Chapter 82: Best Friend
Pearl's Pov
Kusa na lang natuyo ang mga luha ko dahil sa hangin na dumadampi sa aking pisngi.
Nakauwi na ako at heto ngayon, patungo sa room ni Mom.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago siya sumagot.
"Mom? Can I talk to you?" bahagya kong tanong sa kaniya. May binabasa siya na kung ano.
"Of course, halika 'nak tabi tayo!" lumapit naman ako sa kaniya tsaka naupo sa kaniyang tabi.
Ramdam ko ang bahagya niyang pag-haplos sa aking buhok.
"Mom, birthday po kasi ni Dwight ngayon, I've came sa bahay nila to celebrate with his parent's at para na rin po maipakilala niya ako sa parent's niya. Pero alam niyo po ba kung ano ang nalaman at nakita ko?" halos maiyak na ako habang nag-e-explain kay Mom.
"Nalaman mo rin..." kasabay niyan ay ang pag-haplos ni Mom sa buhok ko.
Hindi ko na rin mapigilan na mapahagulgol.
So alam na niya? Ako lang na naman ang hindi pa nakaka-alam?
"A-alam niyo na rin po pala?" tanong ko habang bumabagsak ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilang kumawala mula sa aking mga mata.
"Yeah, and hinayaan lang namin na kayo mismo ni Dwight ang maka-alam kung ano talaga ang totoo." gulat akong napatingin kay Mom.
Tama nga si Dwight, wala rin siyang ka-alam alam tungkol rito, just like me!
So nagkunwari ang Mom ni Dwight na wala siyang alam? Ang galing naman yata ng babaeng iyon. Sorry pero hindi ko kaya na hindi siya pagsalitaan ng masama. Hindi ko sinasadyang magalit sa kaniya.
"Pero ang sabi ng Mommy niya is hindi niya alam na ako ang anak ni Dad." pumiyok na rin ang aking boses dahil sa sobrang pag-iyak.
"Well, she lied to you. Ang totoo niyan alam na niya rati pa, dahil bago pa man sila makauwi rito, sinabi ko na sa kanila na mag-kasintahan kayong dalawa ni Dwight. Totoong gusto ka ng Mommy ni Dwight para sa kaniya."
So acting lang rin iyong mga sinabi niya kanina na first time niya akong nakita at nakilala. Ang galing!
"I didn't know na close pala kayo ng Mommy ni Dwight. Close ka sa taong nang-agaw sa asawa mo." I said out of nowhere.
"Actually, she's my best friend since high school. Kaya nga mas naging madali na ipagpalit ako sa kaniya ng Dad mo kasi she's my best friend and they both betrayed me. Pero matagal na panahon na 'yon anak ko. Napatawad ko na sila, since ikakasal naman na sila eh, tanggapin na lang natin kung saan sasaya ang Dad mo. We need to moved on, ayokong mabuhay ka sa nakalipas, ayokong maging bitter ka anak ko." after that niyakap ako ni Mom, feel kong umiyak sa balikat ni Mom kaya ginawa ko.
"Mom? Nag-cool off kami ni Dwight." hindi naman sa dinadamay ko si Dwight. Hindi ko lang kasi matanggap na iniwan kami ni Dad just for him and his Mom, ang awkward 'di ba!
"Why? Dahil ba rito?" I nodded.
"Alam kong mangyayari 'to. Pero sana maging okay na kayo. Huwag niyong hahayaan na masira ng nakaraan ang future ninyong dalawa. Ayusin niyo 'to. Kung ako nga napatawad ko ang Daddy mo at ang Mommy ni Dwight, ikaw pa kaya. It's time to give the happiness that they deserve. Patawarin mo na sila 'nak." isang pangaral na naman galing kay Mom.
"Maybe one day mapapatawad ko ang sarili kong ama at ang best friend ninyo. Pero sa ngayon huwag muna, kailangan kong huminga Mom, gusto ko ng space!"
Papatawarin ko kayo sa tamang panahon, bigyan niyo lang ako ng oras!
"Hihinga ka lang ha, balikan mo kagaad si Dwight. Hindi porket naghihintay iyong tao hindi na siya mapapagod. Robot nga napapagod tao pa kaya!" natahimik naman ako sa sinabi ni Mom, may possibility kaya na mapagod sa akin si Dwight? Pero ang sabi naman niya'y hihintayin daw niya ako hangga't sa maging okay na ako ng tuluyan.
"Balita ko, nag-cool off daw kayo ni Dwight, totoo ba?" ayaw ko sanang sagutin ang tanong ni Bianca pero kailangan, knowing na marites rin ang mga ito kaya hindi titigil ang mga iyan hanggang wala silang makuhang sagot mula sa akin.
"Ang pangit naman yata ng birthday gift mo kay Dwight, cool off talaga?" maging si Whiskey ay inuusisa na rin ako.
Ibinaba ko muna sa lamesa ang hawak kong libro at hinarap silang dalawa.
Sabi ko naman kasi na huwag nila akong guluhin kapag nagbabasa ako, ang titigas talaga ng ulo nang mga 'to.
"Eh saan niyo ba kasi nalaman?"
"Sa boyfriend nitong mas tsismoso pa kaysa sa akin." sagot naman ni Whiskey with matching turo pa kay Bianca.
"Eh kung kay Kier naman pala, automatic tama na ang rumor na 'yan." basta si Kier, asahan mong tama lahat ng mga tsismis niyan, mas marites pa yata kaysa sa babae eh.
"Pero iyong seryoso, ano ba talagang reason? Bakit kayo humantong sa cool off?" ayon, salita nang salita, hindi naman pala alam ang buong kwento.
But at this point, kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong nila Whiskey at Bianca? Hindi ba pwedeng private na lang? Iyong kami na lang muna ang makaka-alam. Pero sa kaso namin, baka alam na rin ni Kier ang tungkol sa bagay na iyan, pangit naman kung kay Kier pa nila malaman. Iyon pa ba ang walang alam, eh kanang kamay yata 'yon ng ka-cool off ko.
"Unless hindi mo gustong sabihin sa amin, okay lang, pero in that case, salamat na lang sa lahat!" grabe naman ang Bianca na 'to, diktador lang ang peg ah!
"Wow ha, ang galing mo talaga 'no, eh kung ikaw kaya ang pasalamatan ko ng panghabang buhay, gusto mo?" hindi mo talaga mapipigilang mag-away ang aso't pusa.
Nag-irapan muna sila bago magpa-awat sa akin.
"Si Daddy ang magiging tatay tatayan ni Dwight. Sabi pa nga nila'y ikakasal na daw sila eh. Ang complicated ng sitwasyon 'no?!"
Napa-'ahh'-look naman ang dalawa sa sinabi ko.
"Oo pero anong connect no'n sa inyong dalawa ni Dwight?" hindi talaga kontento si Whiskey sa mabilisang kwento, ang gusto niya'y complete details.
"Wala, hindi ko lang talaga matanggap na pinagpalit ni Dad si Mom sa mismong best friend ni Mom, tapos alam mo 'yon, ang sakit na iniwan kami ni Dad just for Dwight and his Mom. Ang awkward ng sitwasyon namin 'di ba!"
"Ahy kaya naman pala. I'll understand you girl, basta balikan mo si Dwight kapag okay ka na!" payo ni Whiskey which is pangalawa na siya sa nnagsabi sa akin niyan. Si Mom ang first!
"Ako rin, naiintindihan kita, kapag ganiyan rin ang nangyari sa amin ni Kier, ganiyan rin ang gagawin ko." si Bianca naman.
After nilang mag-comment sa sinabi ko'y niyakap ako ng dalawa kong kaibigan kaya niyakap ko rin sila pabalik. I badly need a comfort like this!
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Ficção AdolescenteMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
