Chapter 5

18 7 10
                                    

Chapter 5: SSG President

Pearl's Pov

Mabuti na lang at tulog na si mommy kagabi, hindi na niya ako kinompronta tungkol sa nangyari kung bakit hindi agad ako nakauwi. Hindi ko na rin siya ginising kasi alam ko naman na pagod si mommy sa kanyang trabaho.

Ganoon talaga ako pagdating sa walanjo kong ama, ewan ko ba pero hindi ako komportable kapag napag-uusapan namin siya. Maging kila Whiskey at Bianca, hindi ko magawang i-open sa kanila ang tungkol sa problema ko sa walanjo kong ama.

May respeto pa naman akong natitira sa kanya eh, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi siya nakuntento sa amin ni mommy. Siguro dahil gusto niya na maraming nag-mamahal sa kanya kaya ganoon. Siguro mapagmahal siya kaya lahat ng babaeng makita niya'y minamahal na niya agad agad.

Tapos, dumagdag pa si Dwight kagabi, hindi man lang niya naisip na nasaktan ako dahil sa ginawa niya. Ginawa niyang joke iyong pagkawala sa amin ng aking walanjong ama. Mabuti pa si Xander at dinamayan niya ako.

Kasalukuyan na akong naglalakad ngayon papasok ng gate.

"Ehem," pag-tikhim ng isang tao na nasa likuran ko.

Parang kilala ko yata ang tikhim na iyon ah. Parang pamilyar sa akin.

Nilingon ko naman kung sino 'yon at nakita na tama nga ako, siya 'yon. Si Dwight.

Iniwas ko kaagad ang aking mga mata nang magtama ang paningin naming dalawa.

Hindi ako galit ah, nagtatampo lang!

Sana naman, magawa niya man lang bumawi sa akin or suyuin man lamang niya ako. Pero sino nga ba ako para gawin niya iyon para sa akin. I am just a ordinary girl compare sa kanya na, senior high school na, captain ng basketball team nila, at higit sa lahat, SSG pesident rin pala siya.

Nang ma-check na ni kuyang Guard ang ID ko'y, nag-simula na akong mag-lakad. Ano pa nga ba ang gagawin ko kung 'di ang maglakad na, alangan naman na hintayin ko siya tsaka sabay kami na maglakad papasok. Ano ako, sinuswerte? Ghad, how I wish!

"Mag-lunch tayo mamaya," 4 words na nag-patigil sa mga paa ko para humakbang.

Niligid ko pa ang aking mga mata at baka hindi ako ang tinutukoy niya, baka mamaya pinopormahan pala niya. Pero kung ako nga, chance ko na 'to para ma express ang feelings ko sa kaniya. This is the right time Pearl... go lang nang go!

"A-ako ba?" nauutal na tanong ko habang naka-turo pa sa aking sarili.

"Yeah, huwag ka ngang maging stupid! Sayang lang ang hitsura mo kung magiging stupid ka Ms. Samonte..." Wika niya tsaka nag-lakad paalis.

Kyahhh, tama ba ang mga narinig ko? Niyayaya niya akong mag-lunch? Date ba? Hala anong isusuot ko? Malamang uniform, hindi naman pwede na gown 'di ba, sa school lang naman kami mag-la-lunch at hindi sa labas or sa restaurant, huwag OA at assuming, baka masaktan lang rin sa huli. Ikalma mo lang Pearl.

Nagwawala na naman tuloy ang puso ko. Feel na nitong sumabog at tumalon papunta sa puso ni Dwight.

Sana lang magkaroon kami ng maraming topic mamaya para hindi siya ma-bored. Ayoko na maging awkward ang atmosphere mamaya.

Pero syempre, bago ko isipin ang lahat ng 'yan, papasok muna ako sa mga class ko kasi ayoko naman na mag ditch class. Baka mayari pa ako kay mommy.

Pagka-tapat na pagka-tapat ko pa lang sa loob ng room namin ay parang ang tahimik na ng mga tao. Bakit hindi sila maingay kagaya ng rati nilang ginagawa? Wala bang professor sa loob? Pero rapat pa nga mag-ingay sila kasi wala kaming Prof. Mag-ce-celebrate na rapat ang nga 'yan kung wala nga kaming prof sa loob. This calls for a celebration na sana ang linyahan ng mga 'yan.

Binuksan ko ang pinto at nakita si Dwight na seryosong nakamasid sa blangko kong upuan.

Malamang kararating ko lang kaya blangko talaga 'yan.

Nagkita lang kami kanina ah, miss niya na agad ako? Este akala ba niya absent ako?

"Good Morning Ms. Samonte! You're 5 minutes late." Napa-tingin naman ako sa kanya at nakita ang kanyang mga matatalim na matang nakamasid lang sa akin. Nakakatakot talaga ang lalaking 'to.

Nag-lakad na ako at tumungo sa pwesto ko.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Whiskey.

Siguro lutang na naman ako kanina kaya na late tuloy ako ng five minutes.

Hay, ang strict naman ng isang 'to.

Sasagot na sana ako kay Whiskey kaso naunahan na naman ako ni Dwight,  "May sinasabi ka ba, Mr. Whiskey?" tanong nito kay Whiskey habang naka-ngisi pa.

Ang lakas mambully, akala mo hindi SSG president, paano ba 'to nanalo noong eleksyon? Baka naman may nangyaring dayaan sa balot box kaya siya nanalo.

"How dare you to call me Mr!" bulong ni Whiskey na sapat lang para marinig ko ng maayos.

I secretly laugh dahil sa sinabi ni Whiskey.

Bakit ba kasi nandito ang lalaking 'to? Wala ba silang pasok? O baka naman nag-ditch? Hay, sayang talaga ang pagiging SSG president ng lalaking 'to.

Si Bianca naman, tahimik lang na naka-tingin sa kaniyang notes. Himala yata, kailan pa 'to natutong mag-basa ng notes? Or either kailan pa siya natutong mag-aral?

"Dwight? Bakit ka nasa room namin?" tanong ng isa sa mga classmate namin.

"How dare you to call me Dwight? You don't have manners? Huh? I said President Cheon!" pagtatama ni Dwight sa sinabi ng isa sa mga classmate namin.

Grabe para 'yon lang, galit na agad? Tao ba 'yang lalaking 'yan o tigre? Rawrrr!

"I am so Sorry President Cheon, hindi na po mauulit," parang nagmamaka-awa na ang babae.

Baliw na yata ako kasi na-inlove ako sa isang 'to.

"'Yan ganiyan, matuto kayong gumalang sa naka-tataas sa inyo, by the way, rito muna ako, patambay, wala kayong class ngayon kasi may meeting sila, kaya wala kayong pwedeng gawin kung 'di ang tumahimik!"

Patambay? Sinasabi niya? Bakit tambayan ba 'to?

Siguro iniisip na ninyo kung bakit ang gulo ng utak ko. Oo gusto ko siya, pero hindi ko maatim ang lahat ng kayabangan niya, parang kailangan na niyang maturuan ng leksyon. Pero ano namang gagawin ko para tumino siya? As if naman may magagawa ako 'no.

"Nga pala, huwag ninyong isipin na special kayo dahil narito ako ngayon sa room ninyo, narito lang ako kasi inutusan ako ng professor ninyo! Don't fvcking assumed!" Ngumisi pa siya, sayang ang g'wapo, ang yabang kasi eh, sayang lang 'yong buhok niya na medyo kulot. Bumagay pa naman sa kanya.

Ang yabang talaga, ma-inlove ka lang talaga sa akin papasunurin kita gamit ang mga kamay ko, bwahahaha. Matatawag rin kitang Baby ko si Kulot!

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon