Chapter 6: Prince Charming
Pearl's Pov
Lunch break na, lumabas na ako kanina agad sa room dahil ayoko na ma-expose sa lalaking 'yon, ang rami niyang ginawa sa room. As in, umupo lang naman siya buong oras tsaka wala na.
Tapos ang isa pang nakaka-inis, hindi naman yata siya seryoso tungkol sa lunch na sinasabi niya kaninang umaga. Baka nag-pe-play time lang ang lokong 'yon.
Dumiretso na lang ako sa cafeteria at nakita si Xander na mag-isang kumakain.
Lalapit na sana ako sa kaniya kaso may dalawang babae na humarang sa harap ko na naging dahilan ng pag-hinto ko sa aking paglalakad.
Hindi ko naman sila kilala, pero kung makaharang sa dinaraanan ko, akala mo, close kami. Ghad, sila na kaya mga kontrabida sa buhay ko? Kagaya nang mga napapanood ko sa TV rati? Sana naman wala silang gawin na masama sa akin.
"Ah, excuse me! Makikiraan po ako!" Wika ko sa kanila kaso tinabig nila ako kaya napaupo ako sa sahig.
Buti na lang talaga, na-co-control ko pa ang sarili ko, dahil kapag nagkataon na hindi ako nakapag-pigil, babasagin ko talaga ang nguso ng dalawang babaeng 'to.
Tumingala ako para makita ko sila ng maayos.
Parang nakita ko na ang dalawang 'to noon. Tama, sila nga iyong mga babae na malakas ang ilusyon kay Dwight, i mean kay President Cheon. Ayaw nga pala niyang natatawag siya sa kaniyang first name kasi magmumukha kang walang manners kapag ginawa mo iyon.
"Ano bang problema niyo? Wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah. Mga baliw ba kayo?" I'd loss my temper. Papatulan ko na talaga ang mga epal na 'to. Tumayo ako para mapantayan ko sila.
Kung noong first year high school kami, binu-bully lang nila ako, pwes ngayon hindi ko na kaya pang tumahimik, kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi naman yata iyon masama sa batas ng tao at sa mata ng diyos. I am just protecting myself against this two bitches.
"May, nakapag-sabi lang naman kasi sa amin na nilalandi mo daw si Dwight, now Miss, can you tell us kung totoo lahat ng 'yon?" Sabi nang isa sa kanila.
Neknek niya 'no, ano siya pulis para magpaliwanag ako sa kaniya? Saan siya nakakuha ng swerte niya? No way!
"I have no time to explain kasi wala naman talaga akong ipapaliwanag..." Matapang na sabi ko sa kanila.
Ginaganito nila ako dahil lang sa isang lalaki? Ghad, insane!
"Aba, ang tigas ng mukha ng babaeng 'to ah, alam mo ba na wala pang estudyante na kumalaban sa amin? Huh?" Sabi pa nang isa. Habang nakataas ang isang kilay niya.
"Well ngayon meron na, at ako 'yon, hindi ko hahayaan na gawin ninyo kung ano ang ginugusto ninyong gawin."
Matigas na sabi ko sa kanila. With matching irap pa.Hindi ko alam pero hindi naman ako lumalaban rati, hindi ako umiimik at lalo nang takot akong lumaban, siguro nga, pinatapang ako nang mga tao na nang-aapi sa akin rati.
"Tama na, hindi ko na kaya..." Umiiyak na sabi ko sa isang babae na naka-hawak sa buhok ko...feeling ko, matatanggal na ang anit ko dahil sa mahigpit na sabunot sa akin ng babaeng 'to. Wala naman akong kasalanan sa kanila, hindi ko rin alam kung bakit nila ginagawa ito sa akin. I have no idea.
"Anong tama na? Kulang pa nga 'yan eh, hindi mo ba alam na nabagsak ako kasi hindi mo ako pinakopya? Huh? Ngayon, pagbabayaran mo lahat ng 'yon..." Malakas na sigaw sa akin ng babaeng kaharap ko.
"Hindi lang naman kita napa-kopyahan kasi naka-tingin si Ma'am sa atin, hindi ko naman siguro kasalanan na hindi ka nag-aral ng mabuti..." Sagot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.