Chapter 38

10 4 45
                                    

Okay lang ba sa inyo iyong mga portrayer's rito sa kwento natin?

Nga pala, sana maka-one thousand reads naman 'to 'no, manifesting tayo riyan. Pangarap ko iyan eh, ang maka-one thousand reads man lang ang isa sa mga stories ko.

Sorry na agad sa mga typos, wrong grammar's and wrong spelling, kapag may time ako, i-e-edit ko 'to!

I Pink You'll<3

__________________________________

Chapter 38: Invitation

Pearl's Pov

Pagka-alis na pagka-alis ni Dwight, nag-tungo na agad ako sa may laundry area para mag-laba. Iyon kasi ang rapat na gagawin ko ngayong weekend kaya hindi ko pwedeng i-cancel ang paglalaba. Yes po, marunong akong mag-laba.

Samantalang si Mom nama'y naghuhugas ng mga pinagkainan namin kanina.

Nag-enjoy kaya si Dwight habang kausap si Mom kanina?

Mukha naman, kasi ang saya niya kanina eh, tawa pa nga nang tawa. Iyong tawa nga yata niya ang nagpapa-tunay na naging masaya siya sa pakikipag-kwentuhan kay Mom.

Nilagay ko na lahat ng damit sa washing machine, pero bago ko iyon labhan, pinag-hiwalay ko muna ang puti sa mga dekolores.

Inaako ko ang paglalaba kasi ayoko na mapagod pa si Mom sa kakalaba ng mga damit namin. Tsaka 17 years old na ako, imposible naman na hindi ko pa alam kung paano mag-laba sa ganitong edad ko.

"Psstt!" pag-tawag sa akin ni Mom.

Nilingon ko naman siya at nakita na papalapit sa akin habang hawak ang isang pitsel ng juice. "Mom? Bakit po?" Binitawan ko muna ang damit na hawak ko.

"Pwede ba kitang maka-usap?" nilapag niya ang pitsel sa katabing upuan.

Huminga muna ako ng malalim bago tumango. "S-sige po, tungkol saan po ba?" Hindi ko kasi siya binigyan ng pagkakataon kanina na maka-usap ako dahil baka kung ano ano na naman ang sabihin sa akin. Nakaka-kaba pa naman kapag si Mom na ang nag-seryoso.

"Tungkol sa love triangle!" natatawang saad niya.

Sabi ko na nga ba eh, bakit ko pa kasi dinala si Dwight rito sa bahay? May dumagdag na naman tuloy sa shini-ship sa akin ni Mom.

Kung hindi si Xander, iyong mga anak naman ng kumare niya, tapos ngayon, dumagdag pa iyong si Dwight.

Hindi naman na ako umaasa, knowing na baka one day, bumalik na lang si Jaynie at agawin sa akin ang pwesto ko as SSG secretary. And isa pa, wala silang naging official break up. Kagaya nga ng kinwento sa akin ni Kier, pinag-layo lang sila ng mga magulang ni Jaynie, kaya wala talagang nangyaring closure sa pagitan nilang dalawa. Kaya kapag nangyari na magka-balikan sila, hindi na ako magtataka kasi baka ganoon nga ang totoong plano nila.

"Mom naman eh, kung tungkol na naman po iyan kila Dwight at Xander, busy po ako!" Syempre 'no, hindi na ako iyong tipo na kapag si Dwight ang topic nagiging energetic ako. I need to moved on.

"Syempre hindi, nag-jo-joke lang naman ako anak. Pero iyong totoo, gusto mo ba si Dwight?" nako, ayan na ang mga tanungan na 'yan eh. Sabi na nga ba't may mapapansin na naman si Mom sa amin ni Dwight. Rapat pala hindi ko na siya sinama rito sa bahay.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon