Chapter 13: Weekend
Pearl's Pov
"Girl, may chika kami sayo..." Sigaw ni Whiskey.
Wala namang sinabi ang dalawang 'to na pupunta sila ngayon sa bahay. Ang gulo gulo kaya ng hitsura ko. Pero okay na rin 'to, wala naman kasi akong kasama rito sa bahay, wala si Mommy. Pumasok sa opisina.
"Oo nga, a big big news!" Si Bianca na feel at home na agad ang peg. Pa'no naka-salampak na agad sa mahabang couch eh!
"Hey, ano naman 'yon?" Kunot noo ko naman na tanong sa kanila. Hindi naman kasi nila agad sabihin kung ano 'yon para malaman ko na agad. Ayoko pa naman ng nagpapa-ligoy ligoy.
"Before that, ipag-handa mo muna kami ng meryenda." Wika ni Whiskey.
"Anong meryenda, ang aga pa lang naman ah. Hindi pa nga ako nag-aagahan eh." Maktol ko naman sa kanila habang inaayos ang mga libro na naka-patong rito sa may coffee table ng salas.
"Ewan ko ba diyan kay Whiskey. Hindi naman naghihirap ang pamilya nila tapos kung umasta parang PG." Si Bianca na as usual, inaayos na naman ang kaniyang mukha.
"Anong PG?" Natigilan ako sa ginagawa kong pag-aayos ng mga libro dahil sa sinabi ni Bianca.
"PG lang hindi pa alam. Slow mo rin eh 'no." Si Whiskey na tuwang tuwa pa.
"Eh ano ba naman kasi ang PG?" Tanong kong muli kay Bianca, as if naman kasing may makakalap akong matinong salita rito kay Whiskey. Pam-bakla lang ang alam niyan eh.
"Puro Ganda!" Confident na wika ni Whiskey habang pinipitik pitik pa ang kaniyang panglalaking hairstyle.
Napahalakhak naman si Bianca. Samantalang ako naman ay nakatunganga lang sa kanilang inaasta.
'Yong totoo, gaano na ba talaga ako ka-slow? Tell me! Gusto ko lang malaman!
"Hmp, pfftt, haha, tsnga! Pure ganda daw, anyare sayo? Haha, si Pearl pa ang tinawag mong slow eh pareho naman kayo! Haha..." Sige Bianca, tawa now, iyak later!
Akala ko pa naman ipagtatanggol ako, 'yon pala kapareho lang ni Whiskey, mga laitera.
"Ewww, ano ba kasi? Bianca naman eh, kinakabahan na ako sayo. Need na ba kitang dalhin sa mental hospital?" Si Whiskey na halata mo sa mukha ang pag-aalala. Mga baliw talaga 'tong dalawang 'to eh!
"Ikaw ang kailangan na dalhin roon, PG lang hindi pa alam! Haha.." Tuloy tuloy lang si Bianca sa kakatawa. Samantalang si Whiskey nama'y nakakunot lang ang noo habang naka-tingin sa babaita.
Napailing na lang ako sa kanilang mga hitsura. Tinapos ko lang ang pag-aayos ng mga libro sa may coffee table bago nag-lakad ng walang paalam papuntang kusina. Mag-luluto na lang muna ako ng agahan ko----namin!
Kups rin sila eh. Makikikain pa, mababawasan pa tuloy ang bigas namin ni Mom!
Sinilip ko muna sila sa may salas bago bumalik sa niluluto ko. Parang nanay lang ako na nagbabantay sa dalawang makukulit na anak. Nagtatawanan pa rin kasi sila hanggang ngayon!
Mapaos sana kayong dalawa! Ang saya niyo masyado!
"Ready na ang food Biancs!" Pagtawag ko kay Bianca na hanggang ngayon ay nasa salas pa rin.
Iniwan siya ni Whiskey.
"Nauna pa si Whiskey sayo!" Sabi ko habang naglalagay ng beef steak. My favorite!
"Hayaan mo nga, patay gutom talaga ang baklang 'yan!" Wika ni Bianca habang kumukuha ng kanin. Halata na hindi pa sila nag-aagahan.
"Wait!" Pagpapatigil ni Whiskey kay Bianca kaya natigil naman si Bianca sa pagkuha ng kanin. Habang ako naman ay napa-tingin ng diretso kay Whiskey.
"P stands for, patay. G stands for gutom! P-A-T-A-Y-G-U-T-O-M?" OA na pag-i-spelling ni Whiskey.
Oo nga 'no, bakit hindi ko naisip agad 'yon? Slow mo talaga Pearl.
"Sa wakas! Nakuha mo rin, kailangan pa pala ni Pearl na mag-luto ng steak para lang ma-gets mo!" Pang-aasar pa ni Bianca kay Whiskey.
Ang gulo talaga ng dalawang 'to. Mamaya maka-basag ng plato, mabawasan pa ang plato namin rito sa bahay.
"At kailan pa ako naging patay gutom? Hindi ba pwedeng madali lang magutom ang tao. Ang harsh mo sa akin Bianca." Pag-iinarte ni Whiskey habang naka-hawak pa sa kaniyang dibdib.
"Ang arte mo naman, para do'n lang." Ako naman habang nag-huhugas ng pinagkainan namin. Sayang hindi nakasama si Xander. May pinuntahan daw kasi sila ng pamilya niya. Ayos lang, may next time pa naman, tsaka wala rin naman rito si Mom eh. Hindi ko rin maipapakilala si Xander sa kaniya.
"Bakit ba kasi hindi pa kayo kumuha ng maids? Ayaw niyo bang mabawasan ang kayamanan niyo?" Si Whiskey na halatang nasaktan talaga dahil sa pang-lalait ni Bianca.
Grabe naman kasi ang isang 'to. Kung maka-pang lait, ang lakas maka-below the belt.
"Kayamanan na pinagsasabi mo riyan. Kaya pa naman namin ah, tsaka hindi kaya kami inutil..." Pamimilosopo ko kay Whiskey.
"Burn..." Si Bianca na naman na si Whiskey talaga ang pinupuntirya.
"Ang sama mo talaga Bianc---" Hindi ko na hinayaang matapos ni Whiskey ang kaniyang sasabihin kasi pinutol ko iyon.
"Teka nga lang, naka-kain na tayo't lahat, hindi ko pa rin alam ang news na ibabalita niyo!" Sabi ko sa kanila kaya natahimik sila pareho.
"Ikaw na mag-sabi!" Turo ni Whiskey kay Bianca.
"Ayoko nga 'no, ikaw na lang." Kailan ba sila titigil sa pagtuturuan nila?
Hindi pa sana sila titigil kaso nag-salita na ako kaya natigil sila. Ang ka-kalog talaga.
"Oh sige, ako na lang ang magbabalita para sa sarili ko, okay ba 'yon sa inyo?"
Sarcastic na wika ko sa kanila."Ganito kasi...bumalik na iyong dalawang bitch. Pinabalik sila ni President Cheon." Natahimik ako sa sinabi ni Whiskey.
"Pero may isang favor daw sa kanila si President!" Pagpapatuloy ni Bianca sa sinasabi ni Whiskey kaya kumunot ang noo ko.
"At ano naman 'yon?" Tanong ko sa kanila kaso nagkibit-balikat lang sila pareho.
"Walang nakaka-alam, baka sa Monday pa natin malalaman." Wika ni Whiskey na kasalukuyang nakapangalumbaba.
Parang kinabahan naman yata ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko eh. Parang may past kami ng dalawang bitch na 'yon. Parang na meet ko na sila somewhere pero hindi ko alam kung saan at kailan. Parang nasa bahagi sila ng past ko.
Pero baka naman nagkakamali lang ako, siguro naman mali ang iniisip ko tungkol sa kanila.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Genç KurguMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.