Epilogue

12 3 111
                                    

Last part of the story, I just want to say thank you sa pag-ti-tiyaga niyong mag-basa rito sa FLS, kahit na matagal ang updates, matagal na sana 'tong tapos kung hindi lang siya nasaktuhan sa last semester, tsaka finals na rin kasi namin.

Ayon, I want to know kung sino iyong mga readers ko, curious ako sa mga nag-vi-view rito, kaya you can reach me in this account; Facebook: Willing2Wait4you Wp

______________________________________

Epilogue: Ending

Pearl's Pov

"Ang cute cute niya 'no?" masayang wika ko kay Dwight habang buhat buhat niya si Ronayz, iyan nga pala ang ipinangalan ni Rona at ng asawa niya sa anak nila. Yes, nanganak na si Rona at ngayon ang christening ni Ronayz.

"Oo, mana sayo," sagot naman ng loko.

"Sira, sa mama at papa niya siya nag-mana, hindi ako ang nanay niyan kaya hindi siya nagmana sa akin." tsaka ko sila pinicturan, nag-pose naman ang pinaka-cute na ninong ni Ronayz kaya natawa na lang ako bigla, hindi siya shy pagdating sa harap ng camera.

Umiyak naman ang bata kaya binigay na namin siya sa kaniyang mommy. Kumain na lang kami ni Dwight dahil kanina pa kami nagpipigil ng gutom, mas nauna kasi niyang lambingin ang bata bago niya napagpasyahan na kumain na kami.

"Gusto ko rin ng gano'n soon," naka-pout pa niyang sabi sa akin.

Parati na lang niyang sinasabi sa akin ang bagay na iyan. Ang gusto niyang magka-anak soon, iyong tipo na parang sigurado na siya na ako ang magiging ina ng mga anak niya. Gusto ko naman pero hindi naman natin pwedeng pangunahan ang tadhana 'di ba. Ayokong maging negatrons pero ayoko lang kasing mag-plano at pangunahan ang kapalaran na naghihintay sa amin.

Kagaya na lang naming magkakaibigan, si Whiskey, masaya na kay Lex, si Bianca, masaya na kay Kier, si Jaynie, masaya na lang siya na maging single, si Xander na plano ang pagpapari, si Rona, may anak na tapos may asawa pa na responsable at may respeto sa kaniyang mag-ina, and lastly, I and Dwight, strong naman na kami after that cool off na nangyari at sana magtuloy tuloy na, wala na sanang problema pa na dumating sa aming dalawa, kagaya nga ng sabi ng loko, weakness raw niya na mawala ako sa tabi niya. OA pero sa kabilang banda, masasabi kong sweet.

Bukas rin pala ang moving up namin, kasama kong ga-graduate ang taong mahal ko, pero ang kaso nga lang ay ga-graduate na siya bilang isang senior high school, then sa college niya hindi ko na siya kasama, iyon lang ang sad part, pero may tiwala ako sa kaniya, alam ko na ako lang ang mahal niya, subukan lang niya akong lokohin, mag-re-revenge ako, charot lang, kagaya nga ng sabi ko, walang magandang idudulot ang paghihiganti.

"Sigurado ka?" taka kong tanong.

"W-what? Bakit, ayaw mo ba?" Shock pa siya sa lagay na iyan. Kaya natawa na lang ako dahil sa hitsura niya.

"Gusto, pero 'di ba, hindi natin pwedeng pangunahan ang kapalaran natin, malay mo may mahanap ka pang iba. Tapos siya pala ang maging nanay ng mga anak mo in the furture." sa pagkakataong ito, masama na ang tingin niya sa akin. Oh my ghad, baka nagalit ko siya, baka magtampo na naman 'to. Ang daldal kasi ng bibig ko eh, walang preno, matuturingan na yata akong marites nito.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon