Chapter 62

6 5 18
                                    

Chapter 62: Effect

Pearl's Pov

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil success ang pag-bigay ko ng strawberry juice sa kaniya.

"Honey, salamat rito ah. I love you!"

Natigilan ako sa aking paglalakad dahil sa sinambit niyang iyon.

Parang nag-slow-mo ang aking mundo, tila ba nawala na parang bula ang mga tao na kasama namin rito kanina.

Dahan dahan akong humarap sa kaniya. He's wearing a sweet smile in his lips.

Magkapako lang ang aming tingin.

Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Kung mabibigla ba ako o hindi. Kung kikiligin ba ako o ano.

"My gosh, success!" sigaw na ani ni Whiskey.

Roon lang ako bumalik sa wisyo ng marinig ang sigaw niya.

Lumingon ako sa kanila ni Bianca at nakita na nag-apir pa ang dalawa.

"Prank ba 'to?" sa dinami rami ng pwedeng sabihin, iyan lang ang nasabi ko.

"Aren't you happy Honey? Date tayo mamaya!" dagdag niya pa habang naka-ngiti ng matamis.

Feel kong mahimatay...

Naagaw ng paningin ko ang bote na ininuman niya ng juice. Sinimot niya pa talaga iyon...

To the O, to the M and to the G, don't tell me... ginayuma siya nila Whiskey?

Wahh, hindi maaari...

"Ano bang sinasabi mo? Prank ba 'to? Nasaan ang camera? Ikaw Dwight huh, huwag ka ngang mag play time riyan..." sunod sunod na saad ko.

Nilingon kong muli ang mga kaibigan ko na tuwang tuwa pa.

Binigyan ko sila ng isang death glare...

"Hindi ito prank, i love you, hindi mo ba ramdam iyon?" tanong niya pa.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. Ginayuma ba talaga siya nila Whiskey? My ghad, kung kailan naman naka-moved on na ako tsaka naman sila gagawa ng ganito?!

Hindi ito maaari, kailangan kong humanap ng paraan para gamutin si Dwight, mali na gumawa ng spell sila Whiskey. Hindi tama ang mga nangyayari.

"Mag-date tayo mamaya, may utang ka pa sa akin. Hindi mo ako binisita sa hospital..." speechless ako this time, nagulat ako sa mga nangyayari.

And ang rami ng tao, baka kumalat pa 'to. Baka malaman pa ng girlfriend niya...

"H-hindi ako ang girlfriend mo. S-si Jaynie at hindi ako!" pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na prank lang ang lahat ng ito.

Pero paano nga kung totoo?

Kinurot ko ang aking pisngi... pero sa huli'y ako lang rin ang nasaktan. Nagbabakasakali kasi ako na baka panaginip lang ang mga ito.

"Hindi ko girlfriend si Jaynie, ikaw ang girlfriend ko!" aniya.
"Hey, don't do that. Masakit ba?!" tanong niya pa habang sinusuri ang pisngi ko nang makita niya ang ginawa kong pagkurot rito.

Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Ibang iba siya sa Dwight na cold at hindi marunong maging cute.

"H-hindi... ghad, hindi nga ito panaginip!" wika ko sa aking sarili.

"Labas tayo mamaya ah, date tayo!" malayong malayo talaga siya sa Dwight na ang cold.

Ganito ba talaga ang Dwight kapag inlove?

Pero Pearl, tandaan mo, nagayuma lang si Dwight kaya ganiyan ka niya kung tratuhin.

"S-sige, wait lang huh. Kakausapin ko lang muna ang mga kaibigan ko!" paalam ko sa kaniya.

Tumango naman siya habang naka-ngiti. "Hihintayin kita rito..." saad niya bago ako nag-lakad at tinungo ang dalawa kong kaibigan na kapag tinitignan ko'y umiiwas ng tingin sa akin.

Ang alam ko sa nagagayuma ay na-i-inlove lang at wala pa akong nakita na nagayuma na umangkin na kaagad ng isang babae.

Sa mga napapanood ko kasi sa TV, na-i-inlove iyong mga nagagayuma tapos liligawan na nila kaagad ang babae na nagustuhan nila.

