Chapter 20: Open up
Pearl's Pov
After nang naging dramahan sa loob ng room. Naging panatag naman ang loob ko kasi hindi ako iniwan nila Whiskey at Bianca.
"Lunch na oh, hindi ka pa ba nagugutom?" Whiskey asked.
Umiling naman ako kasi hindi pa talaga ako nagugutom.
"Tara na, gutom na ako eh." Si Bianca naman.
Wow huh, may bago na palang PG sa aming tatlo.
"Oh, ngayon mo sabihin sa akin na PG ako!" Dinuduro duro pa siya ni Whiskey habang sinasabi niya iyon.
"Gutom lang, kanina pa kaya tayo rito, ilang oras na lang, next subject na natin!" Reklamo naman ni Bianca.
Totoo naman kasi, ang arte ko, rapat lang na kumain na sila.
Tinignan ko sila pareho. "Sige na! Okay lang naman ako ritong mag-isa. You need to eat, huwag ninyo akong alalahanin." Tumingin naman sila sa akin.
"Hindi!" Umiling naman si Whiskey.
"Yeah, sabay sabay tayong magutom!" Nagmamatapang na sabi ni Bianca.
Alam ko na gutom na sila pero nahihiya lang talaga sila na iwan ako ritong mag-isa.
"Ahy, sige na! Alis na! Go..." Pinagtulakan ko pa sila sa may pinto kaso nagmamatigas pa ang dalawa.
Ayoko naman na magutom sila nang dahil lang sa akin 'no. Mukhang hindi naman patas iyon para sa kanila.
"Ayaw nga namin..." Kakamot kamot pa sa ulo si Whiskey.
Puno yata ng balakubak ang kaniyang ulo...
"Hello guys, hindi pa ba kayo kumakain?" Sumulpot naman sa harapan namin si Xander na may hawak na plastic bag. Na sa tingin ko'y pagkain ang laman.
"Ahy oh, knight and shining armor lang ang peg. Ewan ko ba sa isang 'yan, ayaw kumain, magpapakamatay na yata!" Sumbong naman ni Whiskey kay Xander habang napapa-ngiwi pa.
"Whiskey naman, hindi mo na naman napipigilan ang iyong buraot na bibig!" Awat naman sa kaniya ni Bianca.
"Oh, siya sige na nga, halina kayo, may dala akong pagkain. Saluhan niyo na lang kami..." Pag-aaya sa kanila ni Xander.
"Huwag na!" Si Bianca.
"Oo nga, kayo na lang, sa cafeteria na lang muna kami, baka kasi may gusto pa kayong pag-usapan eh!" Whiskey.
Ano raw? May gustong pag-usapan? Baliw talaga ang dalawang 'to.
Ano naman ang pag-uusapan namin ni Xander aber?!
"Sige na nga, kung ayaw niyong sumalo sa amin, shu, alis na!" Ipinagtabuyan ko sila.
"Hindi mo kami kailangan na ipagtulakan, aalis kami nang kusa. Sige na nga...babush, enjoy na lang kayo sa inyong lunch!" May pa-senyas senyas pa ang malambot kong kaibigan.
"Sige, see you later Best, roon muna kami ah!" Yumakap pa si Bianca sa akin bago sumenyas at nag-lakad paalis.
"So, bakit ka narito?" Tipikal na tanong ko kay Xander habang naglalakad kami papasok sa loob ng room.
"Nag-alala kasi ako sayo, sa ganitong oras kasi naroon ka na sa cafeteria at kasama kong nag-la-lunch. Pero wala ka kanina, kaya narito ako ngayon...kakain tayo nang sabay!" Paliwanag niya about sa tanong ko.
Ngayo'y naka-upo na kami sa upuan. Bale nasa upuan muna siya ni Whiskey. Nasa gitna kasi namin siya ni Bianca kaya ganoon ang pwesto namin.
"Salamat ah, pinuntahan mo pa talaga ako rito, maka-sabay lang na kumain!" Wika ko. Ngayon ay nagbabalat na siya ng burger.
Naalala niya talaga na burger at milk tea ang comfort food ko. Nakaka-touch lang. Sobra!
"Wala 'yon, teka nga lang. Nasaktuhan ba iyang dala kong food? Mukhang malungkot ka kasi eh!" Ngayo'y kumakain na kami pareho.
"Sinabi mo pa. Pero kasi, masyadong personal ang naging dahilan kung bakit ako nalulungkot ngayon. I mean, i want to tell you everything kaso, baka hindi mo lang ako maintindihan..." Sabi ko naman sa kaniya bago uminom sa binili niyang milk tea.
"Ahy teka..." Sabi ko pa na naging dahilan para mapa-tingin siya sa akin.
"Oh, bakit? May problema ka na naman?" Hindi ko siya pinansin at kinuha na lang sa bag ko ang paper bag na ang laman ay iyong niluto kong french fries para sa kaniya.
"Sandali, ano 'yan?" Tanong pa niya na halata mo sa mukha ang pagka-excite.
"French fries, for you!" Nilabas ko na ang niluto kong fries para sa kaniya.
"Talaga? Ikaw mismo nag-luto para lang sa akin?" Sunod sunod na tanong niya habang binubuksan ang ginawa kong sauce.
"Yeah, why not coconut 'di ba? I mean, tignan mo ngayon, nariyan ka na naman para sa akin. Kaya wala naman sigurong masama kung ako naman ang gagawa niyan para sayo. Right?!" Ngumiti siya tsaka tumango.
Sinimulan na naming lantakan ang french fries na niluto ko for him. Naubos na rin kasi namin ang mga burger na binili niya. And milk tea at fries na lang ang natira.
"So, pwede mo na bang sabihin sa akin ang dahilan kung ba't ka malungkot ngayon?" Natigil ako sa pag-subo ng fries dahil sa tinuran niya.
"Ah okay lang kung ayaw mo. Nirerespeto ko naman ang desisyon mo!" Hindi pa rin kasi ako umiimik kasi nabigla talaga ako sa sinabi niya.
"Hindi naman sa gano'n. Pero matanong ko nga lang sayo, ready ka ba na pakinggan ako sa mga drama ko?" I mean, baka mamaya ma-board lang siya. Baka magka-sakit pa nga siya dahil sa boredoms eh. OA naman yata na magka-sakit siya dahil sa boredom 'no.
"Ready palagi...alam mo kasi, kaya nga naging kaibigan mo ako para may comforter ka sa tuwing hindi mo kaya ang mga problema na kinakaharap mo. Narito lang naman ako eh, huwag ka nang mag-hanap ng iba." Nako, nag-tanong lang ako, ang rami na agad ng sinabi.
"Okay sige."
Tumango naman siya. Alam ko na hudyat iyon na binibigyan na niya ako ng pagkakataon na sabihin sa kaniya ang lahat.
"Ngayon lang ako mag-o-open up tungkol sa bagay na 'to," Nag-pilit naman siya ng ngiti. "I was just 10 years old that time, iniwan niya kami because of one girl. Hindi niya inisip na may anak siyang hahanap hanapin ang presensya niya. Ang hirap, kasi tinaguyod ni Mom mag-isa ang buhay namin. 7 years," Huminto ako saglit at ngumiti ng mapait. "7 years na siyang wala sa amin, simula no'n, hindi na siya nag-pakita pa. And then kanina, after nang maraming taon na hindi ko siya nakita in person, nakita ko siya kanina." I bit my lower lip to hold back my tears. Heto na naman, heto na naman ang mga luha ko, kusa na naman silang babagsak. "Ang sakit, kasi hindi man lamang niya naisip na masasaktan niya kami sa oras na iniwan niya kami. Kaya ang hirap na niyang paniwalaan pang muli. Sa tingin ko'y, hindi ko na siya mapapatawad pa." Naiyak na ako ng tuluyan. Humagulgol ako kaya natagpuan ko na lang na nakakulong na ako sa bisig ni Xander habang hinahaplos ang aking likuran. And he's trying to make me calm.
"Shhh, huwag ka nang umiyak. Ngayo'y naiintindihan ko na kung bakit hirap ka na i-open up ang bagay na iyan. Father issue, ang hirap niyan. Pero kahit na mahirap para sayo, gusto ko lang na malaman mong, narito lang ako lagi para sayo. Feel free na umiyak sa bisig ko...basta ikaw!" Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya.
"Xander naman, baka mahulog na ako sayo niyan. Huwag kang ganiyan, walang personalan!" Naka-ngiti na ako ngayon, Tina-try kong tumawa para hindi na siya mag-alala pa.
"E 'di mahulog ka kung gusto mo, choice mo iyan, hindi kita pipigilan. Nga pala, feel free to fell in love with me, huh!" Then he winked at me.
"Sira..." Wika ko sa kaniya tsaka hinampas ang kaniyang dibdib.
Aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawang pag-comfort sa akin ni Xander.
May bago na nga talaga akong comforter...
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Novela JuvenilMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
