Chapter 4: Jealous?
Pearl's Pov
Hapon na't mag-uuwian na. Palabas na ako ngayon sa gate ng school.
"Pearl," tawag sa akin ng pamilyar na boses.
Lumingon naman ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon at nakita ko si Xander na naglalakad palapit sa akin. And ghad, kasama niya si Dwight. Pero may tampo pa rin ako sa lalaking 'to. Binigay ba naman niya ang sulat na pinaghirapan ko kay Xander... pero ayos na rin 'yon, kasi at least na-appreciate ni Xander. Nakakataba ng puso, kaunting bagay lang na-a-apreciate niya kaagad.
"Uy Xander." Kumaway pa ako sa kanya. Hindi na rin kasi ako nahihiya sa lalaking 'yon. Bukod kasi sa makulit, medyo kalog rin kagaya ng mga kaibigan ko kaya agad na napalapit ang loob ko sa kanya.
"Magandang Pearl, gusto mo, kain muna tayo sa labas?" hindi pa sana ako papayag kasi panigurado hahanapin ako ni mommy pero maganda na rin 'yon para mas makilala ko pa si Xander. Willing na kasi akong makipag-kaibigan sa kaniya.
"Hello Dwight," nakakainis lang kasi dedma na naman ako ng isang 'to.
Hindi ko alam pero naisip ko minsan, bakit kaya nagustuhan ko ang kagaya niya? Napaka-cold niyang tao. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa akin ng lalaking iyon at nagkagusto ako sa kanya. Hindi lang pagka-gusto kung 'di mahal ko na siya.
"Sabi naman kasi sayo eh, huwag mo ng pansinin 'yan, ako na lang kasi," si Xander na ngayo'y naka-akbay na sa akin.
"Tara na Xander... gutom na ako eh." nag-pilit lang ako ng ngiti. Napahiya na naman kasi ako dahil sa pag-uugali ko na feeling close.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Xander na naka-hawak na ngayon sa palapulsuhan ko.
May pagkakataon pa na tinitignan ko iyon kaso ang nahahagip ng paningin ko'y si Dwight na seryoso lang sa paglalakad at nasa likuran namin.
"Ikaw na bahala. Maglalakad lang ba talaga tayo?" tanong ko kay Xander. Napa-tingala pa ako sa kaniya dahil sobrang tangkad talaga ni Xander siguro hanggang balikat niya lang ako.
"Oo, malapit lang naman rito eh. Sure ka ba Dwight na gusto mo talagang sumama sa date namin ni Babe?" si Xander na naka-tingin kay Dwight at tila inaasar ito. Hinahayaan ko na lang si Xander kung ano ang gusto niyang itawag sa akin. Hindi rin naman totoo ang lahat ng lumalabas sa bibig niya eh. Kapag nag-paasar ako sa kanya, patuloy niya lang akong aasarin at hindi titigilan.
"Pwede Mr. Real, huwag kang mag-feeling na kayo ni Ms. Samonte... nakakahiya sa kaniya!" nagulat ako sa sinabing iyon ni Dwight. Hindi ko inaakala na masasabi niya ang mga salitang iyon. Seryoso pa ang kaniyang mukha habang sinasabi iyon. Ang cold talaga niya.
Pero wait, totoo ba? Binanggit niya ang pangalan ko?
"Easy! Nagbibiro lang kaya ako Mr. Cheon," Pagsuko ni Xander kay Dwight.
Nakakatakot pala siya, parang boss lang ng mga gang kung umasta.
"Nevermind, gutom na ako!" wika niya na parang maamo na namang pusa. Kumpara kanina na parang tigre at parang mangangain pa ng tao.
Nagtinginan na lang kami ni Xander dahil sa inaasta ng kaibigan niyang bipolar.
"Wah, street foods?" na-e-excite na sabi ko kay Xander habang nakapulupot sa kanyang braso.
"Oo, dito tayo kakain," sagot naman ni Xander na naka-hawak na ng stick.
"Masarap mga pagkain rito eh. Matagal na rin kasi akong hindi nakakatikim nito. Mabuti na lang at dinala mo ako rito." malapit lang 'to sa school. Walking distance lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/302080699-288-k574378.jpg)
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.