This is it, hahaha.
Parang mahihirapan yata akong mag-sulat na narito na si Jaynie. Baka hindi ko kaya bigla iyong mga linyahan niya.
Pero fighting lang!
Lets do it!!!Lab you'll...
______________________________________
Chapter 44: Meet Jaynie
Pearl's Pov
Todo ngiti pa siya habang lumalapit sa amin. "Happy birthday sa pinaka-paborito kong pinsan." aniya tsaka hinalikan ang pisngi ni Xander.
"Paborito? Eh ako lang naman ang pinsan mo." mahinang natawa si Xander.
"Mukhang roon tayo magkakaroon ng problema," bahagya na naman siyang natawa.
Tumingin si Xander sa akin kaya napalunok ako ng sarili kong laway.
"Jaynie, friend ko, si Pearl." inakbayan pa ako ni Xander. Nag-pilit na lang ako ng ngiti kahit parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
"Oh, friend lang ba talaga? Parang pamilyar sa akin ang pangalan mo..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang naiinsulto naman ako sa paraan ng kaniyang pag-titig.
Ngayong naka-harap ko na si Jaynie sa personal. Parang nakita ko na talaga siya rati, hindi ko lang matandaan kung kailan at saan. Basta may namumuong mga imahe sa isip ko pero hindi ko lang mabuo-buo, matagal na akong nag-o-everthink kung may past ba talaga kami ni Jaynie o wala.
"Ah siguro, marami lang akong kapares ng pangalan kaya medyo pamilyar ako sayo." ayokong isipin na pareho kami ng iniisip, pero sa paraan ng pag-titig niya sa akin, parang may nararamdaman rin siya kagaya ng nararamdaman ko ngayon.
Umiling siya. "Never mind, let's enjoy the party na lang..." umalis siya sa harap ko.
"Okay ka lang?" bahagya namang tanong ni Xander sa akin kaya tumango ako.
"Siguro, roon na lang muna ako kila Whiskey. Pwede mo ba akong ipagpaalam sa parents mo?" he nodded. Sandali niya muna akong iniwanan sa kinatatayuan ko at bumalik rin naman kaagad.
"Okay ka lang? Sino pala iyong babae na kakarating lang?" sunod sunod na tanong ni Whiskey sa amin kaya si Xander na ang sumagot.
"Si Jaynie, pinsan ko." ani Xander.
I found myself na naka-tingin na pala kay Dwight, hindi siya mapakali sa kaniyang pwesto, kagaya ko. Siguro, excited lang talaga siya na narito na si Jaynie. Well, i'm happy for them even it hurts...
Kahit na ipinangangalandakan kong moved on na ako, bakit parang masakit pa rin sa puso, siguro nga, isa na akong dakilang sinungaling, dahil pilit kong sinasabi na moved na ako sa kaniya. Paano ba alisin ang sakit sa puso na siya ang dahilan? Sana nama'y mag-laho na ang nararamdaman ko sa kaniya ngayong narito na ang babaeng mahal niyang talaga. Knowing na araw araw na akong masasaktan kasi dumating na siya.
"Oh my G, siya iyong ex ni Dwight?" baklang 'to, akala yata niya wala si Dwight sa table namin ah, ang lakas pa ng boses.
Na-kwento ko na nga rin pala sa kanila ang tungkol kay Jaynie, and syempre, nagulat sila. Pati iyong tungkol sa naging past nila ni PDC na na-kwento lang rin sa akin ni Kier.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.