Chapter 7: Peace Offering
Pearl's Pov
"Hi Xander...." Bati ko kay Xander tsaka umupo sa harap niya.
"Uy, ang tagal mo naman yata? May ginawa ka?" Tanong niya naman sa akin. Habang kumakain ng fries.
"Wala...pahingi..." I replied to him.
"Gutom ka na?" Tanong niya ulit sa akin.
"Oo, hindi pa kasi ako kumakain ng lunch..." Sabay dampot na naman sa kinakain niyang fries.
Hindi na talaga ako nahihiya kay Xander. Biruin mo, two days pa lang kaming magkakilala tapos close na agad kami. That's what you called, stranger turns into close friend.
"Ginutom yata kayo ni Dwight." Naka-ngising sabi niya.
"Huh?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.
"Nag-paalam ang lokong 'yon sa akin kanina na mag-i-stay daw siya sa room ninyo kasi wala daw kayong prof. Pinagod niya ba kayo? Loko talaga ang lalaking 'yon." Sabi niya habang umiiling-iling pa.
Loko naman talaga siya, tignan mo nga oh, pinangakuan niya ako kanina na mag-lunch kami together, tapos hindi rin naman pala. G'wapong sinungaling nga naman.
"Hindi naman, wala nga siyang ginawa sa room eh. Naka-upo lang tapos nakatunganga."
Wala siyang ginawa nang ilang oras, ano nga ba ang p'wedeng itawag mo sa kaniya? Eh 'di nakatunganga.
G'wapong nakatunganga...
"Marami nga daw nagtataka eh, kung bakit pumunta siya sa room ninyo. Kasi hindi pa nga daw niya ginagawa 'yon sa tanang buhay niya. Tapos iniisip pa ng ibang estudyante na baka daw may pinopormahan si Dwight sa room niyo. May ideya ka ba kung sino? O baka naman ikaw?" May parte sa mukha ni Xander na napa-ngiti siya ng may pagka-bitter.
"Uy, hindi ah, as if naman na magugustuhan ako no'n 'no, oo gusto ko siya pero ang problema'y hindi niya ako gusto..." Ngumiti siya ng matamis bago pisilin ang magkabilang pisngi ko.
"A-aray naman Xander, ang sakit kaya..." Reklamo ko sa kaniya habang naka-hawak sa magkabilang pisngi ko na parang namumula na yata.
"Ang cute cute naman ng magandang Pearl ko, nasaan pala 'yong mga kaibigan mo?"
"Ewan, baka nag-fashionista na naman sila, 'yon naman hilig nila eh...."
Akmang aabutin na naman niya ang mga pisngi ko, kaso nailayo ko na 'yon sa kaniya.
"Ahy, bakit hindi ka sumama sa kanila? Sayang ang ganda mo Pearl, rapat mag-ayos ka, mag-make up...."
"Tss, hindi ko naman ugali na mag-make up, natural lang akong tao kaya hindi ko na kailangan ng make up make up na 'yan..." Napa-ngisi naman siya.
"Ang cute cute talaga oh..." Wala na, naabot na naman niya ang pisngi ko. Feel ko parang kamatis na 'yon dahil sa sobrang pula.
"Huhu naman Xander, ang sakit sakit na ng pisngi ko..."
Humahalakhak lang siya. Kalog rin talaga ang lalaking 'to. Kaya ang saya niyang kasama eh.
"Miss Samonte, tara na..." Boses ni Dwight na nasa likod ko na pala.
Napabitaw naman si Xander na kanina pang naka-hawak sa aking pisngi ang kaniyang mga kamay.
"Ah, eh, akala ko ba hindi na matutuloy?" Tanong ko sa kaniya, pero nanatili lang akong naka-talikod.
"Tatayo ka ba riyan o hindi?" Ma-awtoridad na tanong niya.
Kaya tumayo naman agad ako tsaka hinarap si Xander.
![](https://img.wattpad.com/cover/302080699-288-k574378.jpg)
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.