Chapter 53

11 5 15
                                        

May plot ako pero hindi ko siya sinusulat sa papel, nasa isip ko lang lahat nang plot ko sa story na ito.

By the way, enjoy reading mga mahal kong taga-suporta, mahal ko kayo palagi!

<3

______________________________________

Chapter 53: Fight back

Pearl's Pov

Nang maka-rating ako sa room ay hinarang agad ako nang dalawang bitches na nakilala namin nitong mga nakaraan. Ang dalawang bitch na salot kagaya ni Jaynie.

"Tabi..." walang gana kong ani sa kanila.

"Oh, here we go again. Narito na ang SSG secretary na napaka-tapang, ngayon mo ilabas ang tapang mo bitch!" ani ni Bitch 1 with matching flip hair pa.

Pumalakpak naman si Bitch 2 kaya humarang rin si Jaynie.

Natawa ako ng mahina. "Ang galing, ano 'to? Nagpapatawa kayo? Pumalakpak ka lang lumabas na kaagad ang leader niyong walang puso?" i smirked.

"How dare you..." inis na wika ni Jaynie. Akma niya akong sasampalin pero nahawakan ko ang kamay niya kaya hindi iyon dumapo sa pinsgi ko.

"How dare you rin..." ani ko habang hawak ang kaniyang kamay tsaka siya  sinampal ng malakas.

First time kong manampal, promise!

Anong akala niya? Kaya niya pa akong saktan? Hindi na niya pwedeng iparanas ang bagay na ipinaranas niya noon sa akin. Gagawin ko ang tama at gagawin ko ang nararapat na gawin... At iyon ay ang labanan siya.

Nagawi ang paningin ko sa dalawa niyang alagad. May gulat na naka-ukit sa kanilang mga mukha, maging ang aming mga kaklase ay nagulat rin sa aking ginawa.

"Anong karapatan mong gawin sa akin iyon? Hindi mo ba ako nakikilala? Huh? Sagutin mo ako idiot!" aniya na parang maluluha na, malakas rin pala akong manampal, bakit ba ngayon ko lang nalaman na marunong pala akong manampal?!

"Nagkaka-mali ka dahil kilalang kilala kita!" ani ko habang naka-ngisi.

Huli na lang nang bitawan ko ang kaniyang kamay, napa-ngiwi pa siya dahil siguro sa higpit nang pagkaka-hawak ko roon kanina. Ramdam ko rin na may mga tao sa likuran ko. Lumingon ako roon at nakita ang dalawa kong kaibigan na  
halatang nag-aalala kung ano ang nangyayari.

"Best? Anong nangyayari rito?" tanong ni Whiskey.

"Sinampal mo si Jaynie?" tanong naman ni Bianca na halatang natutuwa sa ginawa ko.

Hindi ko sila sinagot dahil mamaya ko na lang i-ke-kwento ang lahat sa kanila.

"What do you mean? Kilala mo ako? Eh 'di ba nga kakagaling ko lang nang ibang bansa, paano mo ako makikilala? Huwag ka ngang tanga!" hanggang ngayo'y hawak hawak pa rin niya ang kaniyang palapulsuhan.

"Weh talaga?" hinawakan ko ang aking baba na tila nag-iisip kunwari. "Sure ka na ako ang tanga? Sino kaya ang mas tanga sa ating dalawa. Syempre ikaw, dahil gumagawa ka nang gusot na hindi mo naman kayang plantsahin." humakbang ako nang isang beses kaya napa-atras siya.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon