Chapter 2: The Deal
Pearl's Pov
"Uy best, saan ka nga pala nagpunta kanina? Hindi ka namin nakita na naghihintay sa gate ah." tanong ni Bianca sa akin habang naglalakad kami papuntang Cafeteria.
"Oo nga, akala tuloy namin, hindi ka pumasok!" si Whiskey naman na pinaglalaruan ang bawat bato na matapakan niya. May pagkakataon pa na sinisipa niya ang mga ito. Problema niya?
"Nagbasa lang ako!"
Sabay pa na tumingin silang dalawa sa akin.
"Hala! Oo nga pala, bookworm ka nga pala 'no." si Bianca naman, palibhasa kasi puro fashion ang alam ng dalawang 'to.
"Alam mo best, buti na lang wala kang salamin, buti na lang rin hindi ka manang manamit, at buti na lang rin hindi ka nerd for short," si Whiskey na may pa-senyas senyas pang nalalaman.
"Alam mo Whiskey, papunta na roon eh kung hindi siya titigil kababasa ng mga libro." ang sama mo Bianca.
"Oo na, tama na ang pang-aasar sa akin, kain na lang tayo, nakakagutom mag-aral eh." iniwanan ko na sila pagkatapos kong mag-salita. Nauna na ako para naman may mapwestuhan kami rito sa Cafeteria.
"Ano po sa inyo?" tanong ng tindera rito sa cafeteria.
"Isa nga pong burger tapos isang soda in can,"
Agad namang iniabot sa akin ng tindera ang binili ko na burger at soda in can.
Kaunti lang ang kakainin ko dahil baka mamayang pag-uwi ko ng bahay, bubusugin na naman ako ni mommy. Ang sarap pa naman no'n mag-luto.
"Ahy, kagaleng, hindi man lang naghintay." si Whiskey na ginagaya pa si Vice Ganda the way na mag-salita siya.
"Sorry gutom na talaga ako eh, malapit lang naman, bili na kayo roon oh," Nginuso ko pa ang tindera na naghihintay ng costumer.
Nilantakan ko na ang binili kong pagkain. Hindi na talaga makapag-hintay ang tiyan ko, gusto na nitong kumain. Siguro nasanay, kasi on time talaga ako kung kumain lalo na kung nasa bahay ako.
"By the way, nabigay mo na ba iyong letter kay Dwight?" tanong ni Whiskey na kumakain ng kanin at adobo.
"Oo nga, hindi ka ba nautal o ano?" si Bianca naman na kumakain ng Cake.
Tanghali na pero kung kumain kami ng mga pagkain rito sa cafeteria parang meryenda pa lang ang ginagawa namin.
Si Whiskey lang ang matino kasi may kanin at ulam siyang nilalantakan.
"Hindi ko pa nabigay! Ayoko na yatang ibigay, last na kasi eh."
Napag-isip isip ko na last letter ko na iyon para sa kanya kasi hindi rin naman siya marunong mag-respond tapos baka tinatapon niya lang sa basura ang mga letters, sayang ang effort kaya mas mabuti na manahimik na lang muna.
"Anong gusto mo? May mga kasunod pa? Maawa ka nga sa sarili mo, hindi ka deserve ng Dwight na 'yon 'no, kaya ibigay mo na iyang sulat tapos go away na." si Whiskey na parang naiinis na sa akin.
Sino ba naman ang hindi maiinis sa akin eh pinagpapantasyahan ko ang lalaki na kahit kailan ay hindi naman ako mamahalin at pahahalagahan. Hindi man lamang niya ako matapunan ng tingin eh. Balingan ng pagmamahal pa kaya.
"Oo nga, para matapos na rin ang pagpapantasya." si Bianca.
Nag-pout ako sa harap nila.
"Oh, anong nginunguso nguso mo riyan? Hindi mo kami madadaan sa pa-cute mong 'yan, ang kailangan namin, tumigil ka na sa kahibangan mo kay Dwight." si Whiskey na patuloy pa rin sa pagkain.
Ano ba ang magagawa ko, ang hirap mag-move on, hindi naging kami pero crush ko siya eh, four years ko na siyang crush!
Titigil na nga ba talaga ako?
Please Lord give me a sign po, kapag nakita ko ngayong oras na ito si Dwight rito sa cafeteria, hindi ako titigil na pagpantasyahan siya. Pero kapag hindi ko siya makikita ngayon rito, titigil na ako.
"Let's have a deal!" confident na sabi ko sa kanila.
"Ano naman 'yon?" si Whiskey.
"What is it?" si Bianca, maka-english naman 'to wagas, kung sabagay mayaman nga naman kasi ang pamilya nila. Kaya required na mag-salita siya ng English.
"Kapag nakita natin ngayon rito sa cafeteria si Dwight, hindi ako titigil na pagpantasyahan siya. Tapos kapag hindi naman natin siya makita rito ngayon, titigil na ako."
Namilog ang mga mata nila.
"Anong kapalit kapag nanalo kami?" si Bianca, napaka demanding talaga.
"Oo nga, ano naman ang kapalit kapag nanalo ka?" si Whiskey na natigil sandali sa pagkain niya.
"Kapag nanalo kayo tutulungan ko kayo sa lahat ng task natin sa room. At kapag nanalo naman ako, tutulungan niyo ako para mahulog ang loob sa akin ni Dwight. G ba?" sure ba ako sa kondisyon ko? Wala bang mali sa sinabi ko?
"Sure ka?" si Bianca na na-e-excite pa.
"Hindi na magbabago isip mo?" tanong ni Whiskey bago sumimsim sa binili niyang pineapple juice.
"Sure na sure na ako!"
Lumawak naman ang ngiti ng dalawa. Sinisigurado talaga nila na sila ang mananalo ah, tignan lang natin.
Naghintay pa kami ng kaunting oras kaya mas lalo pang naging intense ang aming deal.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakikipag-deal sa kanila. And ang worst pa ay dahil sa isang lalaki.
"Baka hindi siya pupunta, simulan mo na 'tong answeran best." wika ni Whiskey habang inaabot sa akin ang kanyang notebook na sa tingin ko ay assignment namin na hindi pa niya nasasagutan.
"Tigil, hintayin na lang muna natin. Grabe ka kay Best." mabuti ka pa Bianca hindi mo ako inaagrabyado.
"Totoo, ang harsh sa akin ng isang 'to." sabay turo pa kay Whiskey na natatawa na.
"Sorry naman, hindi ko lang kasi ma process sa kaunting utak ko na nakikipag-deal ka sa amin dahil lang sa isang lalaki." seryosong sabi ni Whiskey.
"Oo nga, seryoso ka ba talaga sa kaniya? Paano kapag nasaktan ka lang kapag ikaw 'yong nanalo sa deal natin?" tanong ni Bianca habang tumutusok gamit ang tinidor sa Cake niya na halatang hindi na niya maubos ubos.
"Seryoso na ako guys, alam niyo ba, hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan 'di ba?"
Natahimik lang sila at binigyan ako ng look na 'Wala na kaming magagawa.'
Maya't maya pa ay biglang tumili ang mga babae na narito sa cafeteria.
Maliban sa mga kaibigan ko, well hindi naman talaga sila kabilang sa funs club ni Dwight. Ewan kung bakit hate na hate nila si Dwight. Wala namang ginagawa iyong tao sa kanila.
"Oh, sabi na eh, makikita natin siya rito," na-e-excite na sabi ko sa kanila.
"Oh siya, ibigay mo na 'yong sulat!"
si Whiskey na umiirap irap pa.
"True, tutulungan ka na namin girl," si Bianca naman na parang nalugi sa negosyo.
"Ano bang mga mukha 'yan? Hindi ba kayo masaya para sa Best niyo?" tanong ko sa kanila ng mapansin ang kanilang mga hitsura.
"Hindi ka pa nanalo, hindi mo pa nabibigay ang sulat, goodluck na lang kung tatanggapin niya 'yan," si Whiskey na parang nagbabanta.
Tumayo naman ako kaya nahagip ng paningin ko kung sino iyong nasa likod niya.
"Oh ghad, sino iyong nasa likod niya?" tanong ni Whiskey.
"True ang g'wapo!" si Bianca.
Natahimik ako saglit at napagtanto na ang lalaking nasa likod ni Dwight ay si, "Xander?!" medyo napalakas pa yata ang pagtawag ko sa pangalan ni Xander kaya pati si Dwight ay napa-tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
