Enjoy reading, and give some feedback about this chapter!
______________________________________
Chapter 52: Involve
Pearl's Pov
Pagka-tapos naming mag-usap ni Kier sa cafeteria ay pumasok muna ako sa klase ko.
Pagkarating ko sa room ay naroon na ang dalawa kong kaibigan.
Oo nga pala, official classmate ko na si Jaynie. Sana lang ay hindi siya mag-hasik nang lagim rito sa room namin.
"Bakit ang tagal mo?" tanong sa akin ni Whiskey nang maka-upo na ako sa aking pwesto.
Tinuro ko lang ang mga papel na naka-patong sa lamesa ko. nag-senyas pa ako sa kaniya nang quiet dahil baka marinig ni Jaynie na nag-iimbestiga kami tungkol sa kaniya.
"Girl pahiram nang notebook sa Math!" imik naman ni Bianca.
Hiram daw, ang sabihin niya'y mangongopya na naman siya nang assignment. Mas inuuna pa kasing makipag-text kay Kier eh.
Walang gana kong binigay sa kaniya ang notebook ko sa math. Hindi naman ako maramot kaya binigay ko na sa kaniya, wala rin namang mawawala sa akin kapag pina-kopya ko siya.
Nakaramdam ako ng uhaw habang binabasa ang mga documents kaya kinalabit ko si Whiskey. "May inumin ka bang extra riyan? Nauuhaw ako eh!" hindi kaagad siya sumagot kaya kinuha ko ang bag niya tsaka binuksan iyon at kinalkal.
Sakto, may strawberry juice, mukhang sealed pa. Akmang kukunin ko na ang juice pero naagaw niya sa akin iyon.
"Nauuhaw na ako eh." saad ko sa kanila. Maging si Bianca na nagsusulat kanina'y naka-tingin na rin sa amin ngayon.
"Ano ka ba, hindi nga para sayo iyan eh." maktol ni Whiskey na parang takot na takot na makuha ko ulit ang kaniyang strawberryj juice.
Nagka-tinginan pa sila ni Bianca. Tinginan na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin.
Niyakap pa niya ang kaniyang bag at binalik sa loob nito ang juice.
Ano bang mayroon sa strawberry juice na iyon at hindi man lang niya maibigay sa akin?!
Pumangalumbaba na lang ako sa aking mesa. Uhaw na uhaw na talaga ako.
Galing kasi akong cafeteria tapos hindi man lang ako naka-bili. Nawala kasi sa isip ko na bumili dahil sa pag-iisip nang mga bagay na tungkol sa napag-usapan namin ni Kier.
"Heto oh, sayo na lang. Extra iyan!" alok ni Bianca sa kaniyang grape juice.
Napa-ngiti tuloy ako nang wala sa oras. Uhaw na uhaw na rin kasi talaga ako!
"Salamat, mabuti ka pa hindi ako pinagdadamutan. Hindi katulad nang iba diyan na ultimo strawberry juice hindi pa maibigay sa akin." pagpapa-rinig ko kay Whiskey.
Kaunting lecture lang tapos quiz na slight lang rin.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Bianca sa akin nang matapos na ang aming klase.
"Sa library, roon na muna ako tatambay!" sagot ko bago siya talikuran.
Lunch time na kasi, pero hindi ako tatambay sa cafeteria kasi maingay roon at hindi ako makakapag-concentrate sa pagbabasa nitong mga documents na hanggang ngayon ay hawak hawak ko pa rin.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
