Follow niyo ako sa Instagram, willing2wait4you_wp
By the way, thank you sa patuloy na pagbabasa!
Love you'll♡
______________________________________
Chapter 45: Queen Bee
Pearl's Pov
"Banatan mo na 'yan!"
"Ikaw ang dahilan kung bakit nabagsak kami!"
Iyan ang paulit ulit na mga salitang tumatakbo sa aking isipan.
Kagabi ko pa iniisip ang tungkol kay Jaynie. Parang nakilala ko na talaga siya eh, hindi ko lang talaga matandaan. Kagabi ko pa pilit na inaalala pero wala talaga, wala akong napapala!
"Parang ang lalim yata ng iniisip natin ah." gulat akong napa-tingin kay Kier. Bigla biglaan rin naman kasing sumusulpot.
"Oh anong sa atin? Bakit?" walang ganang tanong ko sa kaniya.
Hindi tuloy ako naka-tulog ng maayos kagabi dahil sa pag-iisip kay Jaynie. Nagmumukha na nga akong panda kasi ang laki ng eye bugs ko eh.
Naupo siya sa katabi kong upuan. Nasa cafeteria kasi ako ngayon, rito ako dumiretso kasi wala pa namang klase. Masyado pang maaga!
"Iniisip mo ba 'yong nangyari kagabi?" tumingin siya sa kawalan.
Huminga muna ako ng malalim bago tumango.
"Oo! Kier? Pwede bang mag-tanong?" walang gana akong tumingin sa kaniya.
"Huwag mo ng isipin ang nangyari kagabi, wala namang kwenta eh," mahina siyang natawa. "Ano pala 'yong tanong mo?"
"Anong year na si Jaynie? Ka-batch niyo ba siya?" napadaan lang sa utak ko ang tanong na iyan.
May naaalala na naman kasi ako na parang may Jaynie yata akong naging classmate noong grade 7 ako.
Ewan, ang gulo rin ng isip ko...
"Halata ngang wala kang ka-paki paki sa mga nangyayari noon sa SSG officers. Ikaw lang yata ang hindi nakaka-alam niyan. Naging queen bee pa nga si Jaynie no'n eh, ewan ko ba kung bakit na-inlove si PDC ro'n sa babaeng 'yon! Hindi namin siya ka-batch oh ano, she's a grade 10 student from now." paliwanag niya.
"So, ka-batch ko siya?" hindi kaya siya iyong rating classmate ko na bully? Pero parang imposible naman yata 'yon, dahil kung siya nga, hindi ko rapat siya makakalimutan kasi mayroon siyang bahagi sa nakaraan ko. Nakaraan na naging sanhi kung bakit takot na takot akong balikan ang nangyari sa abandonadong silid na iyon.
"And there's a posibility na maging classmate mo siya!" aniya.
"Pwede...bakit kaya wala man lang akong ka-alam alam sa mga nangyayari noon? Ganoon na ba ako ka-busy sa pag-harap sa libro at sa pag-aaral kaya hindi ko man lang alam ang tungkol sa former secretary na ex ni PDC?" gulong gulo na talaga ang utak ko.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
