Chapter 41

9 4 4
                                    

Iyong mga theory ninyo i-keep niyo lang iyan sa mga isip niyo. Tapos kapag may nahulaan kayo in the end, congrats, hehe.

Basta, mag-enjoy na muna kayo sa pagbabasa!

Lab you'll<3

______________________________________

Chapter 41: The umbrella.

Pearl's Pov

Muntik na akong hindi maka-tulog kagabi sa kakaisip no'ng nangyari rito sa office.

Ang aga ko pang pumunta rito sa school para itanong kay Kier kung may nakita ba siyang ibang tao na pumasok rito sa office.

Hindi ako maka-concentrate sa binabasa ko dahil sa kakaisip kung sino ang tao na nagpaparamdam sa akin. Bakit ba kasi kailangan niya pang magpa-mysterious? Wala ba siyang mukha para hindi niya kayang magpakita sa akin?

Nilapag ko muna ang librong hawak ko para maka-higop sa kape na binili ko kanina sa cafeteria. Hindi rin kasi ako nakapag-almusal. Mabuti na nga lang at hindi nagalit si Mommy dahil hindi ako nag-almusal. I mean, tinanong niya kung bakit hindi ako kakain pero sinabi ko na kakain na lang ako sa cafeteria pagkarating ko rito. And good to know na pinayagan niya ako.

Narinig kong may pumihit sa doorknob ng pinto kaya nailapag ko ang kape sa table ko.

"Oh, Pearl, ang aga mo yata. Himala ah!" bungad ni Kier na medyo magulo pa ang buhok at ang uniform.

"Ah oo, may itatanong kasi ako sayo kaya napa-aga ako!" saad ko tsaka nag-pilit ng ngiti.

"Ano naman 'yon? Sa susunod kasi, kunin mo na lang ang number ko para hindi ka na mag-abala pa na pumunta rito sa school ng ganito kaaga." pangaral naman niya bago ilapag ang kaniyang bag sa sarili niyang table.

"Hmm, oo nga naman haha!" natatawang sabi ko. Napa-palakpak pa ako ng isang beses.

"Heto oh, save mo na lang number mo rito!" inabot naman niya sa akin ang phone niya. Agad ko namang in-save ang number ko roon.

Wala naman sigurong masama roon kung ibigay ko kay Kier ang number ko kasi kaibigan ko na rin naman siya. Siya pa nga ang madalas kong kasama kapag wala si Xander o iyong dalawa kong kaibigan eh.

"Ahm, may nakita ka bang ibang tao na pumasok rito kahapon?" direktang tanong ko sa kaniya habang ibinabalik ang kaniyang phone.

"Huh? Wala naman, tsaka hindi ako napa-daan rito kahapon eh, sobrang busy sa room kahapon. Bakit mo nga pala natanong, may nawawala ba sa mga gamit mo?" aniya.

"Ah, eh, wala naman, natanong ko lang kasi narito ako kahapon, natulog ako rito!"

"Akala ko naman kung ano na...pinakaba mo ako ro'n Pearl." kinuha ko ang kape na binili ko para sa kaniya.

"Haha, OA, heto oh, binilhan rin kita!"
Alok ko sa kape na para sa kaniya talaga.

"Salamat ah. Sakto, hindi pa ako nag-aalmusal!" saad niya bago nilagok ang kape. Parang hindi nainitan ah!

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon