Chapter 37

12 3 33
                                        

Last na po ang POV ni Dwight ah...hintay lang po tayo hanggang last. Hindi ko alam kung ilang chap's ang masusulat ko rito sa FLS pero sure po ako na hindi 'to aabot hanggang sa katapusan ng April. May i remind you na hindi po kasi ako nag-a-outline, kung ano na lang po iyong naiisip ko na scene, iyon na po ang sinusulat ko. Hindi talaga ako mahilig sa outlining, mas prefer ko ang go with the flow na pagsusulat. Kaya message me po sa mga social media accounts ko kung may mga mga concerns kayo! (Reply back agad ako, promise!)
SALAMUCH, MWAH<3

_________________________________

Chapter 37: Meet my Mom Dwight and Meet Dwight Mom.

Pearl's Pov

Nakarating kami sa bahay nang walang nagiging problema. Nasa gate na kami ngayon at bitbit ang binili ni Dwight na coffeecake para kay Mommy. Pasalubong na rin daw niya para hindi daw magalit si Mom. At isa pa'y, palit na daw no'ng inubos niya na cheesecake ko.  Sipsip rin eh 'no, may weird talaga na nangyayari sa lalaking ito ngayon.

Binuksan ko na ang gate, narito ngayon si Mom kasi wala siyang pasok sa opisina. May out of town yata ang boss nila kaya hindi sila pinapasok. Something like that, hindi naman kasi ako marites kaya hindi ko alam ang exact details.

Slight lang, hehe!

"Ikaw na lang ang pumasok, hindi na ako papasok, ikaw na rin ang mag-bigay sa kaniya niyang binili natin na coffeecake!" saad niya.

I raised a brow to him. "At bakit? Natatakot ka sa Mommy ko? No, tulungan mo akong mag-explain! Tsaka ipapakilala kita sa kaniya as a friend of mine." maktol ko sa kaniya.

Subukan niyang umangal, ipapalapa ko siya kay Whiskey.

Haha, nice idea of mine. Pero char lang, nag-jo-joke lang ako, kailan pa naging aso ang kaibigan kong 'yon? Baka sabihin pa ng iba, inaalipusta ko ang supportive na si Whiskey.

"Oo na, ang daldal!" Ngayo'y siya na ang unang naglakad sa akin papasok, napa-irap na lang ako sa hangin.

Nasa entrance door pa lang ako nang sumigaw ako nang "Mom? Mom? Where here na po!" sigaw ko.

Binuksan ko ang pintuan at inambahan ng yakap si Mom na palapit na sa amin.

"Ohh, i miss my anak! Kumain ka na?" sandali kaming nag-hiwalay sa pagkaka-yakap.

"Mom, may kasama po ako, 'di po ba may na-kwento po ako sayo rati na naging secretary po ako ng SSG sa school natin? Siya po ang SSG president namin." saad ko kay Mom habang naka-kapit sa kaniyang kanang braso.

Na-kwento ko na nga rin pala kay Mom na naging SSG secretary ako, and guest what, parang may pista noong nakaraan kasi nag-luto si Mom ng pagka-rami rami, pero syempre, dahil nga sa dadalawa lang kami sa bahay, in-invite ko na rin ang dalawa kong kaibigan. Tuwang tuwa naman ang dalawang iyon kasi PG nga silang tunay.

"Mr?" na kay Dwight ang tingin ni Mom.

"Dwight Cheon Madame!" saad ni Dwight at kasabay no'n ay ang kaniyang pag-yuko.

Pinagmasdan naman ni Mom si Dwight na parang sinusuri niya ito. "Cheon?" pag-uulit ni Mom sa last name ni Dwight.

"Yes Madame!" si Dwight na parang na cu-curious na.

"Oh, siguro nga, famous lang ang last name ninyo hijo...kaya parang narinig ko na iyan somewhere..." nginitian naman ni Mom si Dwight. "...come on, let's eat!" pag-aaya sa amin ni Mom.

"Mom, kumain na po kami eh, juice na lang po." ani ko.

"Yes Madame, kumain na kami sa bahay, juice na lang rin po ang akin." ani Dwight.

Bakit ganito siya ngayon? Parang iba ang atmosphere noong nakilala ni Mom si Xander, bakit wala akong exciting feeling na nararamdaman ngayon na nakilala na ni Mom si Dwight? Is there something wrong?

Narito na kami ngayon sa dining table. "So, sa inyo ba natulog ang anak ko?" direktang tanong ni Mom kay Dwight.

"Opo Madame, you don't have to worry po, naka-tulog po ng maayos ang anak ninyo. May mga ginawa lang po kami na importante about school." paliwanag nito kay Mom.

"Call me Tita Hillary, huwag na Madame." naka-ngiting saad ni Mom kay Dwight.

"Okay po Tita!" ani naman ni Dwight bago sumimsim sa kaniyang juice.

Tumango naman si Mom habang ako'y tahimik lamang na kumakain ng coffeecake na binili ni Dwight.

"By the way, thank you sa cake." saad ni Mom. "Una pa lang, alam ko na kaagad na nagsisinungaling ang anak ko," napa-tingin ako sa sinabi ni Mom. "Kagabi lang siya nagpa-alam na gagawa ng group project ng ganoong oras kaya alam ko na hindi totoo ang sinasabi niya. Nag-agree ako na roon muna siya kung saan man siya nananatili kasi alam ko na gabi na, at hindi na pwedeng bumyahe pa para ihatid ang anak ko. Kaya thank you for taking care of my daughter, pero sana," nag-seryoso ang mukha ni Mom. "Sabihin niyo na ang totoo next time para mas maging panatag ako. Okay ba?" naka-hinga naman ako ng maluwag nang marinig ko iyon kay Mom.

"Mom? Sorry, ayoko lang po kasi na mag-alala kayo sa akin kaya hindi ko na po sinabi ang totoo." Hinawakan ko ang kamay ni Mom at naramdaman ang biglaang pag-pisil niya sa aking kamay.

"Okay lang!" naging panatag ang loob ko nang ngitian ako ng aking ina.

"Sorry Tita kung kinontyaba ako ng anak ninyo." naka-ngising wika ni Dwight.

"Haha, it's okay hijo! Magka-vibes lang sila ni Xander 'no, parang hindi na yata dumadalaw ang batang iyon rito Pearl..." naalala pa talaga ni Mom si Xander ngayon na narito si Dwight.

And ano? Magka-vibes daw sila? Nako, ibang iba kaya si Xander kay Dwight 'no, si Xander kasi, hindi masungit sa akin.

"Ah, Mom, baka busy lang po sa kanila." ani ko.

"Nakilala niyo na rin po si Xander Tita?" tanong ni Dwight kay Mom.

"Yes, mas una ko siyang nakilala kaysa sayo, kaibigan kasi siya ni Pearl. Kilala mo rin siya? What a small world!" saad ni Mom habang naka-giti.

Pinatong ni Dwight ang kaniyang dalawang siko sa lamesa. "Actually, he's my friend po Tita, our good friend po, 'di ba Pearl?" ani Dwight.

I nodded, "Opo Mom!"

Magkaibigan daw eh minsan ko nga lang sila makitang magka-sundo. Mukhang hindi naman sila close masyado, pero baka iyon ang way nila to express their friendship.

"Nangangamoy love triangle!" naka-ngising wika ni Mom kaya nag-maktol agad ako.

"Mom, don't tease us!" naka-simangot kong tugon.

"Hey, wala naman akong sinabing pangalan ah. Ang tinutukoy ko is 'yong teleseryeng pinapanood ko!" aniya bago humalakhak.

Nakikitawa na lang rin si Dwight kahit na hindi maintindihan ang source of kasiyahan ng Mommy kong masyadong masaya. May pa-love triangle love triangle pang nalalaman, siguro may na-kwento na naman iyong dalawa kay Mom, tsismosa pa naman silang tatlo kapag nag-sama sama. Dinaig pa ako, bilang barkada niyong dalawa.

Humanda talaga sa akin ang Whiskey na 'yon at si Bianca.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon