Enjoy sa pagbabasa, sana'y hindi kayo mag-sawa na basahin ang story na ito, kasi hindi ako magsasawang mag-sulat para sa inyo!
Nawa'y nariyan pa rin kayo hanggang sa kahulihulihang parte ng istorya na ito.
Lab you'll!!!
______________________________________
Chapter 43: Xander's special night
Pearl's Pov
I was wearing a light pink gown, ipinares ko rin rito ang sandals ko na pink rin ang kulay.
This gown is iyong pinili ni Xander noong pumunta kami sa mall tapos dinala niya kami sa boutique nila.
"Wala man lang bang susundo sa atin? Maghihintay ba talaga tayo ng taxi? Ghad, baka nahuli na tayo!" maktol ni Whiskey with matching may papadyak padyak pa.
"Easy ka lang, sure ako na may dadaang taxi rito." ani Bianca na may hawak na namang brush ng make up.
"Hindi ba tayo pwedeng sunduin ni Xander? Siya kaya nag-invite sa atin 'no." parang nalugi sa negosyo ang mukha ni Whiskey habang pinapaypayan ang sarili.
Inirapan ko siya. "Ano ka ba, si Xander nga ang may birthday kaya hindi siya pwede na sunduin tayo, loka!" in-open ko ang cellphone ko at nakita na 6:30 na pala, 7:30 ang start ng event kaya may oras pa kami para mag-hintay ng sasakyan.
Masyado naman kasing excited ang dalawang ito, nag-sleep over pa rito sa bahay kagabi para lang masiguro nila na sabay sabay kaming pupunta sa birthday party ni Xander. Ang iingay pa nang nga 'yan kagabi kaya hindi ako naka-tulog ng maayos. Ewan lang kung ano ang ginagawa nila that time.
"Text mo na lang kaya si Tita? Para ihatid na niya tayo, don't tell me, nahihiya ka sa sarili mong Mommy!" bahagya pa siyang lumapit sa akin.
"Hindi naman sa nahihiya ako, baka lang kasi busy siya sa trabaho, alam mo naman na 'yon, ayaw niyang magpa-istorbo kapag nasa trabaho siya!" totoo naman kasi, nag-OT kasi si Mom kaya wala siya ngayon sa bahay. And para daw masiguro niya na maganda akong pupunta sa birthday ni Xander, nagpa-send pa siya ng whole body picture ko habang naka-pose. Ang sweet talaga ng Mommy ko!
"May mas importante pa ba sa anak niya?" parang tinamaan naman ako sa sinabing iyon ni Whiskey.
"Ano ka ba bakla, baka nakaka-below the belt na iyang mga sinasabi mo kay Pearl!" saway ni Bianca kay Whiskey.
Akmang pipindutun ko na ang call button sa number ni Mom kaso nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko agad iyon.
"Hello Mom? Bakit po?" panimula ko.
"Anak? Sabi ni Whiskey wala daw kayong sasakyan papuntang party ni Xander? Otw na ako, ihahatid ko kayo!" naka-loud speaker ang tawag kaya rinig narinig nila ang sabi ni Mom mula sa kabilang linya.
Sinamaan ko ng tingin si Whiskey pero umiwas siya ng tingin habang naka-ngiti.
Mautak rin ang kaibigan kong 'to!
"Mom? Hindi ka po ba namin naabala?" baka kasi sayang ang oras.
"Mas may importante pa ba sayo?" parang tumalon ang puso ko sa narinig. Napaka-importante ko talaga kay Mom. I smiled secretly!
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
