Chapter 24

9 4 0
                                        

Chapter 24: Congrats

Pearl's Pov

"Congrats Miss Pearl!" Nginitian ko lang ang babae na nag-congrats sa akin.

Kanina pa ang mga iyan. Hindi tumitigil sa kaka-congrats.

"Ayon oh, famous na siya!" Panunukso naman ni Bianca kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ayoko na sinasabihan ako ng famous!

"Baka mamaya hindi mo na kami kilala ah, baka mamaya maging busy ka na!" Si Whiskey naman habang naka-pout pa.

Humalakhak naman ako kasi, everytime na ngumunguso siya, natatawa ako. Para kasi siyang bibe.

"Oh, bakit ka na naman tumatawa riyan?" Tanong ni Malambot sa akin habang naka-taas pa ang kaniyang dalawang kilay.

"Haha, para ka kasing bibe...Pout nang pout!" Maging si Bianca ay napuna rin pala iyon.

"Oo nga..." Hindi ko na talaga mapigilan ang aking pagtawa.

"Ehem!" Tikhim nang isang pamilyar na boses.

Natigil naman kami dahil sa pag-tikhim niyang iyon.

"President Cheon. Bakit po?" Hinarap ko siya ng bahagya tsaka tinanong ang bagay na iyan.

"Secretary Samonte, congrats!" Naka-ngiting sabi niya bago umalis.

Umalis kaagad? Hay, kahit kailan talaga'y magulo ang kulot na iyon. Akala mo hindi nag-send ng friend request sa akin kagabi huh. Iba rin!

"Ahy oh! Nag-sabi lang ng congrats, umalis kaagad?" Si Whiskey na halatang nang-aasar na naman.

"Haha, secretary Samonte? Bagay bagay!" Sabi naman nang isa kaya nakakuha na naman sila nang masamang tingin mula sa akin.

"Stop teasing me!" Wika ko sa kanila kaso pinag-tawanan lang nila ako.

Hay, kalog talaga.

"It's nice to see you again, Samonte!" Wika nang isang babae na gumambala sa aking tahimik na pagbabasa.

"Hey, sino kayo?" Tanong ni Whiskey sa kanila.

"Guest what, kami lang naman ang mga bully rito sa school." Wow huh, proud pa talaga sila roon.

"Oh, kung hindi ako nagkakamali, kayo iyong nam-bully kay Pearl. Right?" Sarcastic na sabi sa kanila ni Bianca.

"It's nice to see you again rin!" Sambit ko naman sa kanila.

Napa-kunot ang noo nila sa sinabi ko.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mong pagpapa-balik sa amin rito sa school." Mataray na sabi ni Bitch 1.

"Yes, ngayon lang namin nalaman na tanga pala ang new secretary!" Sarcastic na sabi ni Bitch 2.

"Well, tanga na kung tanga. At least maganda!" Wika ko naman na nagpa-taas ng kanilang mga kilay.

Maging ako'y nagulat rin sa sinabi ko. Ngayon ko lang pinuri ang sarili ko sa tanang buhay ko. Promise!

"Bitch ka talaga!" Naiinis na sambit ni Bitch 2.

"Hey guys, may problema ba rito?" Tanong ni Xander na palapit na pala sa amin.

Wah, na miss ko ang isang 'to.

"Wala naman, may mga naligaw lang na bitches!" Wika ko kay Xander.

"Oh, eh kung naligaw naman pala, baka gusto nilang sipain ko sila para bumalik sila sa kanilang pinanggalingan." Napapa-ngising sabi ni Xander sa kanila.

Iba rin pala ang comforter kong 'to. Marunong rin palang makipag-laban, and take note, sa babae pa, haha!

"Hindi pa tayo tapos Bitch!" Sambit ni Bitch 1.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon