Enjoy Reading PINKFAM<3
Chapter 29: Giving up
Pearl's Pov
"Akala mo hindi namin nakita 'yon ah." saad ni Whiskey habang sinusuri ako.
"Oo, sumusobra na siya, kailangan na niyang maturuan ng leksyon!" inis naman na wika ni Bianca.
Ano na naman kayang problema ng dalawang 'to? Hindi kaya nasapian na naman sila ng masamang elemento kaya ganito na naman sila kung umasta?!
"Ang alin?" taka ko namang tanong sa kanila dahil wala talaga akong ideya tungkol sa mga pinagsasabi nila.
"Pinapahirapan ka niya..." Tinignan ko iyong nginunguso ni Whiskey at nakita nang aking mga mata ang matatalim na tingin sa akin ni PDC.
Lahat na lang ba nang taong naka-paligid sa akin ay may problema? Baka may topak silang lahat kaya ganiyan.
"Sige, kailangan na yata ako sa office." Paalam ko sa kanila bago tumayo at hindi na hinintay kung ano man ang sasabihin nila sa akin.
Tutol pa rin sila sa mga pagpapahirap sa akin ni PDC.
Sino nga naman ba ang hindi tututol, ilang araw na ang lumipas, ganoon pa rin ang role ko sa office ng mga SSG, or should i say, office namin kasi kasama na ako sa kanila.
Minsan, ginagawa akong alila ni PDC. Pinapabili ng pagkain sa grocery store kahit na tirik na tirik ang araw. Naghuhugas kahit na iisang baso ang laman ng lababo. Oras oras, naglilinis sa loob at labas ng SSG office. Ang hindi ko na lang yata nagagawa sa loob ng office ay ang mag-linis ng CR.
Mabuti na lang at hindi pa nila pinapagawa iyon sa akin.
"PDC? Bakit po?" Sanay na rin ako na tawagin siyang PDC, hindi rin naman kasi siya tumututol.
"Mag-luto ka ng pagkain!" Isa pa nga pala iyan, gingawa niya rin akong cook sa kitchen ng office.
Hindi niya ba naisip na napapagod na ako sa kaka-trabaho para sa kaniya?
Hindi ako pinapagod sa bahay, pero rito sa office namin, palagi akong pagod."O-opo! Ngayon rin..." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil tinalikuran ko na siya.
Sa mga lumipas na araw, parang naglalaho unti unti ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi sa na-tu-turn off ako ah, minsan kasi'y naisip ko na kahit kailan ay hindi niya naman ako magugustuhan kaya naisip ko na mag-give up na lang sa feelings ko sa kaniya.
"Magluluto ka na naman?" Biglaan na lang sumulpot sa tabi ko si Kier.
"Oo eh!" Tipid na sagot ko lang sa kaniya dahil inihahanda ko na ang mga kakailanganin ko sa pagluluto ng adobo.
Naging specialty ko na ang adobo kasi iyon madalas ang pinapaluto sa akin ni PDC.
"Pinapahirapan ka niya, which is hindi naman niya ginagawa iyon sa mga former secretaries." saad niya habang umiinom ng tubig.
Oh 'di ba, sabi na nga ba eh. Gi-give up na ba ako? Hindi naman niya kasi ako magugustuhan, baka it's time para hayaan na lang mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Mahirap pero kailangan kong gawin for Pete's sake!"Hayaan na lang natin!" I smiled bitterly.
"Balita ko may gusto ka raw sa kaniya!" wika na naman niya habang hinuhugasan niya ang ginamit na baso.
Minsan tinutulungan rin ako ni Kier sa mga inuutos sa akin ni PDC. Mabuti pa siya!
Dumagdag nga rin pala ang comforter ko, bukod kay Xander, nariyan pa si Kier.
"At kanino mo naman nalaman?" tanong ko sa kaniya habang binubuhusan ng toyo ang manok na nasa kawali na.
"Sa mga friends mo!" saad niya.
I smile, "Hindi na, sana aware ka!" Ayokong sabihin iyon kaso kailangan na malaman ni Kier na tapos na. Tapos na ang katangahan ko sa taong hindi naman ako mamahalin at kahit kailan ay hindi ako magugustuhan. Pinapahirapan lang naman niya ako eh, bakit ko pa siya gugustuhin? Ang tanga ko na kung hindi pa ako titigil na gustuhin siya, knowing na masasaktan lang ako.
Siguro, isang minuto rin kaming natahimik ni Kier.
"Ehem..." tikhim nang pamilyar na boses. Sino pa ba ang mahilig tumikhim? Eh 'di si PDC, no other than!
Pero teka nga, kanina pa ba siya nariyan? Narinig kaya niya ang mga sinabi ko? Baka naman hindi!
"PDC, sandali na lang ito..." saad ko.
Malapit na rin kasi na maluto ang adobo. Ilang minuto na lang.
Ang saklap kasi hindi man lamang niya ako matapunan kahit na isang tingin lang. Pero, what do i expect from him?
Nang masabi ko iyon sa kaniya ay agad na tumalikod siya sa amin. Palagi naman niyang ginagawa iyon.
"Kier?" pagtawag ko kay Kier na naka-upo na at naka-tuon ang atensyon sa kaniyang phone.
"Hmm?"
Lumapit ako sa kaniya ng bahagya. "Pwede ba na ikaw na lang ang mag-bigay nito sa kaniya?" Hindi naman yata masama na humingi ng favor.
"Bakit hindi na lang ikaw?" Hay, binalik ba naman sa akin ang hinihingi kong favor sa kaniya?
Kanina pa luto iyong adobo na pinapaluto niya. Ngayo'y naka-lapag ito sa harapan ni Kier.
"Please Kier, ayoko na kasing makita na naiinis siya nang dahil sa akin, pipiliin ko na lang na umiwas kaysa naman mainis ko siya." Iyon kasi ang pakiramdam ko every time na lumalapit ako sa kaniya. Nararamdaman ko na parang kumukulo ang dugo niya kapag kasama niya ako.
"Don't be sad, oo na! Gagawin ko na for you!" Hindi ko alam pero parang nanikip ang dibdib ko. Hindi ako sanay sa mga ginagawa ko ngayon. Hindi ako sanay na humihingi ng favor sa ibang tao. At higit sa lahat, hindi ako sanay na umiiwas sa kaniya. Mas sanay ako na mahalin siya at laging sinusundan siya gamit ang mga tingin ko.
"Salamat!" saad ko bago siya tuluyang talikuran.
Nang makalabas ako ay nakita ko na nakatayo si PDC sa harap ng pintuan. Sandali muna akong tumigil sa paglalakad upang mapagmasdan ang kaniyang likuran.
"Malay mo, ito na ang huling tingin. Dahil pagod na akong mahalin ang lalaki na hindi naman masusuklian ang pagmamahal ko para sa kaniya." wika ko sa aking sarili.
Akala ko'y hindi ako titigil na pagpantasyahan siya. Four years, four years ko na siyang crush, pero this time, i will stop this insane feelings.
"You've prove to me that we're not suit for each other, i am tired loving you! This is the last time na tititigan kita!" Nag-lakad na ako palayo sa office na 'yon habang dinadala ang bigat nang aking nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.