Bakit si Dwight, kino-consider na niya agad ako as his girlfriend? Normal pa ba iyon o abnormal na siya?!

"Hoy, kayong dalawa. Kaya ba hiniram ninyo iyong Book of Love spell ko is dahil gumawa kayo ng gayuma for Dwight? Bakit niyo naman ginawa 'yon? Ako ang nahihirapan sa mga kalokohan niyo eh!" panenermon ko sa kanila.

"Eh sorry naman, hindi naman kasi namin alam na totoo pala talaga ang librong iyon." si Bianca na nag peace sign pa.

"Tsaka hindi lang naman kami ang involve rito... pati kaya si Tita!" mas nainis pa ako dahil sa sinabi ni Whiskey.

Pati ba naman si Mom nakisali pa? Jusqo naman...

"Eh paano naman nalaman ni Mommy na may libro akong gano'n? Tsaka bakit sobrang lakas ng epekto no'n kay Dwight. Kino-consider pa niya ako as his girlfriend. Ang laki talaga ng gulong ginawa ninyo!" inis na saad ko.

"Sinabi namin na may libro kang gano'n para may resbak kami kapag nagkataon na hindi mo ipahiram sa amin." paliwanag ni Whiskey.

"Tsaka hindi naman sana namin gagawin iyon kung hindi lang kami kinumbinsi ni Tita. Sorry best pero mas nauna na naming na-kwento kay Tita na nagseselos ka kila Jaynie at Dwight, tsaka inunahan ka rin namin na mag-kwento kay Tita tungkol sa totoong may sala noon kung bakit ka nagkaroon ng trauma. Kaya 'yon gumawa kami ng gayuma para maka-ganti sa lahat ng ginawa sayo ni Jaynie, para siya naman ang makaranas ng mga bagay na pinaparanas niya sayo. Ayaw namin na makita kang umiiyak dahil kay Dwight. Kaya sa kaunting oras, pwede bang maging masaya ka muna sa kaniya kahit na panandalian lang?!" parang maluluha na si Bianca sa pag-e-explain.

"Hay nako, mas inunahan niyo pa pala akong mag-kwento kay Mommy. Tsaka hindi niyo na sana ginawa iyon. Okay naman na ako eh!" lumapit sila sa akin tsaka isinandal ang kanilang ulo sa aking balikat.

"Sorry talaga, promise, hindi na mauulit!" pag-so-sorry ni Whiskey.

"Hindi na talaga mauulit kasi sasamahan niyo akong mag-hanap ng gamot pangontra sa gayuma na pinainom niyo kay Dwight!" ani ko bago bumuntong hininga.

"Sasamahan ka namin, basta habang wala pa tayong nahahanap na lunas, mag-enjoy ka muna sa pagiging girlfriend ni Dwight." naka-ngiting saad ni Bianca. May gana pa talagang ngumiti eh samantalang ako, nag-iisip na nang mga salita na sasabihin ko kay Dwight.

"Alam namin na may nararamdaman ka pa rin sa kaniya. Kahit na sinasabi mong naka-moved on ka na, hindi kami naniniwala... dahil kita sa mata mo na nagseselos ka habang pinapanood mo silang magkasama. I-enjoy mo muna huh!" dagdag na aniya pa ni Whiskey.

"Bakit kino-consider na niya ako as his girlfriend? Hindi naman ganoon iyong mga napapanood ko sa TV ah. Hindi ba rapat, nainlove lang siya sa akin tapos liligawan niya ako bago maging kami?" kanina ko pa iniisip iyan. Parang ang gulo ng mga nangyayari.

"Ang aastig kasi ng mga sangkap na nilagay namin. Tsaka iba kaya ang mga napapalabas sa TV compared in real life." paliwanag naman ni Bianca.

"Tama, kakapanood mo iyan ng TV. Kaya ganiyan!" gatong naman ni Whiskey.

"Kayo kasi eh..." reklamo ko bago nila ako pagtawanan.

Hindi ko matanggap ang ganitong mga nangyayari, mali na kino-kontrol namin si Dwight.

Agad talaga akong hahanap ng lunas para maibalik na ang totoong nararamdaman niya kay Jaynie dahil iyon ang nararapat.

Ang mga nangyayaring ito ay isang malaking kamalian...

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon