Chapter 54

9 5 18
                                    

Sobrang sama nang pakiramdam ko. As in... ewan ko ba kung bakit, galing kasi kaming picnic tapos pag-uwi ko sobrang lungkot ko na, siguro mood swings pero parang iba eh, hindi ko lang maipaliwanag.

By the way Enjoy reading, pasensya na kung pangit ang update na ito.

Love you'll<3

______________________________________

Chapter 54: The hug

Pearl's Pov

Pinauna ko nang pinauwi iyong dalawa. Ayaw pa sana nila akong iwan mag-isa pero pinilit ko silang umuwi na. Ikinuwento ko na nga rin pala sa kanila kung paano ko nahanap ang sagot sa tanong na sinimulan naming hanapin for the past few days. Pati ang tungkol kay Mina, kinuwento ko na rin sa kanila.

Dahil nga sa nagpa-iwan ako rito sa room, mag-isa na lang akong narito. Medyo hapon na rin, kaya kakaunti na lang ang mga estudyanteng naiwan sa bawat rooms. Kailangan ko munang mapag-isa dahil gusto kong maka-hinga.

Rinig kong may pumihit nang doorknob kaya napa-lingon ako sa may pintuan.

Hayts, ano na naman kayang ginagawa nang lalaking ito rito. Balak na naman yatang guluhin ang tahimik kong mundo.

Tumayo ako nang maramdaman na naka-lapit na siya sa akin.

"Ano? Bakit na naman President Cheon?" ako na ang nag-first move dahil gusto ko nang maka-alis rito. Wala akong balak na manatili rito nang kasama siya.

Mabuti na nga lang kanina at dumating si Prof kaya hindi namin nasabi sa kaniya kung ano ang talagang nangyayari.

"We need to talk!" aniya tsaka hinawakan ang palapulsuhan ko.

Hindi ko man lang napag-handaan ang pag-hawak niya roon.

Napatingin ako sa kamay niya na naka-hawak sa aking kamay. Tinanggal ko ang kamay niya kaya nabitiwan rin niya sa wakas ang kamay ko.

"Tungkol saan?" tanong ko habang naka-cross arm.

Hindi ako interesado sa kung ano man ang sasabihin niya, pero may parte sa akin na gusto kong pakinggan ang sasabihin niya.

"Tungkol sa kanina..." saad niya. Naka-tingin lang siya nang diretso sa akin.

"Ah, sesermonan mo ako dahil inaway ko ang ex mo, ah sorry... girlfriend mo pala. Syempre, ipagtatanggol mo siya dahil nga girlfriend mo siya 'di ba?! Alangan naman kasi na ako ang ipag-tanggol mo, eh sino lang naman ba ako, isa lang namang hamak na SSG secretary na hindi ko pa maintindihan kung bakit ako napasok sa pwesto na iyon!" seryoso kong saad sa kaniya.

"Hindi ko siya ipinagtatanggol!" seryosong saad niya with a cold voice.

I smirked. "Stop the act, i saw your picture with her ang saya niyo kaya roon. Ipinagtatanggol mo siya dahil girlfriend mo siya. As simple as that!" ani ko tsaka tinalikuran siya.

Humakbang ako nang dalawang beses. Pero natigilan ako sa pangatlong beses dahil hinablot niya ang baywang ko tsaka ako niyakap nang mahigpit na mahigpit.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon