Chapter 16

11 7 0
                                        

Chapter 16: Book of love spell

Pearl's Pov

"Ang ganda ng book na 'to..." Pang-aagaw ni Whiskey sa atensyon namin na naka-hawak na pala ng book na may bastos na cover.

"Ahy, manyak!" Si Bianca na naman ang bumara sa kaniya.

Agree naman kasi ako, ang rami na nga ng librong narito tapos iyon pa ang unang nakita, malambot nga naman talaga.

"Ibalik mo nga 'yan Whiskey, nakaka-banas!" Sabi ko kay Whiskey habang naka-ngiwi pa ako.

"Ang KJ niyo naman, para kayong mga 10 years old kung umasta." Pagtatanggol pa nito sa kaniyang sarili.

"Hindi ba pwedeng sumusunod lang kami sa patakaran na R18? Hmm?" Wika ko pa rito kaya binalik niya ang libro kung saang shelf man niya napulot.

"True, 17 pa lang tayo Whiskey!" Wika ni Bianca.

"Alam ko!" Sabi naman ng isa.

"Pinapaalala ko lang, baka kasi limot mo!" Buti naman at may laman ang isnabi ni Bianca?

Narito kasi kami ngayon sa bilihan ng mga libro, part pa rin siya no'ng restaurant na kinainan namin, nasa dulo nga lang ito, katabi ng coffee shop area.

Niyaya ko silang umupo rito sa may table na pang-tatluhan ang upuan. Sakto lang sa aming tatlo.

"May mga nabili kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Meron naman, mamaya ko na lang babayaran." Si Whiskey.

"Baka possessive series na naman ang binili mong bakla ka." Natatawang sabi ni Bianca.

"Nope, harry potter!" Wow, buti naman at hindi possessive ang nabili.

"Ikaw ba Pearl, meron?" Tanong ni Bianca sa akin kaya natuon ang atensyon ko sa kaniya.

"Ahm, romance novel!" Sagot ko naman kaya napa-ngiti siya. "Same here..." Tugon niya tapos pinagmamayabang pa ang hawak niyang libro na mukhang maganda naman ang title.

Natahimik kami saglit kaya natuon ang atensyon ko sa may bintana malapit lang sa amin.

Parang may sumisilip silip kasi kaya na-curious ako, parang spy.

"Saglit lang, feel ko kasi parang kulang pa 'tong akin kaya titingin-tingin na lang muna ako kung mayroon pa ba akong magustuhan para bilhin." Paalam ko sa kanila.

Tumango lang naman sila kaya nag-tungo na ako sa may shelf kung saan makikita mo ang mga libro ng history ng pilipinas or nang ibang bansa. Mahilig rin naman kasi akong magbasa ng mga history, kung paano nag-simula ang lahat sa mundo, kung paano na-diskobre ang pilipinas.
Basta mahilig ako about sa history ng mga bagay bagay.

"Philippine History..." Basa ko sa librong hawak ko. Balak ko itong bilhin kasi ang ganda niya, sa cover pa lang maganda na, how much more pa kaya kung iyong nilalaman na nitong libro ang makita at mabasa mo.

Napa-tingin na naman ako sa may maliit na butas nitong shelf, space kung saan ko kinuha itong librong hawak ko.

May parang dumaan kasi, parang may tao akong nakita. May nag-i-spy ba sa amin? Ghad, nakaka-takot naman!

Aalis na sana ako roon kaso may nahulog na isang libro, paano ba naman kasi'y sa pagmamadali ko, bigla ko na lang nabangga ang isang shelf, mabuti na lang at isa lang ang nahulog na libro, dahil kung nagkataon na maraming libro ang nahulog, malalagot at madadaganan ako.

Dahan dahan kong pinulot ang libro na nahulog. Napayuko pa ako dahil sa pag-pulot nito.

Tumayo ako nang diretso nang mapulot ko na ito tsaka pinagmasdan ang harap nito. "Book of love spell?" Basa ko sa title nito.

"May mga ganitong libro pa pala? 21st na ah, haha, grabe naman!" Ibabalik ko na sana ito sa lagayan ng libro kaso  biglaan akong nagkaroon ng interes rito. Tsaka, ang ganda rin naman kasi ng cover, parang luma na pero maganda pa rin.

"Bilhin ko kaya? For display lang naman, tsaka mukhang antik rin kasi ang librong 'to!" Para na akong baliw kasi kinakausap ko na ang aking sarili.

Pero, baka pagtawanan lang ako nila Bianca at Whiskey.

Ibabalik ko na naman sana kaso hindi ko kaya, parang may kakaiba sa librong 'to, parang nagkaroon ako bigla ng interes.

Bumalik ako kila Bianca at whiskey habang hawak hawak ang dalawang libro. Ang Philippine History at ang Book of love spell.

"Oh girl, ano naman ang hawak mo na 'yan?" Tanong ni Whiskey sa akin.

Nasa salamin naman ang atensyon ni Bianca, and as usual, nag-re-retouch na naman.

Inilahad ko ang libro kay Whiskey.

"Haha, itong Philippine History, okay...pero itong isa...makaluma, naniniwala ka sa gayuma? Haha, mangkukulam ka na rin ba ngayon Pearl? O baka naman binili mo 'yan para gayumahin si Dwight, tama ba?" Sabi na nga ba eh, pagtatawanan lang ako ng isang 'to.

"Hindi 'no, binili ko kasi ang ganda, tsaka hindi naman ako naniniwala sa gayuma 'no. Pang-display lang naman." Paliwanag ko pa.

Ngayo'y naka-tingin na sa amin si Bianca. "Patingin...ano 'yan?" Oh baka pagtawanan na naman ako nito.

"Book of love spell?" Basa niya sa front cover nito. "Ang ganda, akin na lang ah, pang-display lang sa bahay." Aba't nang-aagaw pa.

"Ayoko nga 'no, punta ka roon, mag-hanap ka ng sayo." Inagaw ko sa kaniya ang libro't niyakap ko pa ito gamit ang dalawa kong kamay.

"Ahy, damot!" Aba, hindi ako madamot, nagustuhan ko ang libro kaya hindi ko isusuko.

Sinunod naman ni Bianca ang sinabi ko't nag-hanap siya pero, bigo ang babae kasi wala siyang nakita.

"Miss? Wala na po bang ibang copy ng ganito?" Pinakita pa ni Bianca ang librong nabili ko.

Nasa counter na kami, magbabayad na.

"Ahy wala na po Ma'am, iisa lang po talaga ang librong 'yan, swerte po ni Ma'am kasi siya ang kauna-unahang nakakita niyan." Paliwanag ng babae na in-charge sa counter area.

"Swerte talaga..." Sabi naman ng matandang babae.

Creepy, kasi the way na ngumisi siya, nakakatakot. Baka libro 'to ng mangkukulam ah, tapos sundan ako sa bahay. Pero 21st na kaya, wala nang mga ganoon.

"Ano po ang ibig-sabihin ninyo Lola?" Tanong ni Whiskey sa matandang babae.

"Wala naman, ang sabi ko, swerte siya kasi nakakuha siya ng antik na libro. Ingatan mo 'yan hija, may value ang libro na 'yan." Wika pa ng matandang babae bago ito umalis.

"Nako Ma'am, huwag po kayong magpapaniwala sa Lola na 'yon, weird po talaga 'yon, pang-display lang naman po kasi rapat 'yan. At hindi ginagamit sa pangga-gayuma." Sabat naman ni Ate sa counter.

"Weirdo si Lola..." Si Whiskey na naka-ngiwi pa.

"Yeah, 21st na kaya, wala nang mga ganoong paniniwala, high-tech na tayo ngayon!" Pag-sang-ayon naman ni Bianca sa sinabi ni Ate sa may counter.

Natahimik naman ako kasi medyo weird talaga ang inaasta no'ng Lola kanina.

Pero teka, posible kaya na totoo ang gayuma?

  

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon