Chapter 36

15 4 64
                                        

Here are the portrayer's of this story<3

Pearl Rian Samonte as Moon Ga Young

Dwight Cheon as Hwang In-youp

Alexander Real as Cha Eun-woo

(Kayo na rin po ang bahala na mag-search ng mga photos nila, hindi ko na po kasi malalagay kasi nagloloko si wattpad ko, kagaya rin ho siya ng mga boyfriend ninyo, nagloloko po!!!)

Iyong kay Jaynie Alonte po is looking forward to look kung sinong babagay sa kaniya, you can suggest lang po if sino ang gusto ninyo para ma-add ko siya riyan sa name's, salamuch po!!!

Kayo na po ang bahala kung sakaling ayaw ninyo sa mga portrayer's na nilagay ko, portrayer's po kasi is parang gaganap lang sa kwento, para lang po ma-imagine ninyo kung ano ang hitsura ng mga character's rito. Iyan lang po kasi ang nakikita ko na bagay sa story na ito, if you have complain, feel free to comment po para malaman ko kung ano ang mga hinaing ninyo!!!

Thank you and I Love You'll<3

   ______________________________________

Chapter 36: Weird Feelings

Pearl's Pov

Parang may malambot na dumampi sa labi ko kagabi, hindi ko alam kung ano iyon, pero baka unan lang naman. Malambot naman ang unan 'di ba?!

T-teka nga, bakit parang ang lambot ng higaan? Hindi naman ganito kalambot ang hinihigaan kong couch kagabi ah. At bakit parang ang lawak?

Iniunat ko ang aking dalawang kamay at naramdaman na parang ang lawak nga ng hinihigaan ko. Wait, what if...narito ako sa kama ni Dwight?

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita na nasa kama nga ako ni Dwight. Eh...nag-tabi kami kagabi? Oh my ghad, baka...no, no way, hindi 'no. Baka nagka-palit lang kami ng higaan kagabi at hindi kami nagtabi. Okay?! Ikalma mo lang ang sarili mo Pearl Rian Samonte.

Paano kaya ako napunta rito kagabi sa kama ni Dwight? Imposible naman na binuhat niya ako 'no, hindi niya gagawin iyon, in my dreams na lang mangyayari ang ganoong bagay.

Dahan dahan akong umupo at isinandal ang likuran sa headboard ng kama.

Posible kaya na nag-lakad ako kagabi habang tulog?! Pero, hindi ko naman ginagawa iyon sa bahay, ano ako namamahay?

Humikab muna ako bago mapag-desisyonan na tumayo na roon at tunguhin ang kusina.

Nahirapan pa ako sa paghahanap ng aking tsinelas, mabuti na lang at naroon lang sa tabi ng couch. Kung naroon ang tsinelas ko sa may couch, 'di hindi pala ako nag-tsinelas kagabi habang naglalakad?

Nako, gulong gulo na talaga ako. "Mabuti pa't makapag-cr na nga lang muna ako!"

Tinungo ko na ang kusina at nakita si Dwight na nilalantakan ang tirang cheesecake kagabi.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon