Chapter 14: Red egg
Pearl's Pov
"Oh, ba't naman ganiyan ang hitsura mo? May death ret ka ba?" Si Whiskey na halata mo sa mukha ang pag-aalala. Baliw talaga eh 'no.
"Wala naman, kailangan ko kasing pumunta ng grocery store. May mga pinapabili si Mommy." Wika ko habang naka-hawak ng mahigpit sa aking phone.
Hindi ako sanay na mag-grocery kaya kinakabahan ako na baka may magawa ako na hindi ko rapat gawin. Baka mamaya maka-basag ako ng mga babasagin. Si Mommy kasi ang madalas na gumawa no'n. Tsaka busy rin kasi siya kaya mapipilitan talaga ako na gawin ang pinapagawa niya.
"Ahy, sasama ako sayo. Sakto wala na rin akong supply ng mga snacks!" Si Whiskey na nae-excite pa. Ngayon, naniniwala na ako na isa siya sa team PG. Patay gutom ika nga ni Bianca.
"Ako rin, sasama!" Si Bianca naman.
"At bakit ka pa sasama?" Naka-taas kilay na tanong sa kaniya ni Whiskey.
Hindi pa rin talaga sila nagkaka-sundo. Kanina pa asaran nang asaran tapos nag-babatukan pa.
"May bibilhin rin ako, ba't masama ba?" Maangas na tanong naman ng isa.
"Hay, tama na nga 'yan. Magbibihis lang muna ako balik rin ako maya maya." Paalam ko sa kanila bago ko sila talikuran ng tuluyan.
Nag-suot lang ako ng itim na pants at puting t-shirt, tapos tinernuhan ko na rin ng itim na rubber shoe. Grocery store lang naman kasi ang pupuntahan namin.
"We're here!" Masayang wika ni Whiskey.
"Nako, excited ka lang na makakain na naman ng marami eh, PG nga naman!" Seryoso ba si Bianca na hanggang dito'y aasarin niya pa rin si Whiskey.
Hindi ba siya naaawa sa kaibigan namin?! "Hay, ewan ko sa inyo!" Kako sa kanila bago pumasok ng grocery store.
Nag-simula na akong mamili. Walang binigay na listahan si Mommy kaya bibilhin ko na lang ang mga items na wala kami sa bahay.
Actually, nawala na rin ang kaba ko dahil sa dalawang 'yon. "Nasaan na ba sila?" Tanong ko sa aking sarili habang pumipili ng Apple.
Kumuha lang ako ng dalawang plastic tsaka nilagay iyon sa cart na tinutulak tulak ko pa.
"Huy, iniwan mo kami, roon na muna kami, kuha lang kami ng mga snacks!" Paalam ni Whiskey habang kinalalikot ko ang mga frozen goods. Tumango lang ako sa kaniya tsaka umalis ang bakla.
Hindi problema ang pera kasi binigyan ako ni Mom kagabi ng budget ko para sa school. Sa tantsa ko nga'y sobra 'yon kaya iyon na lang muna ang gagamitin ko sa pag-go-grocery.
Kumuha lang ako ng hotdog, tocino, at steak. Nakita ko naman ang French fries na nag-iisa na lang kaya biglaan kong naalala ang usapan namin ni Xander, na bibigyan ko siya't ililibre ng french fries kasi iyon ang paborito niya.
Napa-ngiti ako habang dinadampot iyon at kasalukuyang inilalagay sa may cart.
Kumuha na rin ako ng mga noodles at mga de-lata. Lahat na yata ng pagkain sa kusina'y nabili ko na. Pati na rin ang mga Shampoo's, sabon, at iba pang gamit sa banyo.
Nag-isip muna ako saglit tsaka nilibot ang aking paningin. Maraming tao kasi medyo tanghali na rin kaya no choice kami kung 'di ang kumain rito sa labas.
"Oo nga pala, paano ko ba nakalimutan ang paborito kong red egg?" Nag-ningning pa ang aking mga mata nang makita ang mga itlog na pula. Paborito ko rin ang red egg. Siya ang ginagawa kong side dish sa tuwing wala akong ibang maulam.
Akmang dadamputin ko na ang isang trey kaso may kamay rin na naka-hawak rito. Marami namang mga trey ng itlog na pula rito ah. Makikipag-agawan pa ba siya?
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.