Chapter 61

12 5 7
                                        

Chapter 61: The strawberry juice

Pearl's Pov

First day namin ito na mag-aayos para sa gaganaping Intrams. Syempre, kaming mga SSG officers ang punong abala.

"Guys? Nabalitaan niyo na ba?" si Whiskey.

Basta talaga ang baklang iyan hindi nauubusan ng chismis.

"Ang alin?" gatong naman ni Kier.

Pareho silang dalawa. Mahilig sa chismis, sila yata ang bagay sa isa't isa eh!

Malakas ang radar sa chismis...

"Pinaalis daw ni PDC sila bitches rito sa school. And nag-sign naman daw agad si Madame principal para ma-kick out na sila Bitches. Ano kayang rason 'no?!" pag-ke-kwento ni Whiskey.

"Oo alam ko na pala iyan, dahil daw may binully na naman sila and nag-sawa na rin daw si Principal sa lahat ng kalokohang ginawa nila rito sa school." ani naman ni Kier.

Talagang hindi na natuto ang mga bitches na iyon eh 'no!

Talagang pareho sila ni Whiskey, laging updated.

Ako iyong SSG secretary pero ako pa iyong nahuhuli sa balita.

"Eh deserve naman pala nila. Tsaka ang rami na kayang kabalastugan na ginawa nang mga iyan. Lalong lalo na kay Pearl." imik naman ni Bianca.

"Eh iyong pinsan ko, hindi pa ba napapa-alis rito?" tanong naman nang katabi ko. Si Xander...

"A-ano? Gusto mong mapa-alis ang pinsan mo rito?" tanong ni Kier.

"Hindi naman sa ganoon, ang gulo kasi eh, ginugulo lang si Pearl." dagdag niya pa.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. My ghad, ako na naman pinag-uusapan ng mga ito.

"Si Pearl na tahimik na naman!" si Whiskey na inaasar na naman ako, kaya tinignan ko siya ng masama.

"May iniisip lang..." palusot ko.

Ayokong makisali sa usapan nila. Masisira lang araw ko kapag nakisali ako sa usapan nila na mga taong walang kwenta naman ang laman.

"Sino iniisip mo? Ako 'no?!" imik nang Xander na sinusundot sundot pa ang baywang ko.

Ang kukulit talaga ng mga ito kapag nagkakasama sama.

"Hindi 'no, tsaka wala pa ba kayong klase?" pag-iiba ko ng topic.

"Oo nga pala, buti pinaalala mo. Ang rami ko pa nga palang hahabulin na lessons. Bye, balik ako mamaya!" paalam ni Xander.

"Kami rin pala, tara Whiskey, alis na tayo!" hinila naman ni Bianca si Whiskey kaya kaming dalawa na lang ni Kier ang naiwan.

Habol naman ang tingin namin sa dalawa. "Gusto mo si Bianca?" bahagya kong tanong kay Kier na titig na titig sa kaibigan ko.

"No... ikaw ang gusto ko!" gulat akong napa-tingin sa kaniya.

Hinampas ko ang kaniyang balikat. "'Yong seryoso kasi. Gusto mo ba siya?" paguulit ko sa tanong ko kanina.

"Joke lang. Alangan namang makikisali pa ako eh pinag-aagawan ka na nga nila." paglilinaw niya. Pero hindi pa rin niya sinasagot iyong main question ko.

"Seryoso kasi Kier, gusto mo nga siya?!" nag-uumpisa na akong mainis.

"Yep, i admit it! She's the girl na nakapag-pabilis ng tibok ng puso ko." happy ako para sa kanila kung sakaling sila ang endgame.

"First girlfriend?" pag-uusisa ko.

"Yes, siya lang!" halatang kinikilig ang loko kasi hindi siya maka-tingin ng diretso sa akin.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon