Chapter 19: Pain
Pearl's Pov
Wala akong pakialam kung bakit niya hinahanap si Dwight. Mas may pakialam ako sa aking pag-aaral.
Mukhang masaya na siya sa buhay niya. Look at him now, may sariling kotse, may mga body guards, maayos manamit, at higit sa lahat, mukhang galante pa. Aba't isa lang ang ibig-sabihin no'n, pera lang ang mahalaga sa kaniya.
"Hey girl? Ba't ang tagal mo?" Si Bianca na as usual, nag-aayos na naman ng buhok sa harap ng mini mirror niya.
"Oo nga...t-teka, umiyak ka ba? Huh?" Si Whiskey naman na ngayo'y naka-hawak na sa aking chin.
"Easy! Okay lang ako, wala pa ba si Prof?" I was pretending na ayos lang ang lahat, i was pretending na hindi ako umiyak.
Well, riyan naman talaga ako magaling, sa pagtatago ng sakit na nararamdaman ko.
"Wala pa, male-late daw siya ng five minutes. Kaya may oras pa tayo para mag-chikahan." Si Whiskey na nakapangalumbaba.
"True, dala mo ba iyong libro ng Love spell?" Hindi pa rin ba siya nakakapag-move on tungkol roon?
Argh, nakaka-banas naman oh. May problema na nga ako, iyon pa talaga ang inuna. Pero kung sabagay nga naman kasi, hindi nila alam na may problema ako kaya hindi nila ito mapupuna.
"Hindi, as if namang dadalhin ko 'yon. Ayoko kaya na pagtawanan." Sagot ko habang naka-pout pa.
Sobrang sama ng pakiramdam ko. Siguro mamayang lunch ko na lang ibibigay kay Xander iyong pagkain.
Hindi pa rin kasi nagpaparamdam sa akin ang isang 'yon.
"Gosh, pagtawanan? Ang astig kaya ng librong 'yon!" Sabi ni Bianca with matching pitik pa ng hanggang balikat niyang buhok.
"Oy, pero maiba ako!" Naagaw naman ni Whiskey ang atensyon namin ni Bianca.
Magbabasa sana ako ng libro, kaso baka hindi ko na iyon magawa kasi madaldal ang mga katabi ko.
"Paano kaya kung i-testing natin kung may effect ba iyong libro, ano G kayo?" Tanong niya sa amin na nagpa-kunot ng noo ko.
"Weh, totoo? Kaya kaya nating gumawa? Kasi nakikita ko sa TV rati na mahirap kumuha ng mga sangkap para sa love spell!" Suhestiyon naman ni Bianca.
"Agree ako kay Biancs, kaya hindi natin susubukan." I said while pouting. Hindi pa rin maalis ang sakit ng nararamdaman ko.
"Hay, ang KJ niyo naman! Parang susubukan lang eh hindi pa mapag-bigyan!" Tumalikod pa ito sa amin na animoy nagtatampo.
"Eh, Whiskey...hindi kasi p'wede, masama 'yon eh!" Si Bianca naman ngayon ang nag-co-comfort sa kaniya, parang hindi lang nagbabangayan kung umasta ah. Parang ako pa ang naging kontrabida.
"Hindi naman natin gagamitin eh, try lang natin!" Naguluhan naman ako sa sinabi ni Whiskey.
"Hay, eh pa'no natin malalaman kung eepekto ba o hindi kung hindi lang rin naman natin gagamitin? Magulo kang malambot ka!" Paninigaw ko sa kaniya.
"Oo nga 'no!" Pag-sang-ayon naman ng isa.
Hindi lang naman pala ako ang slow, maging sila rin naman ay part na ng team slow!
"Naninigaw ka pa talaga. Nasaan ba ang kausap mo? Sa palengke?" Banat ng malambot sa akin.
"Eh syempre, hindi ka kasi makikinig kung hindi ko tataasan ang aking boses. Ang daming sinasabi. Bahala na nga kayo riyan, magbabasa pa ako!" Sabi ko habang hinahalughog ko ang aking bag para hanapin ang librong babasahin ko.
"Bookworm nga naman!" Pahabol na sabi pa ni Whiskey nang mailapag ko na ang libro sa lamesa ng aking upuan.
Kagaya nga ng sabi ko. Nahahanap ko ang lubos na kasiyahan sa pagbabasa ng libro.
"Ang pagpapatawad ay maluwag sa pakiramdam kapag nagawa mo na ito. At ang pagmamahal sa kapwa ay lubos na nakapagbibigay ng matinding kasiyahan!" Basa ko sa librong hawak ko.
Ang galing rin eh 'no. Kung kailan naman nangyari 'yong kanina, ngayon naman ako naka-basa ng topic na related roon? Ang buhay nga naman ng tao, parang isang laro, ang raming joke!
Mabuti na lang at tulala ang dalawa. Hindi nila ako magugulo sa aking taimtim na pagbabasa.
"Good morning class! I am sorry cause i am late, may ginawa lang saglit." Si Professor ESP. Iyon ang tawag namin sa lahat ng teacher namin. Para hindi magulo, base sa subject na lang ang itatawag namin sa kanila.
Nag back greet naman kami sa kaniya. Ayaw naman namin na maging bastos 'no.
"Okay, so ang topic natin ngayon ay about family!" Parang nag-panting ang pandinig ko sa mga tinuran ni Prof.
Bakit ngayon pa? Joke ba 'to? Or baka naman it's a prank? Nako, baka mamaya may sumabog na confetti bigla.
"So sino ang buo ang family rito? Itaas ang kamay!" Mukhang hindi nga talaga siya nagbibiro. She's serious, ano na ang gagawin ko? Tatakpan ko na lang ba ang tenga ko?
Agad naman na nagtaas ng kamay ang mga classmates ko. And considering my two friends.
"And who's experiencing broken family?" Wow naman! Kailangan pa bang ipamukha? Hindi naman 'di ba!
Tinaas ko na lang ang aking kamay. Huwag lang nilang isipin na KJ ako.
Ayoko 'yon!
Marami ang nagtaas kanina ng kamay pero mas marami ang kagaya ko na broken family lang ang peg.
"Okay lang 'yan!" Si Bianca na parang nalugi ang mukha.
"We're here for you best!" Si Whiskey naman with matching pilit pa ng ngiti.
Halata na concern sila sa akin. Well, kailan ba hindi naging concern ang dalawang 'yan? Never yata! Kasi palagi naman silang nariyan kapag may drama ako sa buhay.
"So now, please tell us, ano ang halaga ng Ama ninyo sa inyo?" Tanong ni Prof na halatang walang gustong sumagot.
I raised my right hand. "Yes Miss Samonte, would you like to answer my question?" I slowly nodded.
"Okay, go for it!" Utos ni Prof kaya sinimulan ko nang mag-salita.
"Base sa akin...mahalaga ngang tunay ang mga ama. Wala tayo ngayon sa mundo kung wala sila. Pero habang lumalaki tayo, naiisip natin na kaya pala natin na mabuhay kahit na wala siya. Hindi ko naramdaman na mahalaga ako sa ama ko, kasi sa murang edad, he left me. He left us. He cheated on my Mom. Ipinagpalit niya kami sa ibang babae, or should i say, ibang pamilya. Well, mahalaga sila para sa mga anak na nararamdaman ang pagmamahal ng kanilang ama. Pero sa amin na hindi nakaranas ng pagmamahal sa aming ama, we said na, they have no value yo us. Hindi nga nila tayo pinapahalagahan, pahahalagahan ba natin sila?" Nang mapa-yuko ako, kusa na lang tumulo ang mga luha ko ng hindi ko napapansin. Umupo na ako kaya natagpuan ko na hinahaplos na pala ni Bianca at Whiskey ang aking likuran. Na nakakatulong para makalma ang aking sarili. I feel pain inside my heart. And i really said that it hurts!
"Well, mahirap talaga ang broken family. Maging ako'y nahirapan rin noon sa set-up ng mga magulang ko, lumaki ako sa broken family na set up. Hanggang sa natutunan ko kung paano ang magtanim ng sama ng loob. Nag-tanim nga ako ng sama ng loob sa aking parent's. Sad to say pero namatay si Tatay nang hindi ko man lang siya napapatawad. Kaya Pearl, kung may pagkaka-sala man sayo ang Dad mo, forgive him. Baka sa huli'y mag-sisi ka rin!"
Ang mga salitang iyon ni Prof ay parang espada na tumusok sa aking puso at tumagos ito sa aking katawan.
Kailan ko nga ba talaga siya mapapatawad?
"Suguro Prof, in God's time. And in right time!" Nginitian ko si Prof. Ngiti na nagsasabing pareho lang kami ng pinagdaraanan.
Siguro, mapapatawad ko rin siya kapag nakita kong nagsisi na siya sa ginawa niyang pang-iiwan sa amin ni Mom...mahirap pero gagawin ko, for Pete's sake!
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Genç KurguMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
