Chapter 34

16 3 26
                                        

Do such thing na makakapagpa-saya sayo, keep going on what are you guys doing. Good vibes lang rapat tayo, I Pink You'all, mwa<3

Chapter 34: Midnight snack

Pearl's Pov

"Mahilig ka sa mga paintings?" biglaang tanong nito sa akin habang naglalakad kami papasok sa kaniyang silid. Ayoko pa sanang pumasok roon kasi baka private room, pero alangan naman kasing maiwan ako sa salas nila.

"Ahm oo," naka-ngiti kong saad.

"So, magaling kang mag-pinta?" tanong na naman niya.

Madaldal rin naman pala ang isang 'to, ang raming tanong, pero mas okay na rin kaysa sa maging cold siya sa akin.

"Nope, mahilig lang ako sa mga paintings pero hindi ako marunong mag-pinta!" paliwanag ko.

Inilapag niya ang susi ng kotse niya sa kaniyang side table.

Iniligid ko naman ang aking mga mata at namangha kasi ang laki ng kaniyang silid. 'Di hamak na mas malaki ang kwarto niya kaysa sa akin.

"Never mind!" ani niya habang naglalakad patungo sa kung saan.

Naging cold na naman siya, mabilis talagang mag-bago ang isang 'to.

Sa tuwing tinititigan ko ang likuran ni Dwight, hindi ko mapigilan na isipin ang aking ama. I mean, hindi ko pa rin makalimutan iyong araw na nakita ko siya sa gate ng school at narinig na hinahanap niya si Dwight. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin mawari kung bakit niya hinahanap ang isang 'to.

May connection kaya silang dalawa?

Hindi man niya sinabi na maupo ako'y kusa na lang akong umupo sa couch, nilapag ko rin ang bag ko sa tabi ko, pati na rin ang cheesecake na binili ko.

Sayang, hindi ko na iyon makakain, pasado alas diyes na rin kasi. Baka hinihintay na ako ni Mommy sa bahay.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko pati ang plastic bag. Naisipan ko kasi na mag-paalam na kay Dwight para maka-uwi na ako. Ang lalim na ng gabi, masyado na akong nalibang rito sa mansyon nila. At isa pa'y okay naman na siya, iyon lang naman talaga ang purpose kung bakit ko siya sinamahan rito sa mansyon nila. Ang masigurong safe siyang makaka-uwi. Taray, parang guard lang ang peg.

Naabutan ko si Dwight na umiinom ng wine sa kusina? Wow, may sariling kusina ang kwarto niya? Unbelievable, ang yaman naman nila, sobra. Sa room ko kasi'y library lang!

"Ah, Dwight?" panimula ko kaso hindi pa rin siya lumilingon sa akin.

Ano na naman kaya ang problema niya't hindi na naman niya ako kinikibo? Bipolar talaga ang lalaking iyon.

"Uuwi na ako, malalim na kasi ang gabi!" pagpapatuloy ko sa aking sinasabi.

"Uuwi ka na?" tanong niya ngunit hindi pa rin sa akin ang tuon ng kaniyang mga mata.

"Oo, baka kasi hinihintay na ako ni Momm-" hindi ko naituloy ang aking sinasabi kasi tumunog ang aking tiyan.

Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain ng dinner. Bumili nga pala ako ng cheesecake para sa dessert, at hindi na ako nakabalik dahil sa lalaking ito na ang cold kung maka-tingin.

"Hindi ka pa ba kumakain? Parang nagpaparamdam na ang tiyan mo ah!" napapa-iling na saad niya.

"Oo eh, bumili kasi ako ng dessert tapos hindi na ako naka-balik kasi nakita kita na ginugulpi ng mga lalaki kanina!" paliwanag ko.

Sandali niya akong tinignan, ngunit hindi nagtagal iyon kasi umiwas rin siya ng tingin.

Katahimikan na naman ang namayani sa amin kaya tinuon ko na lang sa paligid ang aking atensyon.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon