Chapter 56: Mother's concern
Pearl's Pov
"Anak?" pag-tawag sa akin ni Mom kaya lumingon agad ako sa kaniya.
"Po?" i asked.
Ang mata niyang naka-tingin sa akin kanina'y itinuon na niya ngayon sa dinaraanan namin. "Okay ka lang ba? May bumabagabag ba sa iyong isipan? Sabihin mo lang kay Mommy, tiyak na masusulosyonan natin iyan." sunod sunod na saad niya.
"Wala lang po ito, medyo puyat lang kagabi, nag-basa po kasi ako nang mga libro!" sagot ko sa kaniyang mga tanong.
Ihahatid niya ako ngayon sa school, sabi ko nga sa kaniya na huwag na pero nag-pumilit pa siya.
"Mag-pahinga ka kung minsan, baka naman sa kakabasa mong iyan eh malagpasan mo pa ang IQ ni Albert Einstein." pabiro na saad ni Mom.
Natawa naman ako nang mahina. "Grabe naman po, syempre, wala pong tatalo kay Albert Einstein ang tali-talino kaya no'n!" komento ko naman.
"Ikaw talaga..." pahabol na saad niya habang natatawa pa rin.
Nang makarating na kami sa may gate ay pinagbuksan pa ako ni Mom ng pinto na hindi naman niya ginagawa rati kapag hinahatid niya ako.
"Mom? Akala ko po ba hanggang rito lang po kayo?!" nag-aalalang tanong ko.
Mukhang may ideya na ako kung bakit ako hinatid ni Mom ngayon ah.
"Tara, hatid na kita sa classroom mo, baka mamaya, may mam-bully na naman sayo!" hala, baka sugurin niya bigla si Jaynie.
Kumapit ako sa braso niya. "Mom, alam ko na po iyang binabalak niyo. Huwag na po ninyong ituloy, lalaki lang po ang gulo!" awat ko sa kaniya.
"No, hindi ako papayag, tsaka gusto kong maka-usap ang babaeng iyon ano. Para hindi na niya ulitin ang mga ginawa niya sayo rati!" utas niya.
"Mom? Iniisip ko lang po kasi na, rapat po hindi na kayo mainvolve rito..."
"No, hindi pwede. Bakit? Hindi mo ba ako family para mainvolve rito? Mula simula hanggang sa matapos ang mga problema mo, involve na ako kasi nanay mo ako anak. Natural lang na ganito ako umasta kasi nanay ako. Hayaan mo naman ako na ipagtanggol ko ang kaisa-isa kong anak laban sa mga taong umaapi sayo!" paliwanag niya.
Well, sa kabilang banda, tama rin naman kasi si Mom. Nanay siya, and you know, may kasabihan nga tayo na mother's knows best, siguro much better na makaharap na nga niya si Jaynie. And balang araw mararamdaman ko rin ang mother's concern na nararamdaman ngayon ni Mom kapag nagkaroon na ako ng mga anak in the future. Maski ako'y hindi ko kaya na api-apihin nila ang mga anak ko kapag dumating ang panahon na magkakaroon na nga ako nang mga anak.
I smiled at her. "Usap lang po huh!" paalala ko.
"Kung kaya nang babaeng iyan na kumuha nang abogado, pwes kaya rin natin!" gigil pa niyang sabi.
"Mom... mag-promise po kayo na kakausapin niyo lang siya!" pakiusap ko.
Alam ko naman na hindi ako matitiis ni Mom kaya, i assure na walang gulong mangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/302080699-288-k574378.jpg)
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Roman pour AdolescentsMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.