Chapter 22: Facebook
Pearl's Pov
Mula kaninang pauwi ako rito sa bahay, para na akong zombie kung mag-lakad.
Pinapa-sakit ng announcement ni President Cheon ang ulo ko.
Hindi naman kasi sa nag-e-expect ako 'di ba. Pero kasi may kaunti na akong clue eh, hindi ko lang mabuo.
Binuksan ko na ang pintuan. Bumungad naman sa akin si Mom na nanonood ng TV, habang kumakain ng chips.
"Hi Mom, good eve po!" Gabi na, natagalan pa kasi kami sa school. Nag-linis pa kami ng gymnasium.
Nakaka-banas nga eh!
Hinalikan ko naman si mommy sa kaniyang pisngi. "Oh anak, mukhang pagod ka yata...kain ka na, ipaghahanda lang kita." Akmang tatayo na si Mommy kaso pinigilan ko siya. "Huwag na mom, maamaya na lang po ako kakain. Akyat na po ako ah. Nood na lang po kayo!" Sabi ko sa kaniya kaya umupo siyang muli.
"Sige, basta kumain ka kung nagugutom ka. Iinit mo na lang iyong niluto kong pagkain...good night!" Hinalikan pa niya ako sa aking pisngi.
Kinuha niyang muli ang hawak niyang chips kanina kaya umakyat na rin ako sa taas para mag-stay muna ako sa kwarto ko.
Nasa taas pareho ang kwarto namin ni Mom, kaso medyo malayo kasi nasa kanan akong bahagi ng taas at nasa kaliwang bahagi naman siya.
Pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang kurtina na tinatangay ng hangin na nagmumula sa bintanang naka-bukas.
Inilapag ko muna sa couch ang bag ko at naglakad palapit sa bintanang iyon.
Malawak itong kwarto ko kasi may isang set ng couch, tapos idagdag mo pa na may sariling banyo, sariling library at sariling maliit na walk in closet. Ang astig 'di ba?!
"Hay, nakaka-pagod mag-isip!" Naguguluhang sambit ko sa aking sarili.
Nakatayo na ako ngayon sa tabi ng bintana't pinagmamasdan ang malawak na kalangitan, punong puno ng mga bituin.
Sa tuwing tumitingin ako sa kalangitan, parang kinikindatan ako ng mga bituin. Mabuti pa sila, nagagawang kumindat sa akin. Eh si President Cheon kaya, kailan? Baka sa next life na!
Kinuha ko naman ang cellphone ko dahil naisipan kong kuhanan ng litrato ang magandang kalangitan na sa aki'y nagpapakitang gilas dahil sa taglay nitong kagandahan.
Hindi ako magaling kumuha ng litrato pero sa tingin ko nama'y okay na ang mga kuha ko. Don't judge it na lang.
Kinuhanan ko na lang iyon ng isang beses tsaka kumuha rin ako ng litrato ko na nakatalikod sa langit. Ang ganda, kasi nakuhanan ko ang mga bituin na kumikislap.
Sunod na binuksan ko naman ang aking FB. "Ilang days na rin kitang hindi nabisita..." Naka-ngiting wika ko rito.
Pati na facebook kinakausap ko. Insane na nga yata talaga ako!
Hindi ko muna binuksan ang mga messages na naroon sa message icon, ang importante ay ma-post ko ang aking pictures.
"Post..." Sabi ko pa habang nagpipipindot.
May mga nag react naman agad, at ang mga kauna unahan rito ay sila Whiskey at Bianca. Active sila palagi eh, wala kasing pinagkaka-abalahan sa buhay.
Whiskey Commented on your post.
-Ang ganda ng langit girl!
Una pa talaga niyang napuna ang langit kaysa sa akin. Ang sama talaga ng malambot na 'yon.
Bianca Commented on your post.
-Ganda yarn? Wah, friend ko iyan!
Mabuti pa si Bianca na-a-appreciate ako.
In-heart ko lang ang mga comment nila dahil ayokong makipag-kulitan sa kanila. Pagod ako!
Sunod ko namang binuksan ang aking friend request list.
As usual, marami na namang laman. Pero hindi naman kasi ako iyong tao na nang-a-accept sa hindi ko kakilala.
"Alexander Real, send you a friend request..." Basa ko roon sa isang friend request.
In-stalk ko muna ito bago ko i-accept.
Teka, ako lang ba? Baka kayo rin, ganoon ang ginagawa sa tuwing may na-re-receive kayong request.
"Haha, oo nga pala, si Xander..." Hindi ko mapigilang matawa kasi in-stalk ko pa, si Xander lang naman pala.
Pero bonus na rin kasi nakita ko ang mga pictures niya.
Accepted!!!
Nag-scroll pa ako sa mga friend request list ko. Baka mamaya, may kakilala ako na hindi ko man lang na accept, baka mamaya sabihin na pa-famous akong tao.
"Wait w-what?!" Nagulat ako kasi may bagong rating na friend request.
Nag-notif iyon kaya nag-scroll up ako.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa aking nakita. Dwight Cheon send you a friend request.
Dalawang beses ko pa binasa iyon para lang maka-siguro na hindi nga ako namamalik-mata.
"Siya ba talaga 'to? Baka naman poser!"
In-stalk ko muna ito at nakita ko nga na siya iyon. May mga naka-tags pa sa kaniya na galing kay Xander.
Pero sa dinami rami ng naka-tags sa kaniya galing kay Xander. May isang picture na naka-agaw ng atensyon ko.
Kumakain kami ni Xander habang naka-hawak siya sa pisngi ko.
Loko 'yon ah, nag-stallen pa pala. Sa pagkaka-alala ko, iyon iyong time na niyaya ako ni President Cheon na kumain sa labas.
"My girl best friend that make me smile as always!!!" Napa-ngiti naman ako sa naka-caption rito.
Ang sweet talaga ni Xander...
Na-intriga ako kasi ang raming comments at reacts. Kaya nag-marites muna ako at nag-basa sa ilang mga comments na narito.
"Pre, jowain mo na 'yan!"
"Pare, ang ganda naman niyan..."
"Pare? Ano name?"
"Kuya? Bagay po kayo ni ate!"
Iilan lang iyan sa mga na-basa ko.
Natuwa ako at na-appreciate ko iyon kaya in-save ko. Pang remembrance rin!
Iyong iba lalaki tapos babae naman iyong iba. Hindi naman sinabi ni Xander na famous pala siya. Dinaig pa ako eh!
Sa reacts naman ako napadpad, marami ang nag-hearts at nag-care, walang haha react at wala rin like react. Pero..."May nag-angry?" Nagulat ako sa nakita ko.
Ghad, ang babaw talaga, bakit naman siya nag-angry? Panira lang ng reacts eh, ang ganda na sana, nag-angry pa.
"Dwight Cheon...bakit ka nag-angry? Nababaliw ka na ba?" Tanong ko sa aking sarili bago ibinagsak ang aking sarili sa malambot kong kama.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
