Chapter 72

7 6 10
                                    

Chapter 72: Last Date

Pearl's Pov

"Mom? I have something to tell you po!" pang-aagaw ko sa atensyon ni Mom na kasalukuyang nagsasandok ng kanin.

Kumakain kasi kami for dinner. Medyo hapon na rin no'ng ihatid ako ni Dwight rito sa bahay. Nag-enjoy talaga ako kanina sa orphanage...

And nalaman ko rin na hindi pala roon nakatira si Braggy, pumupunta lang raw siya roon para makipag-laro sa mga bata na naroon.

"Ano iyon 'nak tungkol na naman ba sa lovelife mo? Hmm?" aniya tsaka kumuha nang ulam.

Hindi na makapag-hintay at kumain na kasi favorite na naman niya ang inuulam namin ngayon. Tapos every time na nakakakita ako ng adobo, si Dwight parati ang naalala ko.

I let out a heavy sigh, "Opo, napag-desisyonan ko na po na aalisin ko na kay Dwight ang gayuma na napainom ko sa kaniya. Para makalaya na siya sa akin... At makapag-concentrate na siya sa babaeng mahal niya talaga!" mahirap pero rapat lang na gawin ang bagay na ito.

I'm selfless person and not a selfish one... Kailangan kong panindigan na maging selfless para sa kapakanan nang taong mahal ko, hindi ko siya pwedeng ikulong sa kulungan na hindi nararapat para sa kaniya. Hindi ko siya pwedeng sakalin kapag ayaw niyang magpa-sakal, therefore, hindi ko siya pwedeng pilitin na mahalin niya ako kung hindi talaga ako ang tinitibok ng kaniyang puso.

"Eh sure ka na ba riyan? Wala na bang bawian? Kailan ba?" sunod sunod na tanong niya.

"Bukas na po... Bukas na!" sagot ko naman.

"Okay, so then I'll support you, ang importante naging masaya ka sa piling niya. Kung ready ka na nga talagang mag-let go, i-let go mo na siya for pete's sake! Basta we are here to support you, kami nila Whiskey at Bianca." ani ni Mom kaya tumango na lang ako sa kaniya bilang tugon.

Sinimulan ko na rin na kumain...

Humiga ako sa mahabang couch na narito sa room ko, napagod ako dahil ako na ang umako sa paghuhugas nang mga pinagkainan namin. Then si Mom naman ay iniwan ko sa salas dahil manonood raw siya nang drama. Grabe nga eh kasi kapag tungkol sa mga kabit ang usapan sa TV nasasampal ni Mom ang hangin, grabe lang talaga ang epekto sa kaniya no'n kasi pinagpalit rin siya ni Dad sa ibang babae.

Bumuntong hininga ako at bahagya rin akong napatingin sa binigay ni Dwight sa akin na painting nang isang maliit na butterfly na in-display ko pa sa coffee table na narito.

"Bukas, i-le-let go na kita..." I said out of nowhere bago dumapa sa couch.

Hinaplos haplos ko pa iyon... Iyan ang una niyang binigay sa akin kaya mahalaga ang painting na iyan para sa akin.

Bigla namang tumunog ang phone ko na nasa paanan ko na pala kaya agad na tinignan ko iyon, baka kasi importante...

Facebook notification lang pala. Binuksan ko naman iyon at bumungad sa akin ang notification na nag-sad react si Xander sa profile picture ko. Which is iyong picture namin ni Dwight noong isang gabi na nag-celebrate kami nang pagka-panalo nang team nila sa basketball.

"Sorry Xander kung nasaktan kita sa hindi ko sinasadyang pagkakataon..." pagkausap ko sa aking sarili.

Hindi ko naman talaga sinasadya na saktan siya, hindi ko lang in-expect na gusto ako ni Xander, ayokong masira ang friendship na binuo namin dahil lang sa mahal niya ako. Pero unexpected na nasira na siya nang tuluyan. Hindi ko naman kasi pwedeng turuan ang puso ko na mahalin siya knowing na si Dwight lang talaga ang tintibok nang aking puso.

"Honey? Nasa loob ka ba? Pwede pumasok?" pinatay ko ang aking cellphone at pumunta sa pinto para pagbuksan si Dwight.

At ano naman kaya ang dahilan at narito siya?!

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon