Chapter 51

15 5 2
                                    

Enjoy reading mga mahal kong taga-suporta!

Mahal ko kayong lahat<3

______________________________________

Chapter 51: Information

Pearl's Pov

Ang aga ko pa na nagising. Gusto ko na talaga kasing mag-imbestiga tungkol sa nangyari sa akin noon. This is the day na uumpisahan ko ang pag-manman kay Jaynie.

Gusto kong malaman kung siya nga ba ang pasimuno sa nangyari noon, ang dahilan kung bakit nakalimutan ko ang ilang mga bagay na nangyari sa nakaraan.

Malapit na ako sa gate nang may tumawag sa pangalan ko. Pag-lingon ko nama'y si Rona lang pala.

Nginitian ko siya nang akmang maka-lapit na siya sa akin. "Rona? Kumusta ka na?" tanong ko habang naka-ngiti nang malapad.

Sumabay siya sa aking paglalakad. "Okay lang po Ate Pearl, nabalitaan ko nga po pala kila Ate Bianca na may nangyari daw po sa inyo noon? Dahilan kung bakit na-trauma kayo at nakalimutan ninyo na naging kaklase niyo noon si Jaynie." alam na pala ni Rona, pero ayos na rin, hindi na rin naman iba sa amin ang batang ito.

"Alam mo na pala. Oo, tama ka, pero ang hindi ko lang alam ay kung sino ang mga taong involve roon kasi limot ko ang kanilang mga mukha." saad ko habang diretso lang ang lakad.

"Pero may lead na daw po kayo, si Jaynie po ba?!" kung hindi ko lang kaibigan itong si Rona, hindi ko talaga sasagutin ang mga tanong niya.

"Oo siya nga, pero gaya nga nang sabi nang batas, she's innocent until proven guilty. Wala pa akong ebidensya kaya wala pa akong karapatan na pag-bintangan siya." ani ko.

She nodded. "Hahayaan niyo po ba ako na tumulong sa inyo? Sa paghahanap ng ebidensya?" tumingin ako sa kaniya, tsaka ako umiling.

"No, buntis ka and baka kung ano pa ang mangyari sayo at sa magiging anak mo, ayokong mapa-hamak ka Rona, ipaubaya mo na sa amin ang bagay na ito." bahagya muna akong tumigil sa paglalakad upang hawakan ang kamay niya at bahagyang pisilin iyon.

"Pero... gusto ko lang pong maka-tulong, ang rami niyo na pong nagawa para sa akin, kaya sana naman po, sa bagay na ito, pag-bigyan niyo ako na maka-tulong sa inyo!" nagmamaka-awa ang tono nang kaniyang pananalita.

I let out a heavy sigh. "Ang tigas nang ulo, sige na nga, basta mag-iingat ka huh, dahil kapag may nangyaring masama sa inyo nang baby mo, hindi ko mapapa-tawad ang sarili ko." ngumiti siya ng bahagya nang marinig ang mga katagang iyon mula sa akin.

"Opo, promise, mag-iingat po ako!" tinaas pa niya ang kaniyang dalawang kamay na parang nangangako.

Nginitian ko na lang siya tsaka hinaplos ang kaniyang buhok mula sa kaniyang likuran.

Nang maihatid ko na si Rona sa classroom niya'y nag-tungo naman ako sa teachers office.

Hinatid ko na siya dahil gusto kong matiyak na okay siyang makarating sa room niya. At sigurado kasi ako na may pagkakataon na binu-bully siya nang mga kaklase niya dahil nga sa kalagayan niya.

"Ma'am, good morning po!" bati ko sa teacher ko noong grade 7 pa lang ako.

"Samonte? Is that you?" medyo may katandaan na rin kasi ang teacher naming ito kaya hindi na niya siguro ako makikilala kung hindi ko siya lalapitan nang mabuti.

"Opo Ma'am, pwede po ba kitang maka-usap?" hindi na ako magpapa-ligoy ligoy.

"Maupo ka muna... tungkol saan nga pala ang gusto mong pag-usapan?" umupo muna ako bago sagutin ang tanong niya.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon