Chapter 42

12 4 28
                                    

Ihanda ang sarili sa mga susunod na kabanata!!!

Wahahahaha...

Enjoy reading and love you'll<3

______________________________________

Chapter 42: Threat

Pearl's Pov

"Kier pupunta ka bukas?" bahagya kong tanong kay Kier. Narito kasi kami ngayon sa office, nag-a-arrange ng mga papel. Ewan ko ba kung para saan ang mga papel na 'to.

"Saan naman? Sa bahay niyo ba?" kunot noo niya akong binalingan nang tingin.

Lumapit ako sa may table niya at umupo sa kaharap niyang upuan. "Ano ka ba, sa birthday ni Xander..."

"Hindi ako pupunta!" sagot niya bago ituon muli ang kaniyang atensyon sa kaniyang ginagawa.

Napa-isip naman ako...Bakit hindi siya pupunta, eh lahat kaya ng SSG officers ay naimbita.

"Why? Naimbita naman tayo ah!" naka-pout ko pang tugon.

"Huwag ka ngang mag-pa-pout sa harapan ko, baka mamaya iniisip ng iba na nagpapa-halik ka sa akin." naka-ngising wika ng loko sabay tingin pa kay Dwight na tahimik na nagbabasa sa table niya.

Binato ko naman siya ng papel na hawak ko. "Loko ka, hindi tayo talo!" akmang dadamputin ko na ang lapis at ibabato iyon sa kaniya pero naagaw niya iyon sa akin.

"Ang cute cute talaga ng secretary namin!" saad niiya bago guluhin ang buhok ko.

Ang hilig hilig talaga niyang guluhin ang buhok ko. Inggit yata sa haba ng hair ko eh, huwag lang niyang sasabihin na malambot siya, magiging ka-lahi pa siya ni Whiskey kapag nagkataon.

"'Di ba president Dwight?" dagdag pa niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Dwight. Pero agad rin naman niyang ibinalik ang konsentrasyon sa pagbabasa.

Bookworm rin pala ang isang 'yon!

Kung ano ano na lang ang tawag ko sa kaniya, PDC, Dwight, or President Cheon. Bahala na kung ano ang unang papasok sa isip ko!

"Huwag mong gambalain, nakaka-alog ng utak kapag inaabala ka nila habang nagbabasa." bulong ko rito na sapat lang upang siya lang ang makarinig.

Nakaka-tanga kaya kapag may gumambala sayo habang nagbabasa.

"Bagay kayo..." pambibitin niya.

"Huh? Sinasabi mo," umiwas ako ng tingin.

"Pareho kasi kayong bookworm kaya bagay kayo!" nilakasan pa talaga niya ang kaniyang boses. Narinig tuloy ni PDC kaya napa-tingin na naman siya sa amin.

"Isa pang ingay, papatayin na kita Kier!" napa-mulagat naman ako sa aking narinig. Seryoso? Kaya niyang pumatay? Baka nagbibiro lang siya, pero pakialam ko ba? Kahit makulong pa siya'y wala na akong paki ro'n.

Tsaka, ayaw niya na shini-ship ako ni Kier sa kaniya kasi si Jaynie lang ang gusto niya.

"Easy dude, ang taas na naman ng BP mo eh!" tinaas pa ni Kier ang isa niyang kamay na parang sumusuko sa pulis.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon