Sorry na agad sa matagal na update!
Medyo busy lang now a days!
Enjoy reading mga mahal<3
______________________________________
Chapter 47: Mother and Daughter's pain
Pearl's Pov
Wala pa si Mom, nang maka-uwi ako kagabi.
Dahil sa sobrang rami ng napag-kwentuhan namin ni Xander, late na tuloy kaming naka-uwi.
Naka-ngiti ako habang pinagmamasdan ang picture namin kagabi. Kung gaano karami ang napag-kwentuhan nami'y ganoon rin karami ang pictures namin together.
"Anong ginagawa mo rito? Wala ka nang karapatan na maka-tapak sa pamamahay ko!" sigaw ni Mom mula sa labas kaya nabitawan ko ang cellphone ko at dali daling tumakbo pababa ng hagdan. Hindi ko na rin naisarado ang pintuan ng aking silid dahil sa pagmamadali.
"M-mom? Anong nangyayari?" nang makarating ako sa salas ay bumungad sa akin si Mom na naka-hawak ng kutsilyo at naka-tutok sa lalaki. Or should i say, naka-tutok sa walanjo kong ama.
Parang napako ako sa aking kinatatayaun. Ramdam ko na rin ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Para bang hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa.
Gusto kong lumapit kay Mom para yakapin siya, pero ayaw nang mga paa ko na humakbang palapit sa kanila.
"A-anak, lumayo ka sa lalaking iyan. Huwag kang sasama sa kaniya." her voice broke.
Lumapit sa akin ng bahagya si Mom habang naka-tutok pa rin ang kutsilyo sa walanjo kong ama.
"M-mom, please calm down. Ibaba mo po iyan!" saad ko habang bumubuhos pa rin ang luha mula sa aking mga mata.
Ramdam ko kung gaano kasakit kay Mom ang mga nangyayari ngayon. Bakit pa kasi siya nagpa-kita? Bakit pa siya bumalik? Hindi naman na namin siya kailangan eh. We can survive without him!
Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Mom para kunin sa kaniya ang hawak hawak niyang kutsilyo.
Syempre, kahit na ganito ang mga nangyayari, hindi pa rin naman kailangan na maging bayolente kami sa isa't isa.
"A-anak? Ikaw na ba iyan? Ang laki laki mo na!" ani ng lalaki na iniwan kami noon.
Hindi ko siya pinansin at mas pinili na iupo si Mom sa couch tsaka binigyan ng tubig na kinuha ko pa sa kusina.
"Mom? Are you okay?" tumango siya kaya medyo napanatag naman ang loob ko. "Just leave it to me, ako na po ang bahala Mom!" saad ko habang panay ang haplos ko sa kaniyang likuran upang pakalmahin siya.
At sigurado ako na naka-tulong ang pag-haplos ko sa kaniyang likuran dahil ininom na niya ang bigay kong tubig.
Nang matiyak ko na okay na si Mom... tumayo ako para harapin ang lalaki na naka-tayo pa rin sa may pintuan.
Bastos na ba kami sa lagay na hindi man lamang namin siya aalukin na maupo muna?!
"What do you want? Why are you here?!" ani ko tsaka nag-cross arm.
"A-anak, sorry kung iniwan kita noon, promise, babawi ako!" aniya.
Tumawa ako ng mahina, isang tawa na may pagka-plastik ang dating. "Babawi? Wow, big word, kung kailan naman kaya na namin ni Mom mamuhay ng kami lang, tsaka ka naman darating para guluhin ang buhay namin. Huwag na, sayo na lang iyang pam-bawi mo, dahil kahit kailan... hindi ka makaka-bawi sa lahat ng ginawa mo sa amin ng Mommy ko noon!" pinatid ko ang mga luha na gusto na namang bumagsak.
"Tama na, umalis ka na. Hindi namin kailangan ng paliwanag mo." tumayo si Mom mula sa kaniyang kinauupuan at lumapit ng bahagya sa lalaking iyon.
Tinulak niya ito hanggang sa makarating sa may gate. Naka-sunod lang naman ako sa kanila, ramdam ko ang bigat na nararamdaman ng nanay ko ngayon. Gusto kong akuin lahat ng sakit na nararamdaman niya, kaso may sarili rin akong damdamin na nasasaktan na talaga ng sobra.
"For the last time, gusto kong sabihin na... mahal na mahal kita anak, no matter what, magalit ka man sa akin. Patuloy pa rin kitang ituturing na anak, at gusto kong ituring mo akong ama." aniya.
Hindi rin naka-lusot sa akin ang mga luha na tumulo na rin mula sa kaniyang mga mata.
"Tama na ang kalokohan, kung gusto mo talagang bumawi, sana'y noon mo pa ginawa. Bakit hindi mo na lang kasi sabihin ang totoo na kulang kami ng anak ko para sayo kaya nag-hanap ka ng iba. You don't deserve us and we don't deserve you at all!" pagka-tapos sabihin iyon ni Mom ay kaagad na sinarado niya ang gate.
Rinig ko pa ang sigaw niya mula sa labas kaya mas pinili kong alalayan si Mom para maka-pasok na kami sa loob ng bahay.
Bakit sunod sunod naman yata ang disaster na nangyayari? Una, naka-uwi na si Jaynie na nagiging sanhi nang sakit nang ulo ko pagdating sa school. Pangalawa, nalaman ko na si Jaynie pala'y pinsan ni Xander. Tapos ngayon nama'y ganito ang mga nangyayari? Biglaang sumulpot ang ama ko na ilang taon nang wala sa tabi namin ng nanay ko? Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader para lang makalimutan ko ang lahat ng problema ko, pero hindi ko iyon gagawin dahil alam ko na hindi ako bibigyan ng diyos ng problema kung alam niya na hindi ko ito kayang lagpasan.
"Mom? Ayos ka lang po?" iniupo ko siya sa couch.
Umupo na rin ako sa tabi niya.
Hinawakan niya ang aking pisngi. Gusto kong pagaanin ang loob ng nanay ko, pero how come kung fresh pa rin ang nangyari kanina?
"Okay lang anak, how about you? Pasensya ka na kanina ah, tinutukan ko pa ang lalaking iyon ng kutsilyo, natakot ka tuloy!" saad ni Mom habang hawak hawak pa rin ang pisngi ko.
"Okay lang rin ako Mom," Yumuko ako kaya bumitaw si Mom sa kaniyang pagkaka-hawak sa aking pisngi. "Kaya po natin ito," hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinisil iyon ng bahagya. "Kaya natin, mag-tiwala lang tayo, nakaya nga po natin ng ilang years 'di ba. Basta mag-kasama po tayong dalawa, makakaya nating lagpasan lahat ng hamon na dumating sa atin." ani ko tsaka siya niyakap.
"Anak, ang swerte ko talaga sayo. Mabuti na lang at dumating ka sa buhay ko! You're one of a kind! I love you my baby!" parang may humaplos sa aking puso dahil sa sinabing iyon ni Mom.
Mas hinigpitan ko pa ang aking pagkaka-yakap sa kaniya.
Kahit wala akong ama, quotang quota naman ako sa pagmamahal ng isang ina. Kaya swerte pa rin ako sa kabila ng lahat kasi may nanay ako na mahal na mahal ako at handa akong suportahan sa lahat ng bagay.
"Isipin na lang natin na pareho na tayong masaya. Masaya na siya sa bagong pamilya niya, and of course, masaya na tayo sa buhay nating dalawa." i said habang naka-ngiti, pero parang may nagbabadya na namang pumatak mula sa aking mga mata.
And kung sino man ang bago niyang pamilya, well... congrats to them kasi nagkaroon sila ng padre de pamilya na hindi ko man lang naranasan noong mag-simula na akong magkaroon ng sariling isip.

BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.