Chapter 81

7 4 22
                                    

Chapter 81: Dwight's special night

Pearl's Pov

"Hoy, kinakabahan talaga ako, andiyan na ba sa loob ng bahay niyo ang parent's mo?" grabe, kinakabahan talaga ako ng sobra, parang ang bigat ng atmosphere mula rito pa lang sa labas ng bahay nila. How much more pa kaya kung sa loob na.

"Wala ka namang rapat na ikakaba, nasabi ko na sa kanila na they need to be nice sayo kaya, don't worry na! Pasok na tayo?" ang lakas ng fighting spirit ng lalaking ito kasi hindi siya ang ipapakilala, palibhasa parent's niya.

"Sige na nga, tara na!" bago kami nag-lakad papasok ng bahay nila'y hinawakan muna niya ang kamay ko dahilan para mapa-tingin ako sa kaniya mata sa mata, napanatag naman ang loob ko nang bahagyang ngumiti siya sa akin.

Confident talaga ang loko na magugustuhan ako ng parent's niya, pero I hope so!

"Wait lang..." pagpapatigil ko sa kaniya ng akmang makalapit na kami sa may pintuan ng dining room nila.

Tumingin naman siya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Happy birthday honey ko, this is the first time na makakasama mo ako sa pinaka-importanteng moment ng buhay mo, gusto ko lang malaman mo na, kung ano tayo ngayon, ganito na tayo forever, I hope na magustuhan mo ang gift ko sayo, I love you!" kasabay no'n ay ang pag-halik ko sa kaniyang magkabilang pisngi. Tsaka iniabot ko sa kaniya ang gift na binili ko kahapon pagka-uwi ko galing school. A perfume na gusto kong laging gamitin niya, same kami ng brand ng pabango kaso nga lang pang-babae iyong akin. In-short, couple perfume!

"Nagkakamali ka..." panimula niya kaya ako naman ngayon ang nakakunot ang noo. "...hindi ang birthday ko ang pinaka-importanteng araw sa buhay ko, dahil ang makilala ka at maging girlfriend kita, iyon ang the best na nangyari sa buhay ko. I hope na someday, papayag kang patungan ang apelyido ko. Future Pearl Rian Samonte Cheon." ang sweet pala ng sasabihin, kinabahan pa ako sa part na 'Nagkakamali ka'.

"Para ka naman nang mag-po-propose sa way ng pananalita mo." nakahawak pa rin kami sa kamay ng isa't isa. Medyo naibsan na rin ang aking kaba dahil sa mga nangyayari.

"Bakit, gusto mo na ba akong mag-propose sayo?" naka-ngisi niyang tanong.

"Of course hindi pa pwede, let's finish our studies muna."

17 pa lang kaya ako 'no, hindi pa pwede, aral muna!

"Yeah, tapos kapag kinasal na tayo, let's make a baby, dalawa!" wow diktador.

"Loko ka, iyan na kaagad ang iniisip mo, ipakilala mo kaya muna ako sa parent's mo, pwede?!" babatukan ko na sana eh, kaso nga lang naalala ko na birthday pala niya ngayon.

Lumipas lang talaga ang araw na ito, humanda siya sa akin.

"Let's go, ready ka na bang ma-meet ang future in laws mo?!" puro talaga biro ang isang 'to!

Tumango na lang ako kasi medyo kinakain na naman ako ng kaba ko.

Pagka-pasok pa lang namin sa kanilang dining room, bumungad na kaagad sa amin ang Mommy ni Dwight.

Omo, ang ganda niya, parang alam ko na kung saan nag-mana si Dwight.

Kinabahan pa ako ng slight kasi the way siya kung tumitig sa akin, parang sinusuri niya ang buong pagkatao ko.

"Siya ba?" na kay Dwight ang kaniyang atensyon.

"Yeah." sagot lang naman ni Dwight.

Mukhang hindi sila okay ng Mommy niya. Naalala ko nga rin pala minsan na na-kwento pala sa akin ni Dwight na mas inuuna ng Mommy niya ang trabaho kaysa sa anak niya. Kaya siguro medyo malayo ang loob ni Dwight sa Mommy niya.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon