Fb: Cristal Dela Cruz (Official account)
Add niyo po ako, accept ko kayo agad!!!
Spread good vibes lang po tayo<3
Chapter 31: Former SSG secretary.
Pearl's Pov
As usual, walang pinag-bago ang role ko sa school. Aral, sa office, kwentuhan with my two friends, kain kasabay si Xander, kulitan with Kier.
Nanlalaki ang mga mata ko sa tuwing binubuklat ko ang history book ng school na 'to. Like what i've said, mahilig talaga ako sa mga history books.
Lumapit ako ng bahagya kay Kier na kasalukuyang naka-upo sa pwesto niya rito sa office. "Kier?" Pag-tawag ko sa kaniya.
Sandali naman niyang binitawan ang hawak niyang ball pen at hinarap ako ng bahagya. "Hmm?!"
Inilapit ko sa kaniya ang librong hawak ko. "Kilala mo kung sino 'to?" Na-curious kasi ako rito sa babaeng naka-indicate rito sa libro. May mga information naman rito pero hindi pa rin sapat para makilala mo siya ng lubos.
He let out a heavy sigh. "Halata na wala kang paki sa mga SSG officers 'no? Am I right?" Natatawa niyang saad.
I slowly nodded. "Ang totoo kasi niyan, hindi talaga ako maalam sa mga officer ng SSG, kaya sorry na lang kung hindi ko siya kakilala." I said to him.
Pero iyong totoo, parang pamilyar ang babaeng 'to sa akin. Hindi ko lang alam kung kailan at saan ko siya nakilala. Na-fe-feel ko na parang connected siya roon sa dalawang bitch, pero I am not sigurado, haka haka lang itong naiisip ko.
"Okay lang iyan...siya si Jaynie Alonte, siya ang former SSG secretary, mas nauna siya roon sa isang babae na pinalitan mo." Paliwanag nito ngunit hindi pa rin sapat ang sinabi niya para makilala ko ang babaeng ito.
I found myself staring at her picture, parang pamilyar talaga siya sa akin. If I am not mistaken, parang na-meet ko na siya rati. Parang nagka-interes ako sa babaeng 'to, parang gusto ko pa siya makilala lalo.
"Tell me more about her!" Utos ko kay Kier na agad namang umiwas ng tingin.
Kinuha niyang muli ang kaniyang ball pen at nag-sulat sa kaniyang notebook, but, hindi ko alam kung ano iyong sinusulat niya. Baka pinapagawa na naman ni PDC.
"Wala ako sa kalingkingan para sabihin iyan!" ani 'to.
"Please, sige na naman Kier oh, kahit kaunti lang..." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Pinakita ko pa sa kaniya ang dalawa kong daliri, ang hinlalaki at hintuturo, linagyan ko pa ng kaunting space sa gitna, para maging sign ng kaunti lang.
"Pilitin mo ako!" wika naman niya na nakapagpa-nganga sa akin.
"Loko ka, huwag na nga lang!" saad ko habang naka-pout pa.
Wala akong magagawa kung ayaw sabihin sa akin ni Kier ang lahat ng nalalaman niya sa babaeng 'to, feel ko tuloy mag-investigate. Bakit ba kasi walang naka-saad sa librong ito tungkol sa personal details ng babaeng 'to? Hayts, oo nga pala, bawal! Baka mawalan ng privacy ang babaeng 'to.
"Kay Jane ko kaya tanungin?" ahy huwag na nga lang, may tampo pa ako sa Jane na 'yon. Huwag niyo nang tanungin, basta alam niyo na 'yon.
Pumangalumbaba na lang ako sa may pwesto ko at nilapag ang libro sa lamesa.
I took a deep breath bago isarado ang naka-bukas na libro.
Book worm nga naman!
"Hey, Pearl?" Bahala ka sa buhay mo Kier, umalis ka sa harapan ko.
Hindi ko siya sinagot, nanatili lang akong nakapangalumbaba.
"Hindi mo ba talaga ako papansinin? Ang liit lang kaya ng bagay na iyon, sorry na!" aniya na parang nagmamaka-awa pa.
"Don't talk to me!" I said habang naka-pout.
Akma na akong tatayo at lalayo sa kaniya kaso pinigilan niya ang aking kamay, dahilan para mapa-tingin ako sa kaniya ng diretso.
Bakit parang hirap siyang sabihin kung ano ang mga nalalaman niya sa babaeng ito? Is there a problem kaya?
"Okay, I'll tell you everything na, pero roon tayo sa kusina para walang maka-rinig sa pag-uusapan natin!" saad niya habang naka-hawak sa palapulsuhan ko.
Parang kinabahan naman ako kay Kier, parang may mali talaga sa rapat niyang sabihin sa akin. Parang may something na hindi ko maipaliwanag.
Bahagya niya akong hinila patungong kusina. Pinaupo niya ako sa isang upuan roon at ipinaghila pa ng upuan.
"Kier? Parang ang weird mo yata, may problema ba?" bahagya kong tanong sa kaniya kaso hindi niya ako kinibo, bagkus ay inabala niya ang kaniyang sarili para maupo sa kaharap kong upuan.
"The past two years, naging SSG secretary si Jaynie, magaling siyang secretary, pero lahat nang iyon ay nawaglit kasi nalaman nila na kabilang siya sa isang gang simula freshman pa lamang siya, napa-talsik siya sa pagiging secretary, at dahil sa kahihiyang naramdaman, pinadala siya ng kaniyang mga magulang sa states. She's a grade 8 student since naging secretary siya." napa-isip ako saglit.
"Eh 'di classmate ko siya kung ganoon?" I frequently asked on him.
Tumango lang naman si Kier kaya napa-tango na rin ako.
"Ganoon ba talaga 'yon?" tanong ko na naman sa kaniya, dahilan para kumunot ang kaniyang noo.
"Ang alin?" kunot noong tanong niya sa akin.
I let out a heavy sigh bago sumagot sa kaniya. "Kapag pala kabilang ka sa isang gang, wala kang karapatan na manatili sa pwesto mo sa SSG?" kung ganoon nga, ang babaw naman yata ng policy ng mga SSG.
"Hindi naman...depende pa rin kung ano ang rason mo kung bakit ka sumali sa isang gang, may valid reason rapat, kaya huwag mong isipin na mababaw ang policy ng mga SSG." saad nito.
Aba, paano niya nalaman na iniisip ko na mababaw ang policy ng mga SSG? Manghuhula rin yata itong si Kier eh.
"Ah, eh, so ano iyong rason ni Jaynie para sumali sa gang? Bakit siya napatalsik sa pwesto niya sa SSG?" Bakit ba napaka-interesado ko sa isang 'to? Hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang connected kasi ang babaeng 'to sa akin, parang ramdam ko na may nakaraan kami, ang kaso lang ay wala akong ideya tungkol rito.
"Kilalang bully si Jaynie, hindi niya deserve ang pwesto niya sa SSG. Pero kahit na bully siya, there is a man na nagka-gusto sa kaniya, minahal niya ito ngunit pinaglayo sila ng parents ni Jaynie." nagulat naman ako sa huling sinabi ni Kier, kaya naka-isip ako agad ng paraan para biruin siya.
"Eh, sino naman ang lalaking iyon... ikaw?" sarcastic na tanong ko kay Kier.
"Nope..." tipid na sagot nito.
I'd move my right hand to cupped my chin. "Eh sino?" excited pa akong malaman kung sino ang lalaking tinutukoy ni Kier, parang bagay kasi sila ni Jaynie.
"Dwight..." his respond na nakapagpa-laglag ng panga ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/302080699-288-k574378.jpg)
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.