Chapter 1: Alexander
Pearl's Pov
"Anak, gising na, may pasok ka pa," sigaw ni mommy mula sa labas.
Hindi na ako sumagot dahil hindi rin naman niya maririnig dahil sa hina ng pagsigaw ko, mas malakas ang sigaw niya kumpara sa akin.
Dumiretso na lang muna ako sa banyo ng aking kwarto tsaka ginawa ang morning routine ko.
"Hello mom, good morning," Hinalikan ko sa pisngi si mommy.
"Kumain ka na anak, alam mo ba na ang aga kong nagising para lang mag-luto ng pagkain, kaya huwag mong susubukan na hindi kumain."
Nakaupo na ako ngayon sa pwesto ko at kasalukuyan na nilalagyan ni mommy ng pagkain ang plato ko.
"Mom naman, huwag naman po ninyong sabihin iyan, alam niyo naman po 'di ba na na-a-appreciate ko po lahat ng ginagawa ninyo para sa akin," Ganito talaga kami ni Mommy, madrama sa bahay pero mahal na mahal ko si mommy. Kapag nawala na si mommy sa buhay ko, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin.
Kaming dalawa lang ni mommy ang narito sa bahay. Si daddy naman, sumakabilang bahay. Pero wish ko na sana ay hindi na siya bumalik sa amin kasi ang hirap tanggapin na ipinagpalit niya lang kami sa ibang babae. Hindi man lamang niya naisip na may anak siyang masasaktan sa ginawa niya.
Pero okay lang kasi kaya naman namin ni mommy ng kami lang dalawa.
Sana nga ay hindi na siya bumalik.
"Nabusog ka ba 'nak?" mom asked me.
"Oo naman po, sa sarap ba namang magluto ng mommy ko, sino ang hindi mabubusog," sagot ko sa kanya kaya humalakhak naman si mom.
"Nambola ka pa, sige na pasok na, baka malate pa ang anak ko na ubod ng ganda at nagmana sa mommy niya,"
In-kiss ko naman si mommy sa kanyang pisngi.
Sabi na nga ba eh, kaya namin kaya hindi na kailangan pang bumalik ni dad.
"Sige mom, bye bye," paalam ko kay mommy ng makalabas na ako sa gate ng aming bahay.
Nagta-trabaho si mommy sa isang kompanya kaya natutustusan niya lahat ng pangangailangan namin sa bahay at maging sa pag-aaral ko.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway ng school. As usual kaunti pa lang ang mga tao kasi maaga pa naman, 6:00 pa lang nang umaga tapos 8:00 naman ang klase ng mga estudyante.
Tumitingin lang ako ng diretso kaya natatanaw ko na ang malawak na field.
Marami rin ang memories ko sa school na ito. Kami nila Whiskey at Bianca. Lalo na kung intrams, marami talagang nangyayaring events.
Naupo muna ako sa isa sa mga bench rito sa field, nagbasa na muna ako ng mga libro tsaka itinabi na muna ang cellphone ko. Iyon naman talaga ang ginagawa ko kapag may free time ako o kaya naman ay kapag wala akong ginagawa. Library ang tambayan ko, siguro hindi pa bukas iyon kasi maaga pa naman.
Madalas akong mag-collect ng mga libro sa bahay, simula bata isa talaga akong book lover kaya hindi rin maipagkakaila na palagian ako na nangunguna sa klase. Iyon lang rin ang tanging paraan para mapasaya ko si mommy, sa paraan na pagiging isang mabuting anak at magaling na estudyante.
"Hello Ms. Bookworm pwede makiupo?" tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa senior high school na siya.
"Ah, eh sige pero marami namang upuan ah, required ba na rito ka makiupo sa akin?" hindi naman sa maramot ako na tao, pero kasi nakakapagtaka lang na bakit rito pa siya makikiupo kung gayong marami namang bench ang narito.
"Masama ba na makiupo sa isang magandang binibini?" sabi niya then smirked pa.
Infairness cute siya, may mga dimples at medyo matangkad rin, mistiso rin ang isang 'to. Kung hindi lang ako loyal kay Dwight, magkakagusto ako sa isang 'to eh.
"Ah, eh, nagbibiro ka ba?" nahihiyang tanong ko sa kanya, sinara ko muna ang binabasa ko na libro dahil hindi rin naman ako makakapag-concentrate kapag may kumakausap sa akin.
"Hindi ah, maganda ka naman talaga eh. Matagal ka ng nag-aaral rito?" infairness, kahit na medyo mapera siya hindi siya nag e-english.
Hindi katulad ng ibang lalaki na medyo mukhang gangster at medyo feelingero, hindi ko naman nilalahat pero parang ganoon na nga. Si Dwight, hindi ko pa kasi siya nakakausap ng harapan kaya hindi ko pa alam kung paano siya makipag-usap.
"Oo, simula freshman ako, rito na ako nag-aaral, ikaw ba? Bago ka yata, ngayon lang kasi kita nakita rito eh."
Ngayon ay naka-tingin na siya sa malayo, "Yeah, transferee ako, and first day ko ito. Swerte ko nga eh, kasi ikaw agad ang unang nakilala ko, ano pala pangalan mo?"
I smiled at him, "Sabi na eh, bago ka lang, hindi kasi kita nakikita rito kaya agad na pumasok sa isip ko na, bago ka lang rito. Pearl Rian Samonte nga pala."
He smiled back at me, "Ang ganda ng pangalan, mana sa may-ari," Joker rin pala ang isang 'to. Natawa naman ako ng bahagya.
"Joker ka pala," Nakatawang sabi ko sa kanya.
"Hindi kaya. Alexander Real nga pala," Inilahad pa niya ang kaniyang kamay na agad ko naman na tinanggap.
"Nice meeting you Mr. Real!" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Xander na lang, nice meeting you too Babe." sabi niya habang hindi pa rin binibitawan ang aking mga kamay.
"B-babe?" Nakakahiya, bakit naman kasi Babe ang tawag sa akin ng isang 'to?
"Yes Babe?" Humahalakhak na siya ngayon, parang may saltik ang isang 'to. Jusqo, sana naman ay hindi ako mahawa sa kanya.
"I mean, iyong kamay ko, bitiw na, tsaka huwag mo akong tawagin na Babe huh?!" binitawan niya ang kamay ko tsaka ngumiti.
"Opo! Pwede ba kitang maging kaibigan?" he said kaya napangiti naman ako, pft, nakikipag-kaibigan lang pala tapos kung maka-babe wagas.
"Sige, friends na tayo," sabi ko sa kanya tsaka ako nag-lakad palayo.
Siguro wala namang masama kapag nakipag-kaibigan ako sa iba, maganda pa nga iyon eh para madadagdagan ang magiging sandalan ko sa lahat ng drama ko sa buhay.
"Pearl, ang ganda mo... Friends na tayo ah." sabi niya habang naglalakad ako, pero napa-hinto agad ako nang marinig ko siyang mag-salita.
Nilingon ko siya tsaka binigyan ng matamis na ngiti.
Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil baka hindi na niya ako paalisin, madaldal pa naman ang isang 'yon.
Pero nakakataba ng puso kasi ngayon lang ako nakaranas ng ganoong trato, lalo pa at sa isang lalaki.
Base sa kanyang ipinakita sa akin, isa siyang tunay na tao at walang masama kung magiging malapit siya sa akin.
"Nice meeting you too, Xander, by the way ang g'wapo mo," bulong ko sa aking sarili bago naglakad ulit palayo.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.