Chapter 8

19 6 0
                                        

Now playing; Pasensya ka na by;Silent Sanctuary.

(Play niyo para with feelings, thank you<3)

Chapter 8: Pretending

"Hi Miss Beautiful, p'wede ba makiupo?" Since wala pa si Dwight, wala akong kasama rito sa table namin kaya may lumapit na isang lalaki.

"Nope, may kasama ako eh. Hanap ka na lang ng ibang table, baka magalit kasi 'yon eh." Paliwanag ko sa lalaking naka-harap sa akin.
Mabuti na lang at wala pa si Dwight rito. Kasi kapag nagkataon na narito siya, baka masapak pa niya ang lalaking 'to.

"Hindi magagalit 'yon..." Wika niya kasabay ng pagtikhim ni Dwight na palapit na sa akin.

"What the fvck! Who the hell are told you na p'wede mong kausapin ang girlfriend ko?" Napatayo ako nang marinig ko 'yon kay Dwight. Mukhang may mangyayaring kaguluhan kaya kailangan ko ng mag-handa.

"Wala ka na roon. Hindi ka naman niya boyfriend eh," Bumaling ang tingin sa akin ng lalaking 'yon. "'Di ba Miss beautiful?" Dagdag niya pa.

Hay, hindi ba talaga sila titigil? Ghad, pinagtitinginan na kaya kami ng mga tao. Bulag ba sila kaya hindi nila makita 'yon?

"At sino naman ang dumbass na nagsabi sayo niyan? Napaka-tanga naman niya para sabihin niya 'yon sayo at mas lalo kang tanga kasi naniwala ka sa kaniya.

Gulat akong napa-tingin kay Dwight nang hapitin niya ako palapit sa kaniya at ipinulupot niya ang kaniyang kanang kamay sa baywang ko.

"Dwight? Ano ba ang ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya ng makahulugan sa akin.

"Oh, 'di ba nagrereklamo lang si Miss beautiful. Isa lang ang ibig-sabihin niyan, nagpapanggap ka lang bilang boyfriend niya." At sasagot pa kasi eh, ba't ba kasi hindi na lang siya umalis at iwan na kami ni Dwight. Baka mamaya pa'y magkaroon ng ramble rito sa restaurant at ako pa ang gawin nilang referee.

"Pwede ba, tumigil na kayo, hindi ba kayo nahihiya? Ang daming tao na naka-tingin sa atin. Ikaw, Mister who ever you are. Umalis ka na lang, ayaw namin ng gulo..." Pakiusap ko sa lalaking kasagutan ni Dwight kaso hindi siya nag-patinag.

"No way, hindi ako aalis hangga't hindi ko nakukuha ang number mo..."

Namilog naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ng lalaking 'to. Baliw na yata eh.

"Ok fine..." Sagot ko sa kaniya kaya nakuha ko ang atensyon ni Dwight na naka-tingin na sa akin ngayon at binibigyan ako ng looks na 'What are you doing?'

"No way, huwag mong ibigay..." Bulong niya sa akin pero sa tantsa ko'y narinig ng kaharap namin kaya napapa-ngisi na ang baliw na lalaking 'to.

"Para nga tumigil na siya, bakit ano ba ang gusto mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi malakasan ang boses ko. Napa-tingin tuloy ang mga tao sa akin. Ang kulit kulit naman kasi ng dalawang 'to.

"Ikaw!" Sagot niya sa akin habang naka-tingin ng diretso sa mga mata ko. 'Di ko alam pero parang kinilig ako ng kaunti lalo na't sinabi niya sa akin 'yon habang naka-tingin sa mga mata ko.

Stop this non-sense Pearl, huwag kang kiligin, kasama lang 'to sa pag-pre-pretend ninyong dalawa.

"Huh?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

Umiwas ng tingin ang loko at halatang nahiya sa sarili niyang kagagawan.
"I mean, i wanted you to shut up!" Ma-awtoridad na utos niya sa akin.

'Yon lang naman pala ang gustong sabihin eh, pa intense pa, umasa na naman tuloy ako.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon