Chapter 46

10 5 10
                                    

Enjoy reading!!!

Lab you'll <3

______________________________________

Chapter 46: Date with Xander

Pearl's Pov

Naramdaman ko na parang may umupo sa tabi ko kaya tumingala ako para makita ko kung sino iyon.

"Xander?" si Xander lang pala, ano na naman kaya ang eksena nito?!

He sighed heavily. "Huwag mo na kasi silang tignan..." he cupped my chin.

"...masasaktan ka lang sa ginagawa mong iyan eh." dagdag niya pa.

Ngayo'y naka-tingin na ako ng diretso sa kaniya. "Bakit hindi mo sa akin sinabi?" gusto ko lang malaman kung bakit itinago niya sa akin na pinsan niya pala si Jaynie.

Pero kung sabagay, never ko pa nga palang nabanggit sa kaniya si Jaynie. Pero bakit may mas alam pa si Kier kaysa sa kaniya? Gulong gulo na nga talaga ako, need ko na nga talaga ng explanation niya.

"Need ko munang mag-refresh, tara, kain muna tayo sa labas." binitawan na niya ang aking chin.

Ngayo'y naka-tayo na siya sa harapan ko. "Mag-paliwanag ka muna sa akin!" Hindi naman ako galit o ano, pero kailangan ko lang talagang malinawagan tungkol sa nangyayari.

Hindi ako galit kay Xander, hindi talaga!

"Promise, magpapa-liwanag ako, kain muna kasi tayo!" aniya habang naka-ngiti.

Dahan dahan na rin akong tumayo at ngumiti sa kaniya. Ngiti na nagsasabing hindi ako galit sa kaniya.

Ngayo'y naka-pwesto na kami sa isa sa mga table rito sa restaurant. Actually, bago lang sa paningin ko ang restaurant na ito. Hindi ko pa talaga napupuntahan ang resto na ito.

"Sir, Ma'am, menu po!" iniabot sa amin ng waitress ang menu.

"Ano sayo?" tanong sa akin ni Xander.

"Shrimp pasta, sayo?" swertehan rin kasi may shrimp pasta sila rito.

Halata naman siguro na iyon ang paborito kong pagkain kapag kumakain ako sa mga resto.

"Kung ano sayo, iyon na rin ang akin." nag-winked pa siya.

"Ikaw talaga, magpapa-liwanag ka talaga sa akin mamaya." ani ko sa kaniya.

Pinipilit kong tumawa kahit na ayaw ng mood ko. Gusto kong mag-focus sa kaharap ko ngayon, pero hindi ko talaga mai-kalma ang aking nararamdaman. Malaki ang naging epekto sa akin ng mga nangyayari.

Baka bukas o sa-makalawa, magugulat na lang ako na wala na ako sa pwesto, like iyong sinabi sa akin ni Jaynie na hindi raw mag-tatagal ay siya na ulit.

"Iniisip mo na naman ba sila?" tanong niya bago sumimsim sa kaniyang juice.

Ayokong sumagot sa kaniya pero namalayan ko na lang ang aking sarili na tumango na sa kaniya.

"Don't think about them, focus ka na lang sa mas importanteng bagay." aniya.

"Wala ka ba talagang alam na naging mag-on sila rati?" i frequently asked on him.

Umiling siya, senyales na wala talaga siyang alam tungkol sa naging past relationship ng dalawa.

"Wala, kahit close kami ni Jaynie, wala siyang nabanggit sa akin na naging mag-on sila ni Dwight rati, kaya nga nagulat ako no'ng malaman ko na naging sila pala kasi wala naman silang nabanggit sa akin. Nalaman ko lang rin noong gabi na hinali---" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil pinutol ko iyon.

I smiled bitterly. "Noong gabi ng party mo? Noong gabi na hinalikan ni Jaynie si Dwight?! Alam ko nang lahat ng iyan, hindi mo na kailangan pang ipaalala kung ano ang nangyari nang gabing iyon!" ani ko bago uminom ng tubig.

"Sorry!" aniya bago yumuko na tila nahihiya nang mag-salita.

"Okay lang, kumain na lang tayo!" tumango lang siya kaya nakaramdam ako ng kakaibang awkwardness.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. "Huy, okay ka lang? Mag-salita ka naman, na-a-awakward ako sayo eh!" binasag ko ang katahimikan with a high energy. Natawa pa ako ng bahagya kasi naka-busangot siya ngayon.

"Okay na po ba talagang mag-salita? Baka mamaya, hindi mo na naman ako patapusin sa pagsasalita ko eh!" na-guilty ako ng slight.

"Okay na po, mag-salita ka na po, kalimutan na po natin iyong first topic natin kanina." natawa siya sa sinabi ko kaya naging komportable na ulit ako sa kaniya.

"Sige po, haha, nagiging magalang na tuloy tayo sa isa't isa." aniya.

"Nga pala, hindi ba nagalit ang parent's mo kasi hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanila noong party mo?" agad kasi akong hinatid ni Xander no'n sa bahay pagka-tapos kong mag-emo.

"Okay lang iyon, i explained everything with them!" aniya tsaka sumubo sa shrimp pasta.

"Masarap pala ito, ngayon ko lang nalaman." dagdag pa niya.

"Baka ngayon ka lang naka-tikim nito 'no!" biro ko sa kaniya.

"Tama, tsaka baka madalas ko na rin itong titikman, lalo na't ito pala ang favorite mo!" naka-dalawang order na siya ng shrimp pasta samantalang ako'y isa pa lang.

I chuckled. "Oo nga pala, hindi ako nakapag-paalam kila Whiskey, baka hanapin ako ng mga iyon!" ani ko.

Kinuha ko muna ang phone ko para i-text ang dalawang iyon. Natitiyak ko kasi na baka hinahanap na ako ng mga iyon.

"Take your time!" saad naman niya habang patuloy pa rin sa pagkain.

"Done!" sambit ko nang matapos na ako sa pag-te-text.

"Pwede ba tayong mag-picture? Remembrance kumbaga!" my lips parted.

"Sure!" tugon ko naman.

This is the first time na magkakaroon kami ng picture ni Xander kaya sinulit na namin. Kung ano ano na lang ang maisipan namin na pose basta maka-ipon lang kami ng mga pictures.

Lumapit rin ako ng bahagya sa kaniya para mas madali kaming kumuha ng picture.

Nang matapos na kami sa pag-pi-picture, ay nag-order naman kami ng ice cream for our dessert.

"Na-enjoy mo ba ang dinner date natin?" bahagya niyang tanong sa akin.

Hindi na ako amg-di-dinner pag-uwi kasi busog na ako.

Madilim na rin pala ang paligid, sure ako na naka-uwi na si Mom sa bahay.

Sinisimot ko naman ang ice cream mula sa kutsara ko. "Yes, and gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pag-labas natin, thank you Xander!" saad ko sa kaniya.

Real talk, nawaglit lahat ng lungkot ko dahil kay Xander. Siya talaga iyong tao na kahit malungkot ka'y napapa-ngiti ka pa rin niya dahil sa pagiging sweet person niya.

"Anything, mapa-ngiti lang kita solve na ako!" madalas, nagiging speechless ako sa mga banat ni Xander.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon