling punta ko kasi'y, sermon at pagka-pahiya lang ang inabot ko kaya bad thing na isipin ko pa iyon.
"...kung nagugutom ka, you can cook kung ano ang gusto mong kainin. May mga pagkain tayo riyan kaya no need to buy sa cafeteria. Part ng budget ng school ang pagkain nating mga SSG. You understand?" Ang raming sinasabi. Para naman akong stupid na tango nang tango.
"Sige po!" Bumalik na siyang muli sa kaniyang swivel chair.
Ang yaman, siya lang kasi ang naka-swivel chair rito. Hindi man lamang ba niya naisip na sana'y lahat ay binilhan niya? Selfish pala eh, akala ko pa naman hindi.
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa upuan ko, gusto mo ba nito?" Ahy, sapol, napansin na niya.
What should i do?
"Ah hindi po, nagagandahan lang, pareho po kasi tayo ng swivel chair. May ganiyan rin po ako sa bahay eh!" Ang pormal ko na talaga kung paano ako makipag-usap sa kaniya.
Kung umasta ako, parang hindi ko siya gusto ah!
By the way, kaya ko namang isang tabi ang pagka-gusto ko sa kaniya. Ang importante maipakita ko sa kaniya na hindi ako mahina kagaya ng iniisip niya.
"Oh, I see! Nga pala, bukas ko na ipapakilala ang iba pang officers, bukas na rin ang first day mo. You may go!" Ma-awtoridad na sambit niya.
Napalunok naman ako ng sariling laway bago ako nag-lakad palabas.
Pagka-labas ko'y isinandal ko ang aking likuran sa pintuan.
"Grabe, kaya ko naman palang isang tabi ang nararamdaman ko sa kaniya!" Wika ko sa aking sarili bago magpa-kawala ng isang malalim na buntong hininga.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
