Chapter 80: Peace
Pearl's Pov
Pansin ko lang kahapon, bakit kaya walang kahit na anong armas sila Dwight nang makipag-laban sila samantalang iyong mga tauhan nila Jaynie ay naka-hawak ng mga tubo.
"Mabuti na lang at wala nang manggugulo sa atin rito sa school 'no, nakakulong na sila Jaynie eh." masayang ani ni Whiskey.
"Oo nga, by the way, nasabi mo na ba kay Tita kung anong nangyari kahapon? Need niyang malaman 'yon." gatong naman ni Bianca with matching paalala pa.
Tumango ako, "Oo, alaalang alala nga siya eh, natulog pa siya sa kwarto ko kagabi. Kung hindi nga lang niya nasiguro na okay ako, hindi talaga siya titigil sa kaka-usisa kung may sugat daw ba ako."
"Eh gano'n talaga ang mga Mommy, concern lang si Tita sayo. Hinatid ka niya?" happy ngayon si Whiskey dahil siguro kay Lex.
"Oo, bago siya pumasok sa trabaho niya." tumango tango lang naman sila kaya ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa aking notes at ganoon rin naman ang ginawa niyong dalawa.
Nagbabagong buhay na nga talaga sila, mga inspired kasi!
Patuloy lang ako sa aking pagbabasa pero natigilan ako nang may humalik sa pisngi ko mula sa aking likuran. "Kumusta na ang honey ko? Okay ka lang ba hon? Good morning!" si Dwight na naman pala. Kay-aga aga ang sweet sweet na.
"Okay lang naman ako, heto, puspusan sa pag-aaral. Ikaw ba?" naupo na siya ngayon sa aking tabi habang naka-titig sa akin.
"Okay lang, kasi narito ka sa tabi ko. Bukas na birthday ko hon, punta ka ha, magtatampo ako sayo if hindi ka maka-punta. Tsaka darating na sila Mom bukas." isa pa nga pala iyon sa inaalala ko, ma-me-meet ko na ang parent's niya. Magugustuhan naman kaya nila ako para sa anak nila?
"Pupunta ako promise. Ako pa ba, eh importanteng araw iyon ng honey ko." tinap ko pa ang kaniyang ilong na bahagyang ikinatawa niya.
"I love you po!" everytime talaga na nag-a-I love you siya sa akin, parang may humahaplos sa puso ko.
"I love you too po!" I respond tsaka umiwas ng tingin. Ano ba 'yan, kinikilig na naman ako, nakakahiya!
Inangat rin niya ang kaliwang kamay ko tsaka niya hinalikan iyon. Nagiging hobbies na talaga niya ang pag-halik sa kamay ko.
"Ang sweet sweet naman, sayang at wala si Lex rito." si Whiskey na naka-tingin pa rin sa kaniyang notes pero halata naman na kami ang kaniyang tinutukoy.
"Hi guys, ano meron?" tanong ni Kier na palapit sa amin, kasama rin niya si Xander.
"Lambingin mo daw si Bianca." loko talaga 'tong si Whiskey, kung ano ano ang sinasabi, baka mamaya mag-away na naman sila ni Bianca.
"Iyon lang naman pala eh, malapitan nga ang honeybunch ko." nakangisi namang saad ni Kier. Tinatago naman ni Bianca ang kaniyang nararamdamang kilig, bakit ba kasi hindi na lang niya ipakita na kinikilig siya kung gayong inlove naman talaga sila ni Kier sa isa't isa.
Mahirap itago ang kilig, promise!
"Guys, i have an announcement." pang-aagaw ni Dwight sa atensyon naming lahat. Sinara ko na lang rin muna ang aking notes, mamayang gabi na lang siguro ako mag-re-review, hindi ako makakapag-concentrate kapag ganitong nag-bo-bonding kami.
"Ano 'yon bro?" tanong naman ni Xander.
Hula ko, okay na talaga sila. At salamat nga dahil sa huli, magkaibigan pa rin ang turing nila sa isa't isa. Well, ganiyan naman talaga ang tunay na magkaibigan, kahit na ano man ang maging lamat ng kanilang pagkakaibigan, sa huli, hindi pa rin mapapantayan ang kanilang mga pinagsamahan, lalo na't lalaki sila, ang mga lalaki kasi kaunting usap lang at kaunting bonding lang okay na kahit na gaano man kalaki ang kanilang alitan. Hindi katulad ng mga babae na kapag galit sa isa't isa, inaabot ng mahabang panahon bago nila maayos ang galit sa isa't isa.
"Birthday ko na bukas, punta kayo sa bahay mag-ce-celebrate tayo. But before that, mag-di-dinner muna kami nila Honey para na rin maipakilala ko siya sa bahay as my girlfriend." masayang saad niya.
"Ayon oh, party party." malawak pa ang ngiti ni Kier habang nagsasalita. Excited much, ako nga kinakabahan eh.
"Ipapakilala ka na sa parents niya tapos next na ang kasal." amik naman ni Whiskey.
Sinamaan ko naman siya ng tingin, kasal na kaagad ang iniisip. Hindi pa kaya ako nag-se-senior high school. "After ten years siguro." pakikisabay ko na lang sa kanilang topic.
Ilang taon na kaya ako after 10 years. 28 tutal malapit na rin naman ang birthday ko, next month na rin. Mukha ngang pwede na kaming makasal sa mga panahong iyan.
"Yieeh, forever na 'to, kami na ang endgame." pagmamayabang na saad naman ni Dwight.
Nagawi na naman ang tingin ko kay Xander, pero as usual, nginitian niya na naman ako. Bakit parang nasasaksak ang puso ko kapag nagagawi ang tingin ko kay Xander, oo alam ko, tanggap na niya na hindi talaga kami ang para sa isa't isa pero ang sakit lang sa part ko kasi may nasasaktan akong tao, mabuti na nga lang at naibalik pa ang pagkakaibigan namin eh. Rapat kasi, hindi na siya umamin sa akin, rapat sinikreto na niya sa akin ang lahat ng nararamdaman niya. Pero tao lang rin kasi si Xander, nagkakamali rin.
"Sana nga tayo na talaga, sana wala ng problema na dumating pa sa atin, hindi ko talaga makakaya kung maghihiwalay tayo." hanggang ngayo'y nag-aalala pa rin ako dahil baka dumating ang araw na matulad kami kila Mom at Dad na naghiwalay kasi napagod na sa isa't isa.
"Basta kapag may problema tayo, huwag tayong mag-tataasan ng boses para magkaintindihan tayo ha, paano nga naman kasi natin maaayos ang problema kung nagsisigawan tayo. Pag-usapan natin ng maayos." aniya habang hawak hawak ang mga kamay ko.
"Oo, noted po!" ani ko naman habang naka-ngiti ng malapad.
"Tayo rin Honeybunch..." imik naman ni Kier.
"Opo, noted!" pakikisakay naman ni Bianca sa trip ng Honeybunch niya.
"Mga walang originality, gumawa nga kayo ng sarili niyong words of love, hindi 'yong ginagaya niyo kami ng honey ko." pagmamaktol sa kanila ni Dwight.
Ayan ang napapala sa pangongopya eh.
"Dwight? Nasaan si Lex? Ako na naman ang walang Love life eh, ka-inggit kayo!" na kay Dwight ang atensyon ni Whiskey.
"May nililigpit----" sagot naman ng isa pero pinutol ko iyon dahil feeling ko masama ang sinasabi niya.
"Anong nililigpit?" bahagya kong tanong with matching raised a brow pa.
"...Na pinagkainan, hindi pa kasi ako tapos eh!" maktol sa akin ni Dwight.
"Sure ka?" paninigurado ko kung nagsasabi ba siya ng totoo.
"Yes naman Hon, never mag-sisinungaling sayo!" aniya sabay kindat kindat pa.
"By the way Xander, tayo na muna, habang wala pa si Lex!" bahagyang lumapit si Whiskey kay Xander dahilan para mapangiwi si Xander ng todo todo. As in matatawa ka talaga kapag nakita mo kung paano ngumiwi si Xander.
"Utang na loob Whiskey, magpapari pa ako!" itinaas pa ni Xander ang kaniyang dalawang kamay, sign na sumusuko siya kay Whiskey.
"Grabe ka naman sa akin!" pag-iinarte na naman ni Whiskey kaya nagtawanan na lang talaga kami dahil sa taglay nilang kakulitan.
Mami-miss ko ang squad na ito kapag umalis na si Xander, hindi na kami makukumpleto.
![](https://img.wattpad.com/cover/302080699-288-k574378.jpg)
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.