Chapter 26

11 4 4
                                    

Votes, comments and love it is a higly recommended<3



Chapter 26: First Day

Pearl's Pov

Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin talaga ma-process sa aking isipan na isa na akong ganap na SSG secretary. I mean, posisyon na kahit kailan ay hindi ko naman pinangarap.

"Ready ka na?" Biglaang tanong sa akin ni Whiskey.

Heto nga pala kami't nakaupo sa may mga bench rito sa gym.

I shrugged my shoulder kasi hindi ko talaga alam kung ready na ba ako. I am not ready pero susubukan kong maging ready for Pete's sake!

"Eh kung hindi mo pala alam, mabuti pa na huwag ka na lang kaya na tumuloy," Suhestiyon naman ni Bianca.

Imbes na palakasin ang loob ko'y mas lalo pang nakaka-panghina ng loob ang kaniyang suhestiyon.

Nakakuha tuloy siya ng mahinang batok mula kay Whiskey.
"Ano ka ba," Panimula niya habang naka-tingin kay Bianca. Ang isa nama'y naka-simangot habang nakapangalumbaba. Matatawa ka talaga sa kanilang mga hitsura. Bakit ko nga ba ulit naging kaibigan ang dalawang 'to? Pwedeng paki-intindi nga ng maayos sa akin?!

"Mas i-pursue natin ang kaibigan nating 'yan, malay mo, hindi na tayo mailista sa pag-di-ditch ng class because of him. Hmm?!" Oo, ang galing! So iyon pala ang purpose no'n.

"Wow, ang galing naman, kailangan ko na bang mag-pa-party dahil sa sinabi mong iyan Whiskey? Huwag nating gamitin sa masama ang posisyong ibinigay nila sa akin." Sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Iyan kasi, kung ano ano ang mga sinasabi hindi naman nakakatulong..." Binelatan pa ni Bianca si Whiskey.

"Ewan ko sayo!" Matapang na sabi naman nang isa.

Pinag-aawayan daw ba iyon, pareho kaya sila na hindi nakaka-tulong ang mga suhestiyon.

"Miss, Samonte?" May tumawag sa pangalan ko kaya napa-lingon ako mula sa aking likuran.

"Hmm, Jane? Bakit?" Naka-smile pa ako habang sinasambit iyan.

"Miss, pinapatawag na po kayo ni President Cheon." Wika niya habang naka-ngiti.

Masayahin rin ang Jane na 'to. Mukhang magkaka-sundo yata talaga kami.

"Sige, papunta na, magpapa-alam lang ako sa mga kaibigan ko!"

She nodded. "Sige po, dumiretso na lang kayo sa office natin, may aasikasuhin pa po kasi ako sa principal's office kaya hindi ko na po kayo masasamahan!" Mahabang paliwanag niya.

"Okay lang Jane, sige salamat ah... ingat!"

"Sige po!" She said bago kami talikuran at nag-lakad paalis.

Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko. "Oh pa'no ba 'yan, kita na lang tayo mamaya ah, hintayin niyo na lang ako sa room!"

"Sige, see yah!" Si Bianca.

"Go lang, basta kapag inapi-api ka ni Dwight, sabihin mo lang sa amin para gamitin namin sa kaniya iyong book of love spell..." Natatawang sambit ni Whiskey.

Every time na si Dwight ang topic namin, lagi na lang nilang isinisingit iyong tungkol sa librong nabili namin noong nakaraan.

"As if namang totoo 'yon, kung totoo man, hindi ko iyon gagamitin kay Dwight 'no!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na sila.

Ayoko kasi na mas humaba pa ang usapin, minsa'y iniiwasan ko na mapag-usapan namin si Dwight.

Kumaway pa ako bago tuluyang nag-lakad palayo.

"Ano na naman kayang pag-uusapan sa SSG office?" Tanong ko sa aking sarili.

May pagkakataon pa na sinisipa ko ang mga bato na madaraanan ko.

"Kawawa naman iyang mga bato..." Boses nang isang lalaki. Hindi ko kilala ang kaniyang boses kaya, malamang hindi ko rin kakilala ang isang 'to.

"Sino ka?" Naka-poker face na tanong ko sa kaniya.

Nahahawa na rin yata ako sa istilo ni President Cheon na poker face.

"You must be the new secretary, am i right?" Tanong niyang muli.

Naka-tingala pa ako dahil medyo may katangkaran rin ang lalaking ito.
Siguro, classmate siya ni Dwight.

"Ah opo!" Wika ko sa kaniya tsaka ibinalik ang aking tingin sa tinatahak na direksyon.

"Huwag mo nga akong pino-po. Call me Kier, the SSG vice president!" Wika niya habang naka-ngiti. Namilog naman ang aking mga mata.

Nako, napag-hahalataan na hindi ko kilala ang mga SSG officers.

Wala naman rin kasi akong time na alamin ang mga iyon. Mas ginugusto ko pang magbasa na lang kaysa alamin ang tungkol sa mga bagay na iyan.

"Pasensya na VP Kier, hindi ko kasi alam hehe..." Napahiya ako mga 70 percent.

"Okay lang...tara sabay na tayong pumunta sa office natin..." Mukhang mabait rin ang isang 'to.

I slowly nodded na lang. Wala rin naman kasi akong masabi. Napahiya ako kaya umurong ang dila ko.

"Let's go na sa loob," Sambit niya habang naka-ngiti.

Pala-ngiti rin ang isang 'to ah, kabaligtaran ng SSG president.

"Sige..." Ngumiti naman ako sa kaniya.

Siyempre, kapag nginitian ka ng isang tao, ngitian mo rin para hindi siya mapahiya sa ginawa niyang pag-ngiti sayo.

"You two! Late kayo ng five minutes. Ganoon ba kasarap kausap si Kier para matagalan kayo?" Kung hindi mo iintindihin ang sinabi niya, aakalain mo na hindi kami ang tinutukoy niya. Paano ba naman kasi'y nasa iba naman ang atensyon niya. Sino ba ang mag-aakala na kami ang kausap niya.

"Sorry PDC!" Wika ko, dahilan para mapa-tingin silang lahat sa akin.

May mali na naman ba sa sinabi ko? Bakit na naman ba?!

"W-what?" Tanong iyan nang bipolar na si President Cheon.

"PDC...short for President Dwight Cheon!" Pagpapaliwanag ko sa kanila kaya bumalik sa kanilang ginagawa ang kanilang atensyon.

"What ever, sila nga pala ang mga SSG officers. Some of them ay nakilala mo na, specially Kier, the SSG vice president!" Kanina pa 'to ah, ano na naman ba ang problema niya?

Lumapit nang bahagya si Kier sa akin.
"Don't mind him, nag-seselos lang 'yan!" What? Nagseselos? Imposible!

Hindi ko naman sinagot si Kier kasi lumayo rin naman siya ng bahagya sa akin.

"Hi sa inyo, Pearl nga pala!" Masaya ko namang bati sa kaniya.

"Hello Miss Pearl!" Si Jane na naka-ngiti at kumakaway kaway pa sa akin.

Lahat naman sila ay ngumiti sa akin at kumaway.

Iyong isa lang talaga ang walang konsensya na hindi man lang magawang ngumiti sa akin.

Tsss, ma-inlove ka lang talaga sa akin. Ngingiti ka segu-segundo, minu-minuto at oras oras!

Humanda ka PDC!

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon