Chapter 65: Day 1
Pearl's Pov
Ang aga kong nagising dahil day 1 ngayon ng intrams. Nawala pa tuloy sa isip ko iyong gagawin ko rapat no'ng nakaraang weekend, 'yong magbibigay sana ako ng tulong sa orphanage. Siguro next weekend na lang...
"Mom? Alis na po ako ah!" paalam ko kay Mom pagkatapos kumain.
Nagsabay na rin kasi kaming kumain. May pasok rin siya kaya maaga kaming nagluto ng agahan. In fact, araw araw naman talagang may pasok si Mom, wala na lang siyang pinapaglagpas na araw, siguro tuwing linggo at tuwing gabi lang siya libre!
"Hatid na kita!" suhestiyon niya pero hindi ako pumayag. Maglalakad na lang ako mas masaya...
"Huwag na Mom, okay lang naman ma-late ngayon kasi first day ng intrams namin!" saad ko tsaka humalik sa pisngi niya.
"Ingat..." pahabol pa niyang saad bago ako lumabas ng bahay.
Hindi pa ako nakakalayo sa gate nang mag-ring ang phone ko kaya nataranta ako at kinuha iyon agad sa bag ko.
Pagka-tingin ko nang screen, "Unknown?" tanong ko sa aking sarili. Bahagya rin akong natigilan sa aking paglalakad.
"Hello? Sino po sila?" tanong ko sa tumatawag.
"Honey..." parang antok na ani nang nasa kabilang linya.
Honey? Sino ba ang tumatawag sa akin nang honey? 'Di ba si Dwight lang?!
"Dwight? Ikaw ba 'yan?!" pagtatanong ko kung siya nga ba ang tumatawag.
"Why? May iba pa bang tunatawag sayo ng honey bukod sa akin?!" bahagya niyang tanong. Umayos na rin ang kaniyang pananalita kaya napagtanto ko na siya nga talaga ang nasa kabilang linya.
"Wala, ikaw lang 'yan eh! By the way, where did you get my number?!" nagpatuloy na ako sa paglalakad habang kausap pa rin siya.
"Sa Facebook mo..." aniya.
Paano niya ako ma-i-stalk kung naka-block naman siy sa account ko?!
"Huh paano? 'Di ba naka-block ka sa account ko?!" tanong ko naman.
"Oo pero i created an RPW account para makita ko mga post mo!" natatawang ani pa ng loko.
"Gano'n. Hindi ka pa ba bumabangon?!" parang nasa higaan pa kasi siya, hindi ako sure pero parang lang... Parang lang naman!
"Hindi pa... Tinatamad akong pumasok!" aniya.
"Baka masama pakiramdam mo, huwag ka nang pumasok, makahawa ka pa!" ani ko naman.
"Malamig eh, tapos ang aga aga pa naman!" wow, eh paano naman kaya ako na papasok na nang school.
"Sige, bahala ka, papasok na ako huh!" saad ko. Akma ko na sanang i-e-end ang tawag nang mag-salita pa siya kaya hindi natuloy ang pagpindot ko sa end button.
"Saan ka? Ihahatid na kita..." ani ng loko.
Umirap naman ako nang hindi ko alam ang dahilan. Mabuti na lang at hindi niya nakikita ang bahagya kong pag-irap. "Hindi pa ako nakakalayo ng bahay. Huwag mo na akong ihatid, amoy higaan ka pa. Hindi ka pa naliligo!" natatawang saad ko.
Totoo naman, hindi pa kaya siya bumabangon sa higaan niya. "Wait mo ako, ihahatid kita..." aniya tsaka pinatay ang tawag.
Lokong 'yon, pinaninindigan talaga niya ang pagiging isang boyfriend material.
Tumigil muna ako sa paglalakad tsaka binalik ang phone ko sa aking bag. Hindi naman ako pwedeng maupo sa gilid ng daan habang naghihintay dahil naka-dress ako. Choice namin kung ano ang isusuot ngayon kasi wala namang gagawin sa school kung hindi ang i-enjoy lang ang intrams.
![](https://img.wattpad.com/cover/302080699-288-k574378.jpg)
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.