Enjoy reading po...
Medyo matagal ang update kasi wala po akong sariling wifi, thank you na lang sa p2p hehe!!!
I Pink You'll!
Mwah<3
_____________________________________
Chapter 40: The kiss
Pearl's Pov
Nagising ako sa pag-ring ng cellphone ko.
Sino naman kaya ang tumatawag ngayon na ginagambala ang mahimbing na tulog ko. Bukod kasi sa late na kaming umuwi kagabi, napagod rin kami sa kaka-lakwatsa sa mall. Mabuti na nga lang at hindi na bored si Xander sa amin, mukha namang nag-enjoy ang loko.
"Oh, yes hello?" panimula ko nang may antok sa boses.
"Good morning magandang Pearl, bangon na!" masayang bati ni Xander sa kabilang linya.
"Huh? Ano na bang oras?" tanong ko sa kaniya.
Kinuha ko naman ang maliit na orasan sa side table ko at nakita na 6:30 na pala.
"6:30 na, maliban na lang kung 5:00 pa lang iyang orasan mo!" hindi ko man makita ang kaniyang mukha, sure ako na naka-ngisi ngayon ang loko.
"Oo nga, late na pala akong nagising." kasalanan kasi 'to no'ng dalawa eh, kada magyayaya akong uuwi, later ang laging isasagot nila sa akin.
Nag-arcades pa kasi kami, pambata lang pero nag-enjoy naman kami. First time kong nag-arcades sa ganitong edad. Mabuti na lang at nag-enjoy rin ang driver namin.
Kaya wala kaming naging problema.
"Halatang pagod ka!" wika niya.
"Oo nga eh, sige na, maliligo na ako!" ibababa ko na sana ang telepono kaso nag-salita pa siya ulit.
"Sunduin kita..." pahabol na saad niya.
"Huwag na, kita na lang tayo sa school mamaya, kita kits!" naka-ngiting wika ko bago patayin ang tawag.
Hindi naman sa ayaw ko na sunduin niya ako. Ayoko lang kasi na pumunta pa siya rito sa bahay. Baka mamaya, asarin na naman ako ni Mom sa love triangle na iyan.
Sino ba ang nagpa-uso sa love triangle na 'yan? Dalhin niyo nga rito sa bahay at mag-tutuos kaming dalawa!
"Oh ano, kumusta ang tulog?" bungad sa akin nang inaantok na si Whiskey.
As usual, nag-me-make up na naman si Bianca. Kailan niya ba pinabayaan ang mukha niya sa pag-me-make up? Para siyang barbie...
"Kagaya mo, antok pa!" binilisan ko kasi ang kilos kaya nakarating ako ng maaga rito sa school, okay na ang 30 minutes na ligo at kumain na rin ako ng kaunti. Buti nga at nadatnan ko si Mom na nagluluto sa kusina kaya nakakain ako ng maaga. Obligasyon ko sana iyon, kaso hindi ko nagawa kasi late na akong nagising, nakalimutan ko pala na i-open ang alarm no'ng orasan.
"Late na kasi tayo kagabi, hindi ko tuloy na-kompleto ang beauty rest ko!" sabat naman ni Bianca na naka-hawak pa ng brush.
"Ang arte mo!" komento agad ni Whiskey habang napapa-ngiwi pa.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